Wala akong nakuhang tugon mula sa kan'ya. Nangunot ang noo ko. Na-offend ko pa yata. Napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. "Oh! Sorry. Did I offend you?" Mabilis siyang umiling at tipid na ngumiti. "Hindi. Nagulat lang ako sa tanong." Napangiti na rin ako. Nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko kasi ay na-offend ko na siya sa tanong ko na 'yon. Hindi pa naman niya ako kilala. "I see. You know, hindi naman kasi bago 'yong fact na 'yon. Fact because hindi iyon basta chismis lang. People here already knew what kind of a man Dwayne is. The moment you stepped onto his office as his assistant, he already owned you. Nasa kontrata 'yon. Kaya naitanong ko kung nag s*x na ba kayo. I'm sorry if I asked something private." Kumunot ang kan'yang noo ng ilang sandali bago nanlaki

