Sa kanilang bahay sa Batangas ay tinanghali ng gising si Nico kinabukasan. Napapasarap ang tulog niya kapag nakakauwi siya ng probinsiya. Damang-dama niya ang preskong simoy ng hangin at higit sa lahat ang katahimikan ng lugar. Walang press people at walang camera kaya kahit hindi siya magsuklay ng buhok at hindi maghilamos ay walang makakapuna. Wala siyang showbiz commitment kaya pagkakataon niyang makipag-bonding sa kanyang ina.
“Good morning Mommy,” malambing na halik at yakap ang iginawad niya sa ina. Abala ito sa pagtanggal ng mga tuyong dahon sa orchidarium.
“Nico, my dear son, did you sleep well?” malambing na wika ni Mommy Amy.
“Yes Mom.” Buong paghangang pinagmasdan ni Nico ang magagandang bulaklak ng mga orchids “You really have magical hands Mom.”
“Green thumb son,” pagtatama ni Amy sa tinuran ng anak.
“No Mom, magical hands because you can grow everything, from plants to money,” wika ng binata sabay yakap sa ina, “I’m very proud of you Mommy.” Wala na siyang mahihiling pa sa kanyang ina dahil napakabuti nito kahit sa mga kamag-anak. Halos lahat ng mga tauhan nila sa negosyo ay kamag-anak at ang iba ay scholars pa ng kanyang ina. Si Mommy Amy ang namamahala ng kanilang mga business katulong ang dalawa niyang pinsang accountants, Magaling mag-manage ng business ang kanyang ina at napakasipag nito. Lahat ng kanyang kinita ay ipinagkatiwala niya dito at napalago ito ng husto. Hindi na ito nag-asawa pa mula ng mabiyuda sa kanyang ama. Buong panahon nito ay ibinuhos sa kanya at sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo.
Nalungkot siya ng maalala ang kanyang ama. Fifteen years old pa lamang siya ng mamatay ito dahil sa sakit. Tanging naiwan sa kanila ng namayapang ama ay ang bahay at pension para sa kanila. Nagtayo ng laundry shop ang kanyang ina at siya naman ay nag-aaral. Napakasimple ng kanilang buhay noon sa Australia. Malaya siyang nakakapamasyal mag-isa kahit saan niya gusto. Kumpara sa kasalukuyan niyang estado na bukod sa sikat at kumikita ng limpak-limpak na pera subalit pakiramdam niya ay may kulang sa buhay niya.
Naisip niya, at his age he has every material thing that any man could ask for. He is not a multi-millionaire but he could say that he has enough and strong resources to live a decent life. Ten years na siya sa showbiz industry, aside from their mansion and condominium unit, nakapagpundar na sila ng mga negosyo, may dalawa silang franchise ng sikat na fast food restaurant sa Batangas at sa Quezon City at may real state business at travel agency. Co-owner din siya ng isang resort sa Tagaytay. He has enough bank savings, expensive cars, regular co-hosting ng isang noontime show, product endorsements at upcoming song album contract at movie projects.
“Problem?” Napansin ni Amy ang biglang pananahimik ng anak. Napahinto siya sa ginagawang pag-spray ng mga orchids.
“Ah, No, just thinking of my upcoming activities. We have a taping of MKK in Cebu with Regina Amor then Davao the following week. I’m one of the co-hosts and will serenade the candidates for Miss Galaxy Pageant. I have to be there earlier for the rehearsals.” Kahit ibinigay na sa kanya ng kanyang ina ang kalayaan na magdesisyon para sa kanyang sarili ay nakagawian pa rin ni Nico na ipaalam dito ang lahat ng kanyang mga activities.
“Really!” napamulagat sa tuwa si Amy, “Favorite ko yan si Regina Amor noong college ako. Pero hectic ang schedule mo anak, baka naman magkasakit ka na niyan.” nag-aalalang wika nito.
“Don’t worry Mom,” Inakbayan ni Nico ang ina dahil ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya. “Inaalagaan ko naman ang sarili ko at saka nariyan naman si Kuya Saj.”
“Nico, I know you’re enjoying your status right now. But don’t you have plans of continuing studies?“
“Of course I want to. Perhaps next year. After my contract expires with GBN TV,” wika ng binata. Hangang grade 10 nga lang kasi siya sa Australia. Nag home study program siya mula ng mag-artista pero nahinto mula ng maging busy na siya.
“Nico dear,” masuyong ginagap ni Amy ang isang kamay ng binata at tinapik-tapik. “I’m really very proud of you. I know you’d worked so hard and maybe it’s time to give yourself a break. You looked exhausted.” Binabasa ni Amy ang ekspresyon ng mukha ni Nico at masuyong tinapik-tapik ang pisngi nito, “And besides your mommy is getting older. Time will come that you’ll take over and manage our business. I want you to be ready for it.”
Natigilan si Nico sa sinabi ng ina. Twenty five na nga pala siya. Kailan pa ba dapat siya maghahanda para sa kanilang negosyo? Tama ang kanyang ina dahil wala naman siyang kapatid na puwedeng humalili sa kanyang ina bilang General Manager ng lahat nilang negosyo.
==
Pagbalik ni Nico sa condo kinabukasan ay pinag-aaralan niya ang script para sa susunod na shooting. Nakaupo siya sa gitna ng couch habang nakapatong ang mga paa sa center table. Nagme-memorize at pina-practice na ang pagbigkas ng mga linya. Napapatigil siya kapag sumasagi sa kanyang isip ang mga sinabi ng ina. Handa na ba siyang tumigil sa showbiz?
Bumukas ang main door at pumasok ang bagong dating na si Saj.
“Kumusta ka na kuya Saj?” bati ni Nico sa pinsan dahil naalala niya na medyo masama ang pakiramdam nito ng nakaraang araw.
“Okay na lahat ng dadalhin mo sa Cebu,” wika ni Sajie na medyo haggard ang hitsura, “yung suits na gagamitin mo sa pageant ay si Rigor na ang magdadala. May problema pala ako, parang may bulutong tubig ako.”
“What? Paano yan, sinong kasama ko?” Biglang nag-alala si Nico. Nasanay na siya na laging kasama si Saj kahit saan man siya magpunta. Organized magtrabaho si Saj mula sa personal na mga gamit niya at schedules ng lahat ng kanyang commitments.
“Kumuha ako ng reliever, don’t worry e-orient ko naman bago kayo umalis,” paliwanag ni Sajie habang tinitingnan nito ang hawak na checklist.
“Pwede ba si Samuel na lang?” Ang nakababata ni Saj na kapatid ang tinutukoy ni Nico na minsan ng humalili kay Saj.
“Nasa review center siya ngayon. Sige maiwan na muna kita at susunduin ko pa yung reliever ko.” Nagmamadaling tumalikod na si Saj at hindi na makahirit pa si Nico sa gusto niya.
“Lalaki ang kunin mo ha,” pahabol pa ng binata ngunit hindi na siya narinig ni Saj dahil nakalabas na ito. Ipinagpatuloy niya uli ang pagbabasa ng script.
==
Makalipas ang ilang oras ay dumating na uli si Sajie. Kasama na ang sinasabi nitong reliever.
“Nico, kasama ko na siya. Si Alex,” pakilala ni Saj sa kanyang kasama.
“Good afternoon S-sir,” wika ng bagong assistant sa pa-baritonong boses na kasabay ng pagsaludo kay Nico.
“Good afternoon too.” Pinigil ni Nico ang matawa habang nakatingin sa bago niyang assistant. Police general ba siya para saluduhan? Nakapamulsa pa ang kamay nito sa maong pants na oversized at naka-rubber shoes. Nakasuot din ng oversized na sweat shirt at nakasombrero. May dala din itong oversized na backpack na palagay niya ay mga damit nito. Sandaling napatitig siya sa mukha nito. ‘Babae pala, guwapong babae.’ komento ng isip niya dahil makinis ang mukha ng bago niyang assistant. “Please sit down. Err...Excuse us, please.” Sumenyas siya kay Saj na sumunod sa kanyang kuwarto.
“Why a lady? I told you I want a guy,” wika agad ni Nico pagkasara ng pinto ng kanyang kuwarto. May kasamang pagkainis ang tono niya.
“Gahol na ako sa oras para makahanap ng lalaki, kung meron man bading, mas lalong ayaw mo. Wag kang mag-alala ‘di siya lady, tibo yan,” mahinang paliwanag ni Sajie.
“Kahit na, babae pa rin siya,” protesta ni Nico. “Sino bang nag-refer sayo niyan?”
“Yung president ng MARLIE Fans Club., Promise aalalayan ko siya kahit wala ako doon,” pampalubag na wika ni Saj.
“Bahala ka. Make sure walang bulilyaso. Baka ‘di makatagal yan,” babalang wika ni Nico. Napahimas na lamang siya sa kanyang batok. Maliban sa kanyang ina ay hindi siya sanay na babae ang maghahanda ng kanyang mga personal na gamit.
“Ay, wag mong susungitan,” pabulong at nakangiting wika ni Saj bago lumabas ng kuwarto.
Katulong na si Alex sa pag-empake ng mga gamit ni Nico. Panay naman ang tango niya sa mga instructions ni Saj. Si Nico ay pasulyap-sulyap sa dalawa habang busy siya sa script na binabasa.
