"Nagugutom na ako, Sir. Puwede po ba akong lumabas saglit? Hindi kasi ako nakakain ng almusal sa amin kanina dahil wala na kaming pera." Hinawakan ko ang sikmura ko na ngayon ay nananakit na. "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Dapat sinasabi mo sa akin ang ganiyang bagay. Gusto mo bang mag-cash advance ngayon?" Kaagad akong umiling. "Ayoko po, Sir. Gusto ko sanang makuha 'yan ng buo dahil may kailangan akong bilhin na gamit sa bahay." Sumalubong ang kilay niya. "Paano ka naman? Titiisin mo na lang ang gutom mo?" Ngumiti ako sabay kamot sa ulo. "May barya pa naman ako dito. Bibili na lang ako ng biscuits, Sir." Tumayo siya at saka hinawi ang kaniyang buhok. "Stay here. Ako na ang bibili dahil may kailangan din akong bilhin dito sa store." Lumabas kaagad siya ng store kaya wala na

