Same Destination

1533 Words
"Mel, kailan ka ba kasi babalik? Tsaka nasan ka na ba? Hindi ka man lang nagpakita since you left in Siargao. Nakakapagtampo na ha," Ani Avah na nasa kabilang linya ng telepono. kausap niya si Melanie. "Soon, Avah. I swear." Ngumiti pa si Melanie kahit naman alam nyang hindi ito nakikita ng kaibigan. Kasalukuyang nasa Bantayan Island si Melanie. It is an island located in the Visayan Sea, and is situated to the west of the northern end of Cebu island, across the Tañon Strait. Sa layo nyang iyon mula sa Maynila ay talagang hindi sya mahahanap ni Avah. Especially when Melanie tend to hide. Nag-aral siya magbarista. Ipinasara nya muna ang kaniyang coffee shop sa Maynila dahil hindi nya iyon maasikaso. And besides, she wanted to improve her goods. At malapit na nya ulit itong buksan. Pagbalik na pagbalik nya sa Maynila ay bubuksan nya ulit ito. She's in the depth of her thoughts when Avah spoke again. "Don't forget my baby's christening day, Mel. Okay? Ikaw mismo nagsabi na magni-ninang ka pag nag karoon ulit ako ng baby." May halong tampo ang boses ni Avah. Paano ba kasi, hindi man lamang nagpakita si Melanie sa kanya ng nanganak ito kay Ariel Angelette. Napili ni Avah ang pangalan na iyon dahil Ariel is the anglicized form of the unisex Hebrew name 'Ari'el', which means 'lion of god'. While Angelette is the French variant of the name Angela. This variation is sweet, strong, and traditional. Avah used to be a nun, malamang sa malamang ay alam nya ang mga pangalan na iyon. kahit si Melanie ay alam din ang ibigsabihin ng pangalan na napili ng kaibigan para sa magiging inaanak. "Oo, promise, Avah. I will attend. I will never miss baby Ariel's christening day. Gusto ko na ngang makita ang inaanak ko eh." Winahi ni Mel ang kurtina na tumatabon sa kaniyang bintana. Nagsipasok ang sinag ng araw sa kaniyang kwarto na inuupahan sa Bantayan Island. Habang kausap sa telepono si Avah ay lumingon si Melanie. Ang kaniyang mga mata ay nakafocus na ngayon sa kaniyang dalawang maleta na hindi naman ganoon kalaki. Nandoon na nakalagay ang kaniyang lahat ng gamit. Ilang personal mugs na nabili nya sa mismong isla, kaniyang mga damit, laptop at iba pa niyang mga gamit. "Asahan ko yan, Mel. Alright? Next week. Quiapo Church, 8:30 in the morning. Wag ka mawawala." Banta pa ni Avah. "I will be there. Swear to God..." nakangiting turan ni Mel. Before she could stop herself, awtomatikong lumabas sa bibig nya ang tanong na, "will Noah be there as well?" As much as possible kasi ay ayaw makita ni Melanie si Noah. Katunayan ay sya ang mismong dahilan kung bakit sya nagpakalayo-layo. "Yes, of course. Ninong sya e. But Hirro will be there too, is it okay with you Mel? Kung gusto mo aalisin ko na lang sa list ng Godfather si Hirro... what do you think?" "No. There's no need." Umiling iling pa si Melanie. Kailangan na talaga nyang tanggapin ang fact na gaano man kalaki ang Pilipinas ay darating talaga ang araw na muli nyang makakaharap ang mga lalaking naging parte ng kaniyang nakaraan. "Let him be. After all, we remained friends. At isa pa, kapag ginawa mo yun, isipin mo ang mararamdaman ni Davien. Baka ma-offend pa sya dahil kaibigan nya si Hirro. Parang hindi mo naman ako kilala, Avah. I'm a strong bitch." Narinig ni Melanie na sasagot pa sana si Avah sa sinabi nya kaso nga lamang ay bigla namang may umiyak na bata sa linya ng kaibigan. "Mel, sorry ha. I'll hung up now. Angelette is crying. Kakagising nya lang, ang daddy naman nya nasa work pa sa hospital. Kaming dalawa lang magkasama ngayon. Sorry, Mel. Basta see you next week, you understand?" "Copy that, ma'am. Kiss Ariel for me." "I will. Take care, Mel. I miss you." "So do I," Melanie replied with a beam. "Bye," Matapos magpaalam ni Avah ay saka na nga naputol ang kanilang tawagan. Inialis ni Melanie ang mata mula sa kaniyang maleta. Tumalikod sya at tumingin sa malawak na karagatan. Asul na asul ang tubig. Malakas ang hangin. Malinis at pino ang buhangin. Ito na ang huling araw nya sa Isla na ito. Ilang bwan din nya na itinuring na tahanan ang cabin nyang iyon. Labing tatlong bwan din syang natulog sa kama na iyon, gumising sa mismong kwarto, kumain at mabuhay nang normal. Normal nga ba? Matatawag ko bang normal ang mga panahon na yon? Wake up, Melanie. Hindi na babalik sa normal ang buhay mo. Pagsabat ng kaniyang isipan. Her life has changed. At ni minsan ay hindi na iyon maibabalik pa sa dati. Hindi nya lang alam kung papaano itatago ang malaking pagbabago sa kaniyang buhay. * * * "Ma'am Salazar, aalis na po kayo?" Tanong ng receptionist kay Melanie nang bumaba sya mula sa kanyang cabin at nang isurrender nya ang susi ng kwarto. "Oo, Jane. Matagal na din akong nakapag bakasyon. It's time to go back to Manila." Sagot ni Mel. "Ma'am balik po kayo ha?" Anang isa pang receptionist na malapit sa puso ni Mel. "I definitely will. Thank you for the very wonderful service, Jane and Carmen. I'll be going now." Pinaabot ng dalawang dalagang receptionist ang kanilang paalam kay Melanie. Tapos ay sumakay na si Melanie sa SUV ng resort na maghahatid sa kaniya sa Bantayan Island Airport. Instead of booking a trip from Bantayan to Manila, Melanie chooses the Mactan Cebu International Airport as her destination. Matapos naman ang flight nya papunta doon ay ang susunod nyang destinasyon ay ang Sayak Airport. Ang pinaka malaking paliparan sa Siargao. Oo. Sa Siargao didiretso si Melanie. Kahit kasi papano ay that place holds a special place in her heart. Gusto nya lamang muling makita ang lugar na iyon. Sariwain ang mga ala-alang mayroon sya sa lugar na iyon. Hindi nya mawari kung bakit pero nais talaga nyang muling matapakan ang isla ng Siargao. Tuwing naiisip nya ang isla ay pumapasok din sa kaniyang isip ang binatang si Noah. May asawa na kaya ito? May fiance? Girlfriend? O single parin kaya sya? Palaging tinatanong ni Melanie sa sarili ang mga tanong na iyon na ni minsan ay hindi nabigyan ng malinaw na kasagutan. Parang makapit na lumot si Noah. Nakatatak na kasi sya sa isipan ni Melanie. Kahit anong pilit na tanggalin sa kaniyang isipan ay hindi iyon magawa ng babae. Bakit pa kasi si Noah? Bakit sobra naman yata syang tinamaan sa binata? Pwede naman yung mga lalaki na lumalapit sa kaniya noong nagdaang mga bwan. Mababait sila, may paninindigan, may mga desenteng trabaho. At higit sa lahat, hindi katawan ang habol sa isang babae kundi ang buong puso nito. Napakadaming binata na nagparamdam kay Melanie. May ilang sumubok kahit una pa lamang ay nilinaw na nya na hindi sya handa na pumasok sa isang relasyon. May mga nanligaw. At may lumusot na ilan, naka date nya, nakausap, nakasama sa paglalakad sa dalampasigan pero lahat ng iyon ay hindi umubra. She's craving for Noah's presence kahit alam nyang klinaro nya sa sarili na lalayuan ang binata. "Get out of my mind, asshole. Stop pestering me, Noah." Bulong ni Melanie sa sarili habang binabagtas nya ang corridor ng airport hila-hila ang kaniyang dalawang maleta. * * * "