Nagtungo ako sa hospital. Nanatili ako sa labas at inabangan ang paglabas ni Roiden. Galit ako kay Vanilla pero hindi ko maatim na may mangyaring masama sa kan'ya. Lalong lalo na sa bata. Buong magdamag si Roiden sa loob kaya buong magdamag din akong nasa labas. Nang nag alas singko ng umaga ay agad akong nagtago sa likod ng pader upang 'di makita ng papalabas na si Roiden. Pinanood ko pa siyang pumasok sa sasakyan niya at paharurutin niya iyon paalis bago ako lumabas mula sa pinagtataguan at nagpasyang pumasok sa loob ng hospital. "Terese!" gulat na ani Vanilla nang nakita ako. Babangon sana siya mula sa pagkakahiga pero agad akong umiling. "Huwag ka ng mag abala pang bumangon. Pumarito lamang ako upang masigurong maayos ka at ang anak niyo ni Roiden. Hindi rin ako magtatagal. Hindi ki

