Pink Motorbike

2151 Words
Taon 1990: 9:30 am, traffic papasok sa parking area ng isang malaking mall.  Dugtong-dugtong ang mga sasakyan maliban pa sa mga taong bumubuhos papuntang mall entrance. Premier showing ng movie nina Martin Grey at Natalie Sun.  Sa loob ng van, nakaupo si Martin Grey, isang sikat na hunk model-singer-actor.  Siya si Nicolo Martin Portman sa tunay na pangala o Nico sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.  Europian-born-Australian ang kanyang ama at pinay naman ang kanyang ina.  Namana ni Nico mula sa kanyang ama ang physical features niya at ang kanyang kutis na molatto naman sa ina niya.  Six feet and two inches ang height at may six packs abs na katawan at ang kulay ng kanyang mga mata ay hazel-blue, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Suma-total siya ay may makalaglag panga na kaguwapuhan.  Produkto siya  ng isang singing search na kanyang sinalihan noong fifteen years old siya. Runner up lamang siya pero dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan ay nagkaroon siya ng puwang sa showbiz. Masaya siyang nagmamasid sa mahabang pila ng mga taong papasok sa mall, karamihan ay mga teenagers at mga babae. Natawag ang kanyang pansin sa paghinto ng isang pink motorbike sa tapat ng kanyang kinauupuan. May helmet ang rider pero sa tingin niya ay babae ito. Wala sa kanyang loob na pinasadahan niya ang pigura nito.  Naka-fitted denim jeans at jacket ang rider pero halata sa pigura nito ang magandang hubog na katawan.  Napadako ang mga mata niya sa sticker na nakadikit sa motorbike, red heart shape at may nakasulat sa gitna at binasa niya ito. ‘Nico & Alex’ Lihim siyang natawa dahil kapangalan pa niya ang boyfriend ng rider.  “Tsk, super traffic,” naiinip na wika ni Tony, ang manager ni Nico na nakaupo sa tabi ng driver. Makapal ang suot nitong salamin sa mata at puti na ang buhok.  Mart, MarLie Fans are there,” tawag-pansin ni Tony kay Nico, “Natalie is already there. We only have thirty minutes to get ready.  You and Natalie will have an autograph signing after the movie show,”mahabang habilin nito sa binata. “We also have dinner with Bamboo Records Executives tonight for your upcoming album,” dugtong na paalala pa nito.  “Yes, Tito Tony,” wika ni Nico sa kanyang manager. Nakasunod ang kanyang tingin sa humarurot na pink motor bike. Si Tony na ang nag-manage ng kanyang career mula ng pumasok siya ng showbiz kaya nasanay na siyang tawagin itong tito. == Hiyawan ang mga fans ng magmartsa sila Martin at Natalie papasok ng theatre.  “MARLIE…MARLIE...MARLIE..!” sigaw ng mga fans habang panay naman ang kaway ng mag-love team sa  mga fans.  Isa  na namang box office hit sa takilya ang movie nila.   Pagkatapos ng movie premier show at authograph signing ay tumuloy sila Nico at Tony sa meeting para sa kanyang song album. Past 12 midnight ng nakauwi ng condo unit niya si Nico.  Masyadong exhausting ang araw na ito sa kanya.  “I’m so tired,”  wika niya at sabay higa sa kanyang kama at tinanggal ang kanyang sapatos gamit ang kanyang paa. “Kuya Saj, what is my schedule for tomorrow?” Nakapikit ang mga mata ng binata sa sobrang antok. “May photo shoot kayo ni Natalie bukas ng alas otso,”  sagot ni Sajie habang ipinapasok ang mga bitbit na gamit sa kuwarto. Siya ang Personal Assistant ni Nico mula ng magsimula ang showbiz career nito.  Magpinsan ang dalawa sa ina at dating siyang Messenger.  Doble ang ini-offer na sahod dito ng ina ni Nico kaya napapayag na maging personal assistant. Hindi lang ito basta assistant dahil ito rin ang tagabasa at taga-sagot ng mga electronic mails at lahat ng personal na kailangan ng binata ay ito ang tagahanda at kung minsan ay tagabili na rin. Kasama siyang nakatira ni Nico sa condominium unit kapag hindi sila nakakauwi sa bahay ng binata sa Batangas. “Too early,”  komento ni Nico habang humihikab, nakapikit at hinihilot ang medyo sumasakit ng noo. “Sige, pahinga ka na, good night,” wika ni Sajie na lumabas nang kuwarto ng binata. “Good morning,” humihikab na sagot ni Nico. Hinahatak na talaga ng antok ang mga mata niya kaya mabilis siyang nakatulog. == Kinabukasan ay maagang dumating si Nico sa photo shoot. Kahit gaano man siya kapagod ay ayaw niyang sumisira sa schedule.  