Kabanata 1 - The bar owner

1680 Words
A few years later... "Let's break up..." "What?" It's our 4th year anniversary and I prepared a surprise for my boyfriend, Rick. I even spent the whole day preparing all the decorations inside his room. But instead of saying thank you, he uttered the words I didn't expect. "I'm tired," muling sabi niya. "You're what?" "Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa relasyon nating ito." "Rick... s-saan ka napagod?" "Sa 'yo," diretsong tugon niya. Wala akong naisagot sa kanya. I thought we're going to bring this relationship into something magical, sa kasalan kumbaga. Pero paano pa mangyayari 'yon kung nakikipaghiwalay na siya sa akin because he's f*****g tired with me. I really don't have an idea of what to feel and how to respond. "Rick..." "Tigilan na natin ang pagpapanggap na masaya." Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Sinasabi ba niyang nagpapanggap lang siyang masaya pa sa relasyon namin, kahit na ang totoo'y hindi na pala? "What about those beautiful memories?" "What beautiful memories are you talking about? Wala akong gano'n." Tuluyan nang bumagsak ang balikat at ang mga luha ko. Paano niya naaatim na saktan ako sa ganitong paraan? "Rick... please tell me you're joking, na prank lang 'to. Please tell me this is just a joke." I kneeled down, I beg. Pero ni katiting na awa sa akin ay hindi ko makita sa mga mata ni Jay. "May meeting pa ako. I need to go. Please close the door when you leave." Nakita ko siyang kinuha ang attache case niya sa desk niya, saka siya umalis nang hindi man lang ako nililingon. Napapikit ako. Makalipas ang ilang sandali ay muling bumukas ang pinto. Lumiwanag ang mukha ko, tila nabuhay ang pag-asa sa dibdib ko. "And..." pumikit siya, humugot ng malalim na hininga saka iyon dahan-dahang ibinuga. "I hope you clean all the mess." Natulala ako. Ang hirap tanggapin. Sinabi na lang sana niyang he fell out of love instead of saying those harsh words in front of me. We've been in a relationship for four f*****g years, wala man lang ba siyang pagpapahalaga sa akin? Dinala ko ang sarili ko sa Neon Nights. Isang sikat na bar dito sa lugar namin kung saan madalas na dinarayo ng mga brokenhearted people na nagnanais maghanap ng pwedeng pang rebound. There we're rumors na madalas raw nagiging matchmaker ang bar na 'to. Seriously? How come you'll find your match in here wherein ang makakasalamuha mo lang naman ay mga lasinggero't lasinggera. "Hindi ko akalaing matatagpuan ko ang sarili ko rito," bulong ko habang nakahilig sa bar counter while watching the people dirty dancing on the dance floor. Nakaupo akong umikot paharap sa bar counter matapos lagukin ang isang baso ng alak na iniinom ko. "Isa pa nga!" "E, ma'am kaya niyo pa po ba? Nakasampung baso na po kasi kayo." Marahas akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa bartender. "Ano bang trabaho mo?" mataray na tanong ko. "Bartender po." "O tapos? Kasali ba sa job description mo ang mangealam sa customer?" "Pero ma'am kasi..." "What? Babayaran ko naman lahat ng iinumin ko. Marami akong pera, gusto mo supalpalin kita?" gigil na sigaw ko sa kanya. "What's happening here?" Tamad kong inilipat ang paningin ko sa isang matikas na lalake na bigla na lang sumulpot mula sa likod no'ng bartender. Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan ang lalake. Medyo pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan kami nagkita. Ipinagkibit-balikat ko iyon at inilipat ko ang paningin ko sa bartender na ngayo'y tila naiiyak na habang nagsusumbong sa amo niya. The f**k? Bakla ba 'to? "E, sir kasi itong si ma'am-" "Ikaw ba ang manager dito?" He flashed a smile bago siya dahan-dahang tumango. "The bar owner." Umayos ako ng upo. "So Mr. bar owner, nagpunta ako rito sa bar mo para uminom. But that bartender of yours..." sabay turo ko sa bartender na nakahalukipkip na ngayon sa likuran niya. "Ayaw na akong bigyan ng drinks dahil nakasampung baso na raw ako. E, wala naman kayong sinabing may limit hindi ba?" Nag iinit ang ulo ko sa kanila. Idagdag mo pa na brokenhearted ako ngayon. Gusto kong magwala nang magwala. "May kasama ka ba?" malumanay na tanong niya. f**k! How come he's so calm despite of the fact na gumagawa na ako ng eksena dito sa bar niya. "Pake mo ba kung may kasama ako?" "Sa mukha mong 'yan mag isa ka. Kapag nalasing ka, problema namin 'yon kung paano ka pauuwiin. And according to my staff naka sampung baso ka na, hindi ka pa ba nalalasing?" "Mukha ba akong lasing?" Imbis na mainis sa akin ay natawa pa siya. Seriously speaking, he's definitely enjoying this moment. "Bigyan mo siya ng s*x in the driveway," bigla ay sabi niya sa bartender saka niya kami tinalikuran. "Pero sir..." "Just give it to her, and let her pay." Agad na nanlaki ang mga mata ko. What the f**k? Hindi na ako nagdalawang-isip pa na ibato sa kanya ang purse na hawak ko. Ayon sapul! Anong akala