KABANATA 2

1451 Words
Ilang segundo muna akong nakatitig sa lalaking abala sa pagluluto ng mga patties bago ko naisipang kumatok sa pinto. Napalunok ako ng ilang beses. Isa kaya siya sa crew ng store na ito? Kung isa man siya, ang saya ko naman pala! May makakasama akong guwapo! Sisipagin akong pumasok araw-araw. Muli akong sumilip sa may glass window upang tingnan ang lalaki. May ginagawa pa siya. Abala pa siya sa pagpe-prepare ng mga niluto niyang burgers. Nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid. Muli akong bumaling nang tingin sa kaniya, tapos na siya sa kaniyang ginagawa. Nagtama ang tingin naming dalawa. Napalunok ako ng laway. Seryoso ang guwapo niyang mukha papalapit sa pinto at saka ito binuksan. Napatingin siya sa hawak kong mga requirements. Marahil nahulaan na niya ang sadya ko rito. "Come in." Marahan akong naglakad papasok sa loob. May katamtamang laki ang puwesto niya rito. Namangha ako sa kalinisan ng paligid. Bihira lang kasi ako makakita ng malinis na katulad nito. Kadalasan kasi kapag lalaki ang crew, makalat ito lalo na sa paghahanda ng mga orders. Pero rito ay malinis, maayos ang pagkasalansan ng mga buns, patties, sausage, hotdogs at cheese squares. Maayos din ang pagkasampay ng mga basahan. Sumenyas siya na maupo ako. Kinuha ko ang upuan at pagkatapos ay naupo sa kaniyang harapan. Tumingin siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng takot sa paraan nang pagkakatingin. Napakaseryoso ng kaniyang mukha. Tila ba nanunusok ang kaniyang mga titig na para bang matalim ito. Tumikhim ako sabay kamot sa aking ulo. Peke akong napangiti. "He-hello po sa inyo. Ma-magandang araw po. Nais ko pa sanang pumasok dito bilang crew. Crew din ba kayo rito? Sino po ang boss natin?" Humalukipkip siya. "I'm the owner of this store. I'm your boss," tila isang kulog na boses niyang sabi. Napakurap ako ng ilang beses. "I'm sorry po. Akala ko crew kayo." Kumamot ako ng aking batok sabay yuko. "What's your name Miss?" Nag-angat ako nang tingin. "I am Kristine Avelino sir." "Okay. So how old are you? At ano 'yong dati mong trabaho? May alam ka ba sa pagluluto ng burger?" Tumikhim ako. "23 years old na po ako. Katatanggal ko lamang po sa trabaho ko. Isa po akong office staff. Kinailangan kasing magbawas ng empleyado dahil humihina na rin ang aming kompanya. Hindi naman kasi ako puwedeng manatili sa bahay lang kaya kaagad akong naghanap nang mapapasukan kaya kaagad akong nagpunta rito. Kung sa pagluluto lang naman, wala pong problema. At saka madali lang siguro 'yang matutunan lalo na kapag pinag-aralan at kapag nasanay na rin ako, madali na lang ito sa akin." Bumuntong-hininga siya at saka tumayo. Lumakad siya nang kaunti at pagkatapos ay huminto sa harapan ko. "Tuwing 10 am nagbubukas ang lahat ng store rito sa mall na ito. Nasa policy iyon ng mall na dapat bukas na ang bawat store ng ganoong oras. Kaya dapat bago sumapit ang 10 am ng umaga ay bukas na ito. Nakahanda na lahat. Nailabas mo na ang dapat ilabas sa refrigerator. You should be here before 10 am. It's not necessary to be so early, maybe 9:30 or 9:45 ng umaga nandito ka na sa store. Ang close time nito ay 8 pm. So 7:30 pm, puwede ka na magligpit at maghugas." "Okay po Sir." "Ilalabas mo lang naman ang iilang pack ng mga buns. And then patties and cheese. Pagkatapos ay maghihiwa ka ng katamtamang dami ng kamatis at white onion. Lahat ng frozen foods nasa freezer at kapag may natirang kamatis at white onion ay ilalagay mo ito sa chiller. Nasa chiller nakalagay ang mga bottled water, softdrinks, lettuce and sauces like ketchup and mayo. Simple lang naman ang pagpe-prepare ng burger, may step by step naman diyan sa harapan mo kung sakaling malilito ka." Itinuro niya ang maliliit na cardboard kung saan nakasulat ang pagkakasunod-sunod sa pagpe-prepare ng mga burger. Tumikhim siya at saka pinagpatuloy ang kaniyang pagsasalita. "Nakatataranta lang minsan dito kapag sunod-sunod ang mga orders kaya ang gagawin mo ay kunin mo na ang bayad nila para hindi na sila umalis pa. Ang sahod mo sa isang araw ay four hundred fifty pesos, libre meryenda na pero ikaw ang sagot sa iyong tanghalian. Kada linggo ay puwede mo nang makuha ang sahod mo. Mayroon kang two days na day-off. It's up to you kung kailan. Ayos lang ba sa iyo?" Tumango-tango ako. Hindi na rin masama. Puwede na ito lalo pa't kailangan ko ng trabaho. Isa pa, gusto rin kasing maranasan ang iba pang klase ng trabaho. "Opo Sir. Ayos lang po sa akin. Wala pong problema." "So ano? Ready ka na bang pumasok bukas? Wala na kasi 'yong dati kong crew dito. Kailangan niyang umuwi ng kanilang probinsiya kaya kaagad akong naghanap ng kapalit dahil hindi ako puwede rito. May trabaho rin kasi ako at marami pa akong kailangang asikasuhin. Pero kapag wala naman akong ginagawa, pupunta ako rito para na rin matulungan ka lalo na kapag maraming customers." "Bukas po ay puwede na kaagad akong pumasok dito?" Tumango siya. "Yes. Start ka na tomorrow. Nandito pa rin naman ako bukas. Ituturo ko sa iyo kung paano ang tamang pagluto ng mga patties. Hindi puwedeng half cook lang o sunog. Iwasan mo na masunog ang mga patties. Kapag tapos ka nang magluto, lagi mong iis-isin ang mga dumikit na patties sa lutuan para hindi ka masunugan." "Okay po Sir. Copy po." "Okay good. 'Yon lang at puwede ka nang umuwi. Agahan mo na lang para maituro ko sa iyo ang lahat ng gagawin mo sa araw-araw." Tumayo na ako at saka nginitian siya. Tiningnan niya lang ako at saka inasikaso na ang bibili. "Sige po sir. Alis na po ako. Bukas na lang po," paalam ko sa kaniya. "Okay bye," tipid niyang sabi nang hindi lumilingon sa akin dahil kausap niya ang babaeng bumibili. Lumabas na ako ng kaniyang store at pagkatapos ay nagsimula nang maglakad pauwi. Mabuti na lang at natanggap ako agad. At higit sa lahat, mabuti na lang malapit ito sa bahay namin. Isang sakay lang ng jeep tapos ito na. Hindi katulad sa dati kong pinapasukan na kailangan pang sumakay ng jeep tapos bus. Pumara kaagad ako ng jeep para makauwi na rin. Magpapahinga ako ngayong araw dahil may pasok na ako bukas. Pagkauwi ko sa amin ay nakita ko si Elise na nakatayo sa gate na para bang may hinihintay ito. Nang makalapit ako sa kaniya ay nginitian niya ako. "Saan ka galing?" tanong niya sa akin. "Doon sa Krusty Krab Store. Burger-an siya. Pero hindi siya basta burger-an lang, mas sosyal at may kamahalan dahil mukhang masarap. Tanggap na nga kaagad ako. Bukas ako papasok." Nanlaki ang mata niya. "Talaga? Mabuti kung ganoon. Ayos 'yan may trabaho ka na kaagad. Saan mo naman nakita 'yan?" "Sa f*******:. Nakita ko lang kaya kaagad kong pinuntahan tutal malapit lang naman. Maayos naman doon. Maganda ang puwesto. Maayos din ang sahod. Puwede na." "Sure ka ba na gusto mo riyan? Baka naman saglit ka lang diyan tapos bumalik ka sa pagiging office girl mo," natatawang sabi niya. Umiling ako. "Ayos lang ako sa burger-an na 'yon. At isa pa, 'di ba sinabi ko na sa iyo na gusto ko namang subukan ang ibang klase pa ng trabaho." Ngumuso siya. "Sabagay, sabi mo 'yan. Kaya nga lang nakapapagod 'ata 'yan kapag madaming customer. 'Yong sunod-sunod ang orders nila sa iyo." Tumawa ko. "Basic lang 'yan. Kapag natutunan ko naman 'yan, wala na sa akin 'yon. Parang naglalaro na lang ako sa lutuan no'n. At isa pa, mukhang mabait ang magiging amo ko kahit na mukhang suplado." Umarko ang kilay niya. "Suplado? Lalaki?" Nakangising saad niya. Tumango ako sabay kagat-labi. "Oo Elise. Lalaki. Ang guwapo. Artistahin ang itsura. Nakasisipag pumasok! Sabi niya sa akin may trabaho rin siyang inaasikaso. Marami siyang ginagawa pero kapag hindi siya busy, pupunta siya sa store para matulungan ako." Umikot ang mata ni Elise. "Ikaw ha! Mukhang jackpot ka sa amo mo! Malay mo siya na pala ang lalaking para sa iyo kaya gamitan mo na ng alindog mong taglay Kristene! Landiin mo sabay buka!" sabi niya sabay tawa nang malakas. Hinampas ko siya sa balikat. "Siraulo ka talaga. Anong buka ka riyan? Gaga! Bastos nito! Trabaho talaga ang pinunta ko hindi lalaki," wika ko sabay irap. "Ito naman. Sinasabi ko lang. Malay mo 'di ba? Mahulog siya sa iyo? Jackpot ka kung sakali! Kaya gilingan mo na! Joke! Este galingan mo sa trabaho. Sipagan mo. Pero syempre gamitan mo nang kaunting alindog para mahumaling sa iyo. Simpleng landi ba," aniya sabay hagikhik. Napailing na lang ako. Puwede rin naman. Paano kaya kung gilingan ko siya? Mapasakin kaya siya? Mahina akong natawa dahil sa naisip ko sabay kagat-labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD