KABANATA 3

1227 Words
Maaga akong nagising dahil sa sobra akong na-excite sa unang araw ko sa aking trabaho. Nakangiti akong bumangon mula sa aking kama. Ginawa ko muna ang mga dapat kong gawin sa loob ng aming bahay katulad na lamang ang maglinis at magluto ng kanilang pagkain. Pagkatapos ay kumain na ako dahil maliligo pa ako at magbibihis. Mabilis ang bawat pagkilos ko dahil kanina ko pa gustong makarating sa store. Pagkarating ko sa store ay naupo muna ako saglit. Masyado pa kasing maaga. Pinalibot ko muna ang paningin ko sa paligid. Ang linis ng store na ito. Parang hindi lalaki ang nandito. Matapos kong libutin ang mata ko ay inilabas mo na sa freezer ang dapat kong ilabas. Inihanda ko na rin ang buns. Kailangan kasi na defrost ang mga frozen foods para mamaya hindi ako mahirapang magluto. Binuksan ko na rin ang glass window. Nag-mop ako sa sahig at pagkatapos ay pinunasan ko ang bintana dahil marami na itong alikabok. "Very good." Napalingon ako sa kung sino ang nagsalita. Nandito na pala si Sir. Naamoy ko ang mabango niyang pabango. Parang ang sarap niyang singhot-singhutin mula sa leeg, patungo sa matipuno niyang dibdib, pababa sa kaniyang sikmura at patungo sa kaniyang tit*. Ay bastos! Ano ba itong naiisip ko? Napakamanyakis ko talaga kahit kailan! Matapos kong mapunasan ang glass window ay pumasok na ako sa loob ng store. Naabutan kong abala sa pagkalikot ng cellphone ang amo ko. Naupo ako sa tapat niya. "Good job, Ms. Kristene. Lahat ng sinabi ko ay nagawa mo." Matamis akong ngumiti sabay kamot sa ulo. "Syempre naman Sir. Kailangang magpabibo ako. Marami na kasing bayarin kaya kailangang sipagan ko sa trabaho." "Sabagay, tama ka," aniya habang nagtitipa. "Baka kasi mabigyan mo ako ng bonus kapag nagsipag ako ng bongga Sir eh." Napatingin siya sa akin. Tiningnan ko rin siya. Ang guwapo talaga ng lalaking ito! Parang may artista akong kasama sa store na ito. Bagay siyang maging asawa ko! Chariz! "Chariz! Jokie jokie lang po Sir. Huwag niyo naman akong tingnan ng ganiyan. Parang papatayin niyo ako eh." Papatayin sa sarap. Chariz! Nakita ko siyang natawa. "Bakit naman kita papatayin?" "Chariz lang naman Sir. Ang tapang kasi ng mata niyo. Ang angas. Para kayong bad boy sa isang palabas. Alam mo iyon, Sir?" "Ang daldal mo pala." Nakagat ko ang labi ko sabay tawa ng peke. Galit na ba siya? Seryoso lang kasi ang mukha niya pero hindi naman nakasalubong ang mga kilay niya. "Hindi naman, Sir. Sadyang bet na bet ko lang magsalita. Syempre naman Sir kung hindi ako magsasalita, ang tahimik naman sa pagitan nating dalawa. Tayong dalawa na nga lang ang nandito. At saka para hindi na rin ako ma-boring." "Okay, then. Magsalita ka lang nang magsalita kung 'yon ang nagpapatanggal ng antok mo." Naningkit ang mata ko sabay ngisi. "Iyon naman pala. Nga Sir, baka naman puwede ninyong sabihin sa akin kung ano ang pangalan niyo? Baka lang naman." Tumikhim siya. "Cloud." "Wow! Shala ulap! Hello Sir, ulap! Paulanan niyo naman ako nang mabasa ako." Ulanan mo ako ng dagta mo Sir! Kumunot ang noo niya. "What?" "Chariz lang, Sir. Apelyido niyo po pala? Baka naman puwedeng malaman?" "De Vega." "Ay shala ng surname, pang rich. Puwede kayong nakawan Sir?" "Ha?" Humagikhik ako. "Wala po, Sir. Jokie lang. Nga pala, Sir mabuti hindi kayo busy ngayon? Hindi po ba sabi ninyo kapag wala kayo rito ay may iba kayong pinagkakaabalahan?" Tumango siya. "Yes. Mayroon nga. Actually marami pero sa ngayon wala pa naman kaya nandito ako. And this is your first day so kailangan maituro ko muna sa iyo ang lahat." "Isang Monsterize Burger nga." Napalingon ako dahil may customer na. Kaagad kong isinuot ang apron ko at isinuot ko iyong hairnet. Tumayo si Sir Cloud at sumenyas sa akin na iabot ang patty. "Manuod ka lang muna ngayon." "Sige po, Sir." Pinagmasdan ko siyang kumilos. Sanay na sanay na siyang gumalaw. Siguro matagal na niya itong pinapatakbo. Siguro malaki na ang kinita niya sa store na ito. Ito pa naman ang gusto ko. Ang magkaroon ng kahit isang store sa mall. "Here's your order Ma'am. Eighty nine pesos only." "Okay thank you. Ito na 'yong bayad." Matapos niyang abutin ang bayad ay may kinuha siyang papel. "Kristene, dito sa papel na ito ita-tally mo iyong mga nabebenta mo. Halimbawa ngayon, Monsterize Burger, isang tally. At kapag ligpitan na, ico-compute mo lahat then titingnan mo iyong pera sa kaha kung sakto ba or kulang. Okay?" Tumango ako. "Yes po, Sir." "Okay, good. Basta kapag nalilito ka, tumingin ka lang sa maliliit na cardboard na iyan. Iyan ang pagkakasunod-sunod ng pag-prepare ng mga orders. Kapag magluluto ka ng mga patty, sabay-sabay na para isang lutuan." "Okay po, Sir." "Baka kasi hindi kita mapuntahan dito dahil may meeting kami. Kapag 8:30 pm wala pa ako, umuwi ka na. Iwan mo na lang ang pera sa kaha. Always make sure na i-lock mo nang maayos itong store." "Yes, Sir." "Okay, good." Umupo na siya at saka nagsimulang magkalikot ulit ng cellphone. Habang nagpapaliwanag siya ay nakatitig lang ako sa guwapong mukha niya. Parang hindi na tuloy ako nanghihinayang na natanggal ako sa dati kong trabaho. Mukhang mabait naman siya na may pagkaistrikto. At isa pa, mukhang mayaman siya dahil may business na nga siya at may trabaho pang iba. Parang ang sarap magpalahi sa kaniya! Chariz! Nahampas ko ang mukha ko. Ano ba naman itong pinag-iisip ko? Puro kamanyakan! Hindi naman ako ganito dati. Nahawa lang ako kay Elise. Siya talaga ang tunay na manyakis sa aming dalawa. Palagi niya pa ngang ikinuwento ang pagkakantunan nilang dalawa ng nobyo niya. Tinanong ko pa nga kung bakit niya palaging sinasabi sa akin iyon at sinabi niyang gusto niya raw akong inggitin. Tuyo na raw kasi ang hardin ko. Kailangan nang madiligan para hindi matigal ang lupa ko. "Ayos ka lang ba?" Nagulat ako nang magsalita si Sir Cloud. Alanganin akong napangiti. "Opo, Sir. Ayos na ayos lang po ako." Tumango na lang siya at saka muling itinuon ang atensyon niya sa cellphone. Tumahimik na lang ako at saka tumingin sa bintana. Mabilis na lumipas ang maghapon. Gabi na naman. Natapos na ang unang araw ko sa store na ito. Nagpaalam na ako sa kaniya. Tuwing umaga pala at tanghali ay iilan lang ang customer pero pagsapit ng three o'clock ng hapon ay dadagsa na ang mga customer. Ang dami pa namang ino-order kaya nataranta ako kanina. Samantalang si Sir Cloud ay chill lang. Mabilis ang kamay niya habang nagluluto ng patty kasabay ng pag-init ng buns. Pagkauwi ko, nakita ko si Elise na nakatambay sa tapat ng gate namin. Mukhang hinihintay yata ako ng babaeng manyakis na ito. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niya ako. "Kumusta araw mo? Mukhang masayang-masaya kang babaita ka! Masarap ba ang amo mo?" Tinawanan ko siya. "Oo. Mas masarap pa sa burger niya." "Ay sherep nga!" hiyaw niya sabay palo sa braso ko. "Aray ko naman! Landi mo talaga kahit kailan. Sumbong kita sa boyfriend mo." Nanlaki ang mata niya. "Gaga ka! Masaya lang ako para sa iyo." Inirapan ko siya. Pasaway talaga itong kaibigan ko. Puro kalokohan ang nasa isipan. Hindi kagaya ko na puro trabaho lang ang nasa isip. "Ito na yata ang senyales na madidiligan na ang tuyo mong hardin! May magdidilig na sa iyo! Buka agad!" "Bastos ka talaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD