Trauma Nanatili lang ako sa kwarto ko nang araw na 'yon. Si Jame Brancen ay hindi umuwi. Si Mommy ay pumunta rin daw ng hospital. Ayokong pumunta doon. Ayokong makita ang imahe ni Michelle na nakahiga sa kutson ng hospital at walang malay. "Hindi ka ba inaantok? Gusto mong bumaba tayo? Eat atleast Abbegail. Hindi ka pa kumakain simula kanina." Hinaplos niya ang braso ko habang nakasandal ako sa balikat niya. Ganito lang ang posisyon namin hanggang tumahan ako. "Paano ako kakain sa lagay na 'to Jame Brancen? I almost killed her! Baka nga patay na siya. I saw that blood! Paano kung namatay siya... makukulong ako Jame Brancen! Makukulong ako. Kahit na aksidente 'yon ako parin ang may kasalanan. Maiintindihan ba nila pag sinabi kong hindi ko iyon sinasadya? Na kusa siyang tumakbo palayo s

