Kinabukasan maaga akong nagising para lutuan ng pagkain ni Cloud. Nagluto ako ng may sabaw para may mahigop siya. Nang magising siya ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Kumusta naman ang tulog mo, Tiko? Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang sugat mo sa tagiliran?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya. "Maayos naman ang naging tulog ko. Hindi na rin masakit ang sugat sa tagiliran ko. Ikaw ba, Puko? Nakatulog ka ba ng mahimbig?" Marahan akong umiling sabay ngiti. "Hindi ako masyadong nakatulog dahil binantayan kita. Baka kasi mamaya tumagas ang dugo sa tagliran mo." Malakas siyang tumawa. "Ano ba naman 'yang pinag-iisip mo, Puko? Napatawa mo tuloy ako. Hindi iyon mangyayari. At saka sinabi ko naman sa iyo, 'di ba? Hindi ako madaling mamatay." Humalukipkip ako. "Tumigil ka nga