niya sa akin? Pipitsuging babae na basta-basta na lang? At sa driveway pa talaga? Seriously? Imbis na matakot sa ginawa niyang panlilisik ng mga mata nang lingunin niya ako ay nakipagtitigan pa ako sa kanya, saka ako marahas na tumayo. "Anong s*x in the driveway ang pinagsasasabi mo? Anong akala mo sa akin, kaladakarin? Excuse me, brokenhearted lang ako pero hindi ako nakikipag-s*x kung kani-kanino!" Rinig ko ang halakhakan ng mga taong nanonood. Sa lakas ba naman ng boses ko siguradong marami talagang makaririnig. Gulat namang nakatingin sa akin 'yong bar owner. Ngayon gulat na gulat siya? Iniisip siguro niyang lasing na ako kaya pabibigyan na niya ako ng s*x sa bartender niya. Nang makabawi siya mula sa pagkagulat ay dahan-dahan siyang yumuko-hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin. Doon ko lang napagtantong pinulot niya ang purse ko sa sahig na kanina'y tumama sa ulo niya. Ipinatong niya ito sa counter. Agad ko naman 'yong kinuha saka ako dumukot ng limang libo at padabog iyon na inilapag sa counter. "Keep the change," sabi ko bago sila tinalikuran at lumabas na ng bar na 'yon. Napaupo ako sa gutter nang makaramdam ng pagkahilo. Kanina naman tuwid pa akong maglakad at okay pa naman ang paningin ko, pero ngayon mukha ngang nalasing ako. "Hindi lasing ah!" Hilo man ay pinilit kong mag angat ng tingin. Napaismid ako nang nakita ang bar owner na nakangisi na ngayon sa harapan ko. "I said hindi ako kaladkaring babae, hindi ako interesado sa s*x in the driveway na 'yan. Sa iba ka na lang mag offer!" Nakanganga ko siyang pinagmasdan nang bigla ay humagalpak siya ng tawa. May pa-pikit-pikit pang nalalaman ang gago. "Anong nakakatawa?" galit na tanong ko. Matagal bago siya natapos sa pagtawa. At no'ng tumigil naman ay pilit pa ring kumakawala ang ngisi sa labi niya. He's surely making fun on me. Konting-konti na lang bibigwasan ko na siya. "First time mong uminom?" "Pakealam mo kung first time ko?" Tumango siya. As-if realizing something. "So you still don't know the taste of the s*x in the driveway?" nakangising tanong niya. Ang husky pa ng boses! Potek! Iniabot niya ang kamay niya sa akin. "You're brokenhearted right? Come with me, I'll make you taste it." "f**k you!" puno ng panggigigil na sigaw ko na agad naman niyang tinugunan ng halakhak. "Well, I like that one better." Agad na nangunot ang noo ko kasabay ng mga kamay kong mabilisang hinubad ang isang sapatos ko. Itinapon ko iyon sa kanya ngunit maswerte siya at naiwasan niya iyon. Masakit pa naman ang takong niyon kapag tumama. "Will you please just get the hell out of my sight!?" buong lakas kong sigaw sa kanya. Naiinis na ako sa pagmumukha niya. Napayuko ako sa dalawang tuhod ko at doon mariing pumikit. Mabuti na lamang at naka high waist pants ako. Sumasakit na ang ulo ko at gusto ko nang umuwi. "Wait... are you okay?" Instead of answering him ay pinilit kong tumayo. Hindi ko na alam kung saan ko ipi-nark ang kotse ko kanina. Pilit ko iyong hinahanap at nalula lamang ako sa dami ng mga kotseng nasa parking lot. "Hey!" At may lalake pang naghahabol sa akin na hindi ko alam kung may gusto na ba sa akin o ano, sa pagkakaalam ko naman kasi ay wala akong utang sa bar niya. "Please leave me alone! Huwag mo akong kulitin. I won't let you taste me, so f**k off!" I said, still trying to find my freaking car. Rinig ko na naman ang halakhak niya mula sa likuran ko. "That s*x in the driveway I am talking about-" "Please!" matigas kong sabi sabay lingon sa kanya na naging dahilan para mas lalo akong mahilo at kamuntikan pang bumagsak sa sahig. Mabuti na lamang at nasalo niya ako. Or mabuti nga ba iyon? "Geez!" aniya nang masagi ang boobs ko. Punyeta! Napaayos ako ng tayo at agad siyang hinarap saka ko siya sinalubong ng isang matunog na sampal. "Bastos!" "Woah! It was an accident, Terese!" Nanlaki ang mga mata ko. How did he know my name? "Paano mo 'ko nakilala?" Nalukot ang mukha niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang tanong ko. "What's with the face? Oh! Nevermind..." Tinalikuran ko siya't muli na namang hinanap ang sasakyan ko. "Must've been one of my stalkers. Nasaan na ba kasi ang kotse ko? Kung saan kailangan, doon pa nawawala!" I was stunned when he suddenly grabbed my wrist. "Are you serious?" Nagtaka ako sa klase ng tanong niya. If he pertaining to me looking for my car? Oh hell! I'm dead serious. "Hindi mo 'ko kilala?" Bagaman gulat ay ngumisi ako. "You're... the bar owner." Marahas siyang napabuntong-hininga. Sarkastikong natatawa habang nakatitig sa akin. "Ako 'yong lalakeng nangako sa 'yo ng forever noon. I'm the man who promised to be yours for the rest of my life pero iniwan mo. I'm that man who kneeled down in front of you and broke down when you left. I'm that man, Terese Flores. Don't you remember? Roiden... Roiden Pundales." Oh, f**k! Mukhang ngayon ay lasing na nga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD