"Ohhh! Roiden..."
"Terese... Mmm..."
"Faster, Roiden! Ohhh! Ahh!"
"I... Ahh... I am... C-cumming... Terese!"
In just a moment, all of the memories flash back on my mind. Para akong pinukpok ng malaking bato at sunod-sunod na pumasok sa utak ko ang lahat ng mga pangyayari ilang taon na ang nakararaan.
"Nakalimutan mo na agad ako?" nakangising tanong niya sa akin.
Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kan'ya.
"W-who are you?"
"Ha!" sarkastiko siyang natawa.
"Hindi kita kilala." Naipilig ko ang ulo ko. Pilit kong inaalis sa utak ko ang mga alaalang bumuhos sa akin. Sa dinami-rami naman kasi ng mga ala-alang 'yon. Bakit 'yon pang dapat talagang kalimutan.
"Looking at you now. Mukhang naging successful ka na," aniya.
"Magkakilala ba tayo?" Pilit na tawa ko.
Naningkit ang kan'yang mga mata saka niya binasa ang labi niya.
"Oo. Magkakilala tayo!" He smirked. "Gusto mong ipaalala ko sa 'yo kung paano tayong naging magkakilala?"
Mabilis ang naging paggalaw niya at hindi agad ako nakadepensa nang hapitin niya ako at bigla'y sinunggaban ng halik. Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang naitulak.
"Roiden, what the hell!?" naibulalas ko.
"See? Ngayon mukhang nakakaalala ka na," sabay tawa niya.
Nag iwas ako ng tingin. Damn! Bakit parang na-miss ko 'yong halik niyang 'yon?
"Oo na! Kilala kita. Pero please lang, huwag mo 'kong guluhin! Kailangan ko ng umuwi!"
Roiden just laughed.
"Hindi mo nga mahanap 'yong kotse mo! Let's go! Ihahatid na lang kita," he said sabay hila sa akin.
Nagpatianod na lamang ako sa kan'ya. Dinala niya ako sa pick up niya at pinagbuksan ng pinto.
"Hop in."
Walang imik akong pumasok at agad na ipinikit ang aking mga mata. Never na sumagi sa isip ko ang pagtatagpo naming muli ni Roiden. I thought isa lang siya sa mga lalakeng dadaan lang sa buhay ko.
"Mind if I know kung saan ka nakatira?"
"Hanapan mo na lang ako ng hotel," pikit pa rin ang mga matang tugon ko.
"You sounds like wala kang mauwian, Terese." Bakas ang pang aasar sa tono ng kan'yang boses.
"Just please shut up, Roiden. Sinabi mong ihahatid mo lang ako. So just please take me home without annoying me."
He sighed. "Wala ka pa ring ipinagbago. Maldita ka pa rin."
I groaned. Hindi na ako nagsalita pa. Nagpatuloy pa rin sa pag kuda si Roiden pero umakto akong natutulog.
"Still can't believe it. I've been looking for you for years, Terese. Ba't ngayon ka lang nagpakita?"
Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan. Doon lang ako nagmulat ng mga mata.
Nilibot ko ang paningin ko at agad na nagtaka. I was expecting na isang 5 star hotel ang makikita ko pero imbis na hotel ay isang magarang bahay ang nakikita ko sa harapan.
"Where were we?" I asked.
"My house," simpleng tugon niya, at saka bumaba ng sasakyan.
Bumaba rin ako at agad na lumapit sa kan'ya. "Bakit nandito tayo? I told you already, sa hotel mo 'ko dalhin."
"I need company, Terese. Samahan mo muna ako," aniya at nauna ng pumasok sa loob ng bahay.
Kunot na kunot ang noo ko habang naglalakad kasunod ni Roiden. His house wasn't grand as my house pero pwede na rin.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay nagdiretso agad si Roiden sa kung saan. Habang ako'y naiwang nakatulala sa malaking wedding picture na nasa harapan ko. Is he bragging or something? Ipinagmamalaki ba niya sa aking kasal na siya? Samantalang ako'y ito at hindi na matutuloy ang pinapangarap kong kasal.
Naramdaman ko ang paglapit ni Roiden sa akin pero nanatili ang paningin ko sa wedding picture nila.
"Terese," tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya. Pero imbis na mukha niya ang makita ko ay isang lata ng beer ang sumalubong sa mukha ko. Potek! Bastos talaga 'tong si Roiden kahit kailan.
Padarag kong tinanggap 'yon, saka siya inirapan. Pinagtawanan niya lang ako.
"Binigyan mo pa ako ng beer. Nakarami na nga ako kanina sa bar mo," sabi ko habang nakatingala pa rin sa picture.
Narinig ko ang matunog niyang pagngisi. "Nakulangan ka do'n, hindi ba?"
"Tss. Kasal ka na pala... Kailan lang?"
"Two years ago."
Tumango ako. "Masaya ka naman?" tanong ko.
Hindi siya nakasagot agad. "I bet not," sabi ko nang nanatili siyang tahimik.
Napabuga siya ng hangin kaya nilingon ko siya.
"I thought kaya niya akong mahalin pabalik kapag ikinasal siya sa akin... but I was wrong. She's still in love with someone else."
"Tanga ka rin pala. Susugal-sugal ka tapos ngayon magda-drama ka." Naglakad ako patungo sa mahabang sofa nila sa sala at doon ako naupo.
"Nasaan siya ngayon? Baka biglang dumating 'yon, isipin niya pang kabet mo 'ko."
"Mas'yado ka talagang advance mag isip no?" aniya.
I shrugged. "I just wanna make sure na hindi ako makakapasok sa gulo."
"The Terese I know... sigurista!"
Natawa ako sa naging turan niya.
"Wala si Vanilla dito. Nasa London at may inaasikasong trabaho."
"So... her name is Vanilla. Is she as sweet as vanilla?" pabirong tanong ko.
Ngumiti si Roiden habang nakatingin sa kawalan. "Yes. She is."
"Mukha kang in love na in love sa asawa mo," nakangiti kong komento habang nakatingin sa kan'ya.
"I am. Kaya nga pumayag agad ako nang alukin niya ako ng kasal," natatawang sabi niya pero halata namang hindi masaya.
"Alam mo, kahit kailan plastik ka talaga no?"
Naupo siya sa tabi ko at sumandal habang nakatingin sa akin.
"Bakit mo naman nasabi?"
Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kan'ya.
"You're acting like you're happy where in fact... your eyes says you're not."
Naningkit ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa akin, saka niya binasa ang ibabang labi niya.
"You know what, hindi ka pa rin nagbabago. Ilang taon na ang lumipas gan'yan ka pa rin. Napakadiretso mong magsalita," aniya.
Ngumisi ako. I took a sip on my beer. "You know what, hindi ka pa rin nagbabago. Pagdating sa pag-ibig, hindi ka pa rin marunong pumili."
Agad siyang natawa sa sinabi ko. "Ang diretso mo ngang magsalita. Bakit ikaw, Terese? Tama na ba ang lalakeng napili mo?"
"Almost," diretsong tugon ko.
"Tss..."
"We're almost there, isang stage na lang para makaabot kami sa forever na 'yan. Pero bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin, e. I don't know why, pero bigla na lang siyang nakipaghiwalay."
"Baka may natuklasan tungkol sa 'yo na hindi niya nagustuhan?"
"Ano naman?"
"We can't deny the fact that you're not the good type—"
"Oh! Shut up, Roiden. My fiancee knew everything he needs to know. Kaya confident akong hindi iyon ang dahilan."
"Edi baka na out of love?"
"Maybe..." Ngumuso ako. "If you we're him, maa-out of love ka rin ba sa akin? Am I that someone who's capable of making you out of love?"
"If I we're him?" His eyebrows furrowed. "Bakit naman isiningit mo 'ko sa usapan? I will never be like him, Terese."
"I just wanna know, Roiden. What if lang naman. Ang kj mo talaga!"
"I don't know. Kasi no'ng na-inlove ako sa 'yo noon..."