Maaga din si Natalie. Siya ang ka-love team ni Martin Grey sa loob ng isang dekada dahil click sa masa ang kanilang tambalan. Sabay na silang nagbinata at nagdalaga sa mundong ginagalawan. Sa pagiging magka-loveteam nila ni Natalie ay gamay na nila ang isa’t isa, Gusto ng mga fans na ‘for real’ ang kanilang relasyon. Sa tuwing magtatanong ang press people ay madalas nilang sabihin na especial ang pagtitinginan nila sa isa’t-isa.  Lingid sa kaalaman ng mga fans ay may non-showbiz boyfriend si Natalie at may Sandra naman si Nico. Palagay na sila sa isa’t-isa at madalas silang magkuwentuhan tungkol sa kanilang lovelife kapag walang nakakarinig na ibang tao. “Good morning Mart,” masayang bati ni Natalie. May lahi itong Filipino-American, sexy at maganda. “Good morning Tali, you looked happy today,” masayang bati rin ni Nico sa dalaga. “Of course, I have a date with Jim later,” pabulong at kinikilig na wika ni Natalie. “Pretty inspired hmm,” komento ni Nico samantalang siya ay mabigat ang pakiramdam dahil kulang pa siya sa tulog. “Mart, let’s make this photoshoot fast and smooth.” “Sure, we will. I wanna go home early,” wika din ni Nico dahil plano niyang magpahinga at matulog muli. “Don’t you have a date? Where’s Sandra?” pabulong na wika ni Natalie. “She’s abroad doing some modelling stuff.” Mahina at malungkot na tugon ng binata. “Oh, poor Nico,” tukso ni Natalie habang abala sa pagsipat ng sariling mukha sa hawak na salamin at pagkatapos ay tumingin kay Nico, “is it okay with you having a long distance relationship? Personally, I don’t agree in it.” “We both understand the nature of our work,” kibit-balikat na wika ni Nico. Napaisip siya, kailan ba sila nag-usap ng seryoso ni Sandra tungkol sa relasyon nila? Nakatago sa publiko ang kanilang relasyon dahil sa pagiging artista niya at pinangangalagaan nila ang loveteam nila ni Natalie at sumang-ayon din naman si Sandra.  Madalas kapag nagkikita sila ay sinusulit nila ang pananabik sa isa’t-isa kaysa mag-usap tungkol sa takbo ng kanilang relasyon. Masaya at kontento naman sila sa ganoong set-up. “Hi Mart and Tali,” bati ng papalapit na photographer, “Kindly proceed to your respective dressing room. We shall start in fifteen minutes.” Naghahanda na ang mga staff sa mga gagamiting props sa photoshoot. Mabilis ang kilos ng mga stylist at make up artist.  Bawat pagpapalit ng damit ay may kasunod na make-up retouch.  At mabilis ngang natapos ang photo shoot dahil sanay na sila sa isa’t-isa kaya walang kiyeme kahit sexy poses pa ang gawin nila. == Binabaybay ng van nila Nico pauwi ang isang avenue pabalik sa condo unit nito.  Dahil puyat pa rin siya ng nakaraang gabi kaya pumikit siya para umidlip. “Insan, tingnan mo!” excited na wika ni Sajie sabay kalabit kay Nico. Itinuturo niya ang malaking billboard ads sa may crossing stoplight ng national road. Napatingin si Nico sa billboard.  Naikabit na ang billboard ng sikat na denim jeans na siya ang official endorser. Sa isang sikat na private beach resort ginanap ang kaniyang photoshoot ng nasabing commercial. Tanging maong jeans lamang ang suot nya, walang suot na pang-itaas at litaw ang kanyang six-pack abs, nakayapak sa buhangin at nakaharap siya sa camera at background niya ay ang dagat .  