Puppy love and love bone Nagsalo salo nga kami pagsapit ng nochebuena. Kahit papano ay sumaya rin ako. Kinalimutan ko muna ang galit ko sa kanila basta wag lang akong mapatingin kay Michelle dahil magigiba talaga ang binubuo kong pader para hindi makapasok ang galit sa loob ko. Really can't help it. Parang virus ang mukha niya. Yung magsalubong lang ang tingin namin kakalat agad sa loob ko ang inis ko sa kanya. Binase namin yung nochebuena namin sa Pilipinas. Yun kasi ang nakaugalian nila lola kaya nakasanayan narin. Ilang oras rin ba ang agwat dito sa Pilipinas? 13 hours? Pagkatapos ng nochebuena ay nagbukas rin kami ng regalo. Si Kolette kahit saan ata pumunta dala dala yung frame. Ayaw na niyang bitiwan. "Thanks lola, lolo." Hinalikan ko silang dalawa sa pisn

