Agad kong sinalubong ng yakap si Tita Alice pagkarating nito sa ER. Mahigpit agad ang yakap niya sa akin habang humahagulgol siya. Marahan ang bawat pagtapik ko sa kan'yang likod. "Anong sabi ng doktor?" Narinig kong tanong ni Tito Albert. Napatingin ako sa kan'ya habang yakap-yakap ko pa rin si tita. "Hindi pa po lumalabas ang doktor, tito," tugon ni kuya. "I badly need to see my son," pag iyak ni tita. Pikit mata akong tumingala. Sobra-sobra ang pagpipigil ko sa sarili ko para lang hindi ako maiyak. Kung ito man ang rason ng pakikipaghiwalay at pag iwan sa akin ni Rick ay mas lalong hindi ko siya kayang patawarin. Pinatunayan niya lang sa akin na wala akong kwentang girlfriend o fiancee. Na hindi niya ako kailangan. Kasi kung mahal niya ako, hahayaan niya akong manatili sa tabi niya

