Papasok na ako sa trabaho nang makasalubong ko si Bulbulito. Feeling guwapo itong humarap sa akin. Malawak itong ngumiti at kitang-kita ko ang naninilaw niyang ngipin. Marami pa itong tartar na akala mo ay isang buwang hindi nakapagsipilyo.
"Good morning, Kristene."
Mariin akong napapikit dahil naamoy ko ang mala-imburnal na amoy ng kaniyang bunganga. Pasimple kong tinakpan ang ilong ko gamit ang aking palad.
"Morning," tipid kong sabi sa kaniya.
"Saan ka pala nagtatrabaho?"
"Diyan lang."
"Ah. Gusto mo ihatid kita?" Sinamaan ko siya nang tingin.
Kahit kailan talaga itong lalaki na ito ay napaka-feeling. Feeling jowa siya palagi sa akin. Matagal nang may gusto siya sa akin ngunit hindi ko siya pinapansin hindi dahil sa itsura niya kun'di dahil dugyot siya. At isa pa, may edad na siya. Nasa edad kuwarenta pataas na siya. Sa totoo lang, marami siyang pera dahil marami siyang negosyo pero kahit na mukhang pera ako ay hindi ko siya kayang makasama sa kama. Napakadugyot niya kasi sa katawan. Marami naman siyang pera pero hindi ko alam kung bakit hindi niya ito ginagamit para sa sarili niya.
"Huwag na. Hindi ko kailangan. Tigilan mo na nga ako. Hindi ka ba nagsasawa, Bulbulito? Halos apat na taon ka na yatang nagpapapansin sa akin. Kailan ka ba susuko?"
Hinawi niya ang kaniyang buhok at saka may pagdila-dila pa. "Hangga't hindi ka pa natatali, hindi ako susuko sa iyo. Malay mo naman, 'di ba? Matutuhan mo akong mahalin. Madali lang akong mahalin. Ayos nga lang sa akin kahit na ang pera ko lang ang nais mo at hindi na ako basta pakasalan mo lang ako. Gagawin kitang reyna, Kristene. Lahat ibibigay ko sa iyo basta't mapasa akin ka lang."
Napangiwi ako sa kaniyang sinabi. Siguro kung guwapo lang siya kinilig na ako pero hindi eh. Wala akong pakialam kung sabihan nila akong maarte at mahilig sa guwapo dahil lahat naman ng lalaki manloloko. Mapapangit o guwapo ay manloloko. Eh kung magpapaloko man ako, sa guwapo na para naman hindi lugi ang ganda ko.
"Naku Bulbulito itulog mo na lang iyan. Huwag mo na akong distorbohin pa dahil marami akong kailangang gawin. Hindi mo ako madadala sa paganiyan-ganiyan mo."
Mabilis na akong naglakad palayo at saka sumakay sa jeep. Kaloka talaga iyong Bulbulito na iyon. Ewan ko ba pero sa tuwing lumalapit iyon sa akin, automatic na kinikilabutan ako lalo na kapag ngumingiti siya.
Pagkarating ko sa store, ginawa ko na ang dapat kong gawin. Mayamaya pa ay may mga customer na. Dahil hindi pa ako bihasa ay medyo mabagal pa ang aking kilos pero maayos naman. Mabuti na lang at hindi mainipin ang customer ko. Matapos kong maibigay ang kanilang order ay naupo na ako. Bigla akong nalungkot dahil hindi nga pala makapupunta si Cloud ngayon. Sayang naman, wala akong makausap. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at saka nagtingin-tingin sa social media.
Bigla kong naisip na hanapin ang account niya. Nang makita ko ito ay namangha ako sa kaniyang katawan. Napakamaskulado ng kaniyang katawan. Parang kaysarap nitong haplos-haplusin, hawak-hawakan, pisil-pilsin at...
Dila-dilaan?
Chariz! Manyak alert na naman ako!
Tiningnan ko pa ang iba niyang litrato. Grabe ang yummy niya! Siguro marami na siyang babaeng naratrat. Imposible naman kasi kung kakaunti lang, 'di ba? Kahit ako pararatrat talaga ako sa kaniya kung nagkataon! Kasi wala namang masama, tutal tama naman si Elise, matagal ng walang nagdidilig sa hardin ko. Tuyong-tuyo na ito at isa pa, hindi naman kasi ako buntisin kaya hindi ako madaling mabuntis kung sakaling magparatrat ako.
"So nandito ka pala nagtatrabaho?"
Napatingin ako sa biglang nagsalita. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Elise. Napatayo tuloy ako.
"Elise!" hiyaw ko sabay lapit sa kaniya.
"Mukhang maayos naman pala rito. Nasaan ang guwapo mong amo?"
Ngumuso ako. "Wala siya. May meeting daw siya ngayon kaya ako lang ang nandito. Kapag hindi lang siya busy makapupunta siya rito. Sad nga eh, wala akong inspiration. Wala akong mamanyak."
Tumawa siya bigla. "Manyakis ka talaga friend! Hindi ka na nagbago."
Inarkuhan ko siya ng kilay. "Hay naku, Elise. Huwag mo nga akong ganiyanin dahil ikaw ang nagturo sa akin na maging manyak!"
Mapanloko siyang ngumisi. "Kunwari ka pa! Talaga namang may pagkamanyakis ka!"
Inirapan ko siya. "Nga pala, bakit ka nandito? Wala ka bang pasok?"
"Wala. Nag-resign na ako."
Nanlaki ang mata ko. "Ha? Bakit naman? Pasaway ka!"
Humalukipkip siya. "Wala eh. Ang lungkot kapag wala ka. Wala akong kakuwentuhan tungkol sa kalibug*an. Masyadong mga banal ang tao sa office. Kaya ngayon, mag-aaply ako diyan sa sioma-an. Sige na alis na muna ako. Sana matanggap ako. Bye!"
Natawa na lang ako kay Elise. Pasaway talaga ang babaeng iyon. Kahit saan ako magpunta, palagi siyang nakasunod sa akin. Siguro dahil masyado na ring malalim ang naging pagsasama namin kaya naman nalulungkot siya kapag hindi kami magkasama.
Lumipas ang buong maghapon, medyo masakit ang kamay ko dahil napaso ito. Sa taranta ko kasi ay nahulog ang patty sa lapag at kaagad ko itong dinampot. Mabuti na lang talaga at hindi nakatingin ang customer kaya naman hindi ako nahuli. Ayos lang naman siguro iyon dahil wala pa itong five minutes sa labas.
Palabas na ako ng store nang makita ko si Cloud. Tumaas ang kilay nito nang magtama ang paningin namin. Lumapit siya sa akin.
"Pauwi ka na?"
"Yes po, Sir. Naayos ko na ang lahat. Nailista ko na rin ang lahat. Marami akong naibentang burger mo ngayon. Pasalamat ka maganda ang crew mo!" wika ko sabay hawi ng aking buhok. Narinig ko siyang natawa.
"Okay, thank you. Nga pala, saan ka dadaan? Baka same way lang tayo pag-uwi. Maihatid man lang kita."
"Dito ako banda, Sir." Itinuro ko ang kalsada kung saan ang daan ko pauwi.
"Nice. Diyan din ang daan ko pauwi. Halika na, ihahatid na kita para makatipid ka."
Malandi akong ngumiti. "Sure! Why not? Let's go!"
Habang naglalakad ako, pinagmasdan ko ang matipuno niyang katawan. Naisip ko bigla na kung siya ang mapangangasawa ko, malamang sa malamang, aahon ako sa buhay.
Akitin ko kaya siya?
Kaso ang tanong, maaakit kaya siya sa akin?
Pasimple kong hinawakan ang aking monay. Medyo malaman naman ito. Alam kong gusto ng mga lalaki na mataba ang monay kaya naman maipagmamalaki ko ang akin. Kung ito ang mag-aahon sa akin sa kahirapan, bakit hindi ko ito gamitin?
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Kaagad akong pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Wow! Bongga! Ang bango sa loob!
"Shala ng sasakyan mo, Sir! Mukhang mahal ito ah!" manghang-mangha kong sabi sabay palibot ng paningin ko sa loob ng kaniyang sasakyan.
"Hindi naman."
Binuhay na niya ang makina ng sasakyan. Hindi ko mapigilang matuwa. Paano ba naman kasi, parang close ko na kaagad si Cloud. Akala ko noong una ay istrikto siya pero mukhang hindi naman pala.
"Diretso na ba tayo uwi?"
Umarko ang kilay ko. "Bakit Sir? May pupuntahan ka pa ba?"
Umiling siya. "Wala naman. Tatanungin lang sana kita kung kumain ka na."
"Ah okay. Busog pa naman po ako at saka ayoko na gumastos pa. Naka-budget kasi ang pamasahe at pangkain ko."
"No worries. Ano bang gusto mong kainin?"
Ngumuso ako. "Kahit ano, Sir. Ikaw ba Sir, anong gusto mong kainin?"
"Puwede ako," mahina kong bulong.
"What?"
Peke akong natawa. "Wala po Sir. Ang sabi ko, ikaw ba kung ano ang gusto mong kainin."
"Ikaw."
Nanlaki ang mata ko. "H-ha? A-anong ako?"
"Ang ibig kong sabihin, ikaw ano ba ang gusto mo. Hindi naman kasi puwedeng kahit ano. Be specific."
Umirap ako sa hangin. "Ah okay po. Akala ko kakainin niyo ako."
"What?" gulat na sabi niya.
Tumawa ako sabay palo sa kaniyang braso. "Jokie jokie lang po, Sir. Siguro kahit diyan na lang sa tabi-tabi. Ayos lang sa akin."
Tumango na lang siya at saka pinaandar ang sasakyan. Nilingon ko pa siya ng isang beses bago ko itinuon ang tingin ko sa kalsada.
Hmp! Kunwari pa itong si Cloud mukhang malib*g din naman!