“Alex, pagdating ng hotel, lahat ng damit ay i-hanger mo sa cabinet para hindi nagugusot. Lahat ng underwear, hankies, boxer briefs ay sa isang compartment ng luggage mo lang ilalagay para madali itong hanapin. At kailangan alisto ka sa kailangan niya kahit hindi ka tawagin at mabilis ang kilos,” paliwanag ni Saj habang may hatak na dalawang luggages mula sa kuwarto ng binata. “At medyo may pagka-perfectionist yan kaya pag-igihan mo,” pabulong na wika niya.
“Pag-iigihan ko Kuya,” pabaretonong sagot naman ni Alex. Dalawang malalaking luggage ang hata-hatak niya.
==
Kinabukasan ay nasa departure area na sila patungong Cebu, kasabay ni Nico ang kanyang manager, stylist na si Rigor at dalawa pa nitong assistant, dalawang bodyguards at si Alex. Napatingin si Nico kay Alex. Napansin niya ang pag-iwas ng mga mata nito sa kanya. Napatingin siya sa kamay nito na nakahawak sa dalawang luggages. Mala-kandila ang mga daliri nito at mukhang hindi sanay sa trabaho. Matangkad kaysa karaniwang tangkad ng mga babae.
Sa eroplano, katabi ni Nico si Tony, sa unahan nakaupo ang isang body guard at si Alex, sa likod niya ay isa pang body guard at si Rigor. Napatingin siya kay Alex, barbers cut ang buhok pero ang puti ng batok at parehong may butas ang dalawang tainga. Naramdaman yata siyang nakatitig sa batok nito kaya itinaas nito ang hood ng jacket at itinakip sa ulo. Lihim siyang natatawa sa oversized na damit ni Alex.
Sa Cebu airport, sinalubong ng nag-uunahang press people at Cebuana fans si Martin Grey. Pagkatapos ng konting interview ay tumuloy na sila sa isang luxury hotel. Sa isang suite sina Tony at Nico na may two bedrooms at tatlong hiwalay na room para kay Alex at kay Rigor at sa dalawa pang assistant na kasama at sa dalawang bodyguards ni Nico.
“Mart, press con will start within an hour, be ready. “I’ll go ahead to check things down there.” Mabilis na tumalikod at lumabas ng kuwarto si Tony.
“Ok, see you then,” pahabol na sagot ni Nico. Naghubad agad siya ng damit at bago pa niya naisip na hindi pala si Saj ang kasama niya ay boxer brief na lang ang natitira niyang suot. “Alex, please prepare my clothes. I’ll take a quick shower,” wika niya bago isinara ang pinto ng banyo.
“Yes Sir.” Tumango at umiwas ng tingin kay Nico si Alex. Habang nasa loob ng banyo si Nico ay inilalabas niya ang mga damit ng binata mula sa luggage para ilagay sa cabinet.
“Alex. I need my toothbrush,” wika ni Nico sa nakaawang na pinto at muling isinara.
Nagkandarapa si Alex sa paghahanap ng toothbrush. Nakakalito sa dami ng bagahe kung saan nakalagay ang mga toiletries. Ganito pala ang trabaho ng personal assistant. Nabuksan niya lahat ng bagahe bago nakita ang kailangan niya. Kinatok ni Alex ang binata sa banyo para iabot ang toothbrush na may toothpaste na. Iniawang muli ni Nico ang pinto at hindi sinasadyang nagbanggaan ang kanilang mga kamay at sa gulat ay nabitiwan ni Alex ang toothbrush.
“Alex, you dropped my toothbrush,” naiinis na wika ng binata na nakasilip sa nakaawang na pinto.
“Sir, s-sorry po, lilinisin ko na lang at lalagyan ng toothpaste uli,” natarantang wika ni Alex.
“No. Give me a new one,” paasik na wika ni Nico.
Lalong nataranta si Alex, naghagilap ng bagong toothbrush. Walang nabanggit sa kanya si Saj na may dala silang spare toothbrush. Sa pagkataranta ay nahalukay niyang lahat ng laman ng mga suit case. Nakahinga siya ng maluwag dahil may dalawa pang toothbrush siyang nakita. Nilagyan niya uli ito ng toothpaste at akmang kakatok siya sa banyo subalit biglang bumukas ang pinto at sumungaw muli ang ulo ni Nico, “Alex, where’s my toothbrush?” at sa pagkagulat ay na-out of balance si Alex at nabundol niya ang ulo ni Nico.
“Hey!” Nagulat din si Nico at muntik ng malaglag ang tapis niyang tuwalya. “Stop your clumsiness, will you?” inis nitong wika.
Napahiya si Alex at hindi na siya makatingin ng deretso kay Nico. “S-sir, yung toothbrush mo.”
“Akin na,” nakasimangot na kinuha ni Nico ang toothbrush at bumalik sa banyo. “Prepare my clothes,” pahabol pa nito bago isinara ang pinto.