"Iyan ang pinakapinagsisisihan ko. Sana ay sumubok ako. Sana ay sinubukan kong sabihin sa iyo." Kinagat ko ang labi ko. Nakita ko ang panghihina sa mukha ni Rick. Para bang alam niyang pagkatapos ng lahat ng ito ay mananatiling matigas ang puso ko para sa kan'ya. "Nakita kita sa Japan, Rick…" Agad siyang tumango at nag iwas ng tingin sa akin. "I was there. I saw you," aniya sabay balik ng tingin sa akin. Bahagyang nangunot ang noo ko. Nakita niya ako? Pero hindi man lang niya nagawang kausapin ako doon? "May kasama kang babae," sabi ko. "Nagpunta ako ng Japan dahil nalaman kong nandoon ka. At nakita kong masaya ka doon kasama ang bago mo. Naisip kong masaya ka ng wala ako. Kaya I decided na sarili ko naman ang pasasayahin ko. I jumped from one girl to another every now and then. I e