Umawang ng bahagya ang labi ko habang nakatingin ako sa kan'ya. Ba't ba kasi binuksan ko pa ang usaping 'to? Babalikan ba namin 'yong tungkol sa nakaraan? E, ang tagal na panahon na no'n e.
He took a deep breath. "Nevermind," sabay buga niya sa naipong hangin.
Nag iwas ako ng tingin sa kan'ya, saka muling uminom sa lata ng beer na hawak ko.
Ilang sandali kaming binalot ni Roiden ng katahimikan.
"Kuha lang ako ng pulutan," aniya, at hindi na hinintay pa ang maaaring tugon ko. Kumuha siya ng pulutan. Mukhang may balak nga talagang magwalwal ang isang 'yon.
Kakaubos lang ng hawak kong lata ng beer nang bumalik si Roiden. At sa kan'yang pagbabalik ay isang bucket ng tanduay ice na ang dala niya at isang plato ng sisig.
"Oh... My... God!" naibulalas ko. Lalasingin nga yatang talaga ako ng lalakeng 'to.
"May pinaplano ka ba sa akin, Roiden?"
Kumunot ang kan'yang noo. "What? Anong plano?"
"Like... Gagahasain mo ba ako?" diretso na namang tanong ko. Bakit pa ako magpapaligoy-ligoy pa 'di ba? Kung pwede namang mag diretsahan kaming dalawa dito.
Humagalpak agad siya ng tawa. "Assuming! I'm loyal, Terese!"
"Tss! Hindi halata!"
"What?"
Hindi ako sumagot at kumuha na lamang ng isang bote ng tanduay ice, at tumungga roon.
"Ipinagpatuloy mo pala 'yong pangarap mong bar noon?" tanong ko.
"Yes. First love ko 'yon, e. Kaya babalik-balikan ko talaga."
"Akala ko ba ako ang first love mo?"
Natawa siya sa sinabi ko. Biro 'yong tanong ko na 'yon kaya normal lang na matawa siya pero may halong katotohanan 'yon.
Hindi siya sumagot at tumungga na rin sa inumin niya.
"Ikaw? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"Baking. Just like you, naisakatuparan ko na rin 'yong pangarap ko."
Ngumiti siya sa akin. "I'm happy for you, Terese."
"I'm happy for myself too, Roiden."
"Selfish! You're supposed to say you're happy for me too, Terese!"
"Bakit ba mas magaling ka pa sa akin? E sa 'yon ang gusto kong sabihin e!"
"Tss!"
Naging masarap ang kwentuhan namin ni Roiden. Hindi nga namin namalayang lumalalim na pala ang gabi. Umiikot na ang paningin ko at sigurado na akong lasing na ako.
"Book me a room please. Inaantok na ako," sabi ko.
"Hindi ko na kayang mag drive, Terese. I'm drunk too."
"Damn it, Roiden! Huwag kang sinungaling! Hanapan mo na ako ng hotel bilis!"
"I can't. Dito nga kita dinala para dito ka na matulog. Why find a hotel when we can do it here, Terese?"
"Anong do it do it sinasabi mo d'yan? Sabi ko na nga ba may plano ka nga sa akin!"
"Hindi mo ba ako na-miss?"
"Roiden!" pigil ko sa kan'ya nang hawakan niya ako sa magkabilang braso ko.
"Terese..." Binanggit niya ang pangalan ko nang paungol na siyang nagbigay kilabot sa katawan ko.
Napamura ako ng wala sa oras nang haplusin niya ang braso ko. Ang sabi niya kanina loyal siya. Galing din ako sa break up and I was supposed to be at home crying and mourning for the dead relationship. I shouldn't be here.
Roiden gave me a peck on my lips. Napapikit ako. Mali ito. Maling mali.
"Roiden, please stop."
"Terese, let's have some throwback."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi agad napaghandaan ang pagsunggab niya ng halik sa akin. Kailangan kong makahanap ng paraan para makatakas sa mapusok na halik ni Roiden. Hindi dapat namin 'to ginagawa. Lasing lang kaming pareho. Ayaw kong pumasok muli sa buhay niya. Especially now that he's married.