"Tiko, may tanong ako sa iyo." "Ano 'yon?" Nakangiting sabi ni Cloud. "May kaibigan ka bang Daniel?" Kumunot ang noo niya. "Oo bakit? Paano mo nalaman ang pangalan niya?" "Kinamusta ka kasi niya noong nakaraang araw. Makalimutan ko lang sabihin sa iyo. Akala ko nga nag-joke lang eh." Peke akong tumawa ng mahina. "Anong sabi niya?" "Wala naman. Hinahanap ka lang niya. At pagkatapos bigla na lang naglaho na parang bula. Hindi ko alam kung paano siya naglaho. Multo yata ang lalaking 'yon." Mahina siyang tumawa. "Pasaway ka, Puko. Hindi naman multo 'yon. Paano ba siya naglaho?" "Basta! Susundan ko pa sana siya kasi nga gusto kong malaman kung talagang kaibigan ka niya. Tapos bigla na lamang siyang nawala. Parang sumabay sa hangin na parang multo. Kaya ayon, nagtaka ako kung bakit bigla

