Lie Nagising ako nang may umalog alog sakin. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at naaninag ang mukha ni Jame Brancen na nakangiti sa akin. Kinusot ko ang mata ko at tiningnan ang bedside table ko kung nasaan ang alarm clock ko. 4am? "What?" Garalgal kong sabi at ipinikit ulit ang mga mata ko. Isiniksik ko ang sarili kong mukha sa unan. Ba't ang aga niya naman atang nagising? "Wake up sleepy head. Thursday ngayon. Alam kong hindi ka free sa araw na 'to kaya gusto kong nakawin ang isang oras mo ng pagtulog." sabi niya. Nakikinig lang ang mga tenga ko pero nakapikit parin ang mga mata ko. Inaantok pa ako! Napakamagnanakaw naman ata ng Delafuente na 'to. Hindi lang halik ninanakaw sa'kin kundi pati oras ko gustong nakawin. Ano pa ang gusto mong nakawin Jame Brancen? "What are y