Natawag ang kanyang pansin sa katabing billboard ng babaeng model ng ladies brand ng ini-endorse niyang jeans. Tanging maong jeans din ang suot ng model pero nakatalikod ito at bahagya lang ng kalahating mukha ang nakikita. Ang mahaba nitong buhok ang tanging cover ng likod. Nakayapak din ito at nakaharap sa dagat. Tinitigan niya ang model sa billboard. Maliit ang baywang at perpekto ang hubog ng pang-upo. “Ang sexy ng babaeng model ‘insan,” komento ni Saj. “Hindi ko siya kilala, sino kaya siya?” Nag-iisip si Nico habang nakatingin din sa billboard. “Baka magkaibang araw kayo nag-shoot ng commercial,” wika ni Saj. “Perhaps,” Sumandal na sa leather cushion ng sasakyan si Nico  ng tumakbo na ang kanilang sasakyan. Bigla siyang may naalala, “Dumaan kaya muna tayo kay kuya Odie.” Sumandal na rin si Sajie at ipinikit din ang mga mata dahil pagod at puyat din. “Akala ko ba gusto mong magpahinga?” wika nito habang nakapikit. “Mabilis lang tayo, it won’t take an hour,” wika ni Nico habang nanatiling nakapikit din. “Sige, pero hindi kita masasamahan pauwi sa Batangas. Parang lalagnatin ako,” Sinasalat ni Saj ang ang kanyang leeg. “Uuwi muna ako saglit sa mag-ina ko.” Lingguhan lang kung umuwi sa pamilya si Saj at kung minsan ay hindi pa kapag sunod-sunod ang mga commitments ni Nico. “Okay, off ka na after this.” sang-ayon ng binata kay Saj, “Manong Fred, sa Vanguard Agency muna tayo,” wika niya sa kanyang driver. == Sa office ni Odie. “Good afternoon ladies, Is Odie here?” masayang bati ni Nico sa mga employees ni Odie. “Good afternoon sir.” Sabay-sabay na wika ng mga babaeng staff. Dinig ni Nico ang mga impit na gibik ng mga babaeng empleyada. “Aha! kaya pala maingay ang mga girls dahil nandito ang pinaka-gawapo kung pinsan. Kumusta, marami pa ring tsikababes?” nakangising wika ng papasok sa opisina na si Odie. First cousins niya sina Sadji at Nico dahil magkakapatid ang kanilang mga ina.  Criminology graduate ito at security agency ang negosyo. Ang agency nito ang provider ng on-call security escorts kay Nico every time na may mall shows at shooting ito.  Dati-rati ay ayaw ni Nico ng mga alalay pero mapilit ang kanyang ina kaya maliban sa driver at kay Sajie ay may dalawa pa siyang body guards. “I’m good. Thank you.” Masayang nakipagkamay si Nico sa kanyang pinsan na bihira niyang makita. “Naku ‘Insan, hindi nauubusan yan ng chikababes,” nakangising sabat ni Sajie habang nakasalampak sa isang couch at nagsimulang magbuklat ng magazines na nasa center table. “Walang laglagan, kuya Saj,” nakangising wika rin ni Nico. Malalapit silang mga kamag-anak kaya sanay silang magbiruan. “Anong sadya? You need additional security escorts? Alarm system in your condo?”  Iginiya ni Odie si Nico na maupo sa harap ng kanyang office table. “Nope, mangungumusta lamang ako.” Naupo si Nico sa silya sa harap ng office table ni Odie at ipinatong pa ang mga paa sa katapat na silya. “As of now wala pang feedback ang agent ko, but don’t worry I’ll inform you if there’s a development.” Nagbubuklat si Odie ng kanyang mga papeles sa kanyang mesa. “Ang hirap naman kasi ng pinahahanap mo. Ang picture fifteen years ago pa.” “Okay,” nakapangalumbabang wika ni Nico. “Nico, heto na!” excited na wika ni Saj habang nakatingin sa hawak na magazine. “What is it?” Lumapit si Nico kay Saj para tingnan ang tinutukoy nito. Nasa centerfold ng magazine ang picture niya at ng babaeng model na nakita nila sa billboard sa national road. “Ang sexy naman talaga niya,” humahangang komento uli ni Saj. Kinuha ni Nico ang magazine sa kamay ni Saj, ”Sa akin na lang itong centerfold ng magazine Kuya Odie,” wika niya sa pinsan na lumapit din para maki-usyuso. “Sure, bagong prospect ‘insan?” pabirong wika ni Odie. “Tiyak hahantingin niya ang model na yan,” pabirong sabat ni Saj na nagbuklat na lamang ng ibang magazines. “Hindi ah,” nakatawang tanggi ni Nico, “Ikaw nga itong sobra kung makatitig, isusumbong kita kay Ate Mayet,” Tinanggal niya ang centerfold ng magazine at nirolyo. “Yan ang ‘wag mong gagawin ‘Insan,” wika ni Saj na ngingisi-ngisi. Nakitawa na rin si Odie sa biruan ng dalawa. “Kuya Odie, sorry but we can’t stay longer dahil uuwi pa ako ng Batangas.” humihikab na wika ni Nico. Umakbay siya  kay Odie. “Just, inform me for any development, okay.” “Sure, sure. Also give my regards to Tita Amy.” Inihatid ni Odie sina Nico sa labas ng kanyang opisina. At muling na-excite ang mga empleyada ni Odie pagkakita kay Nico.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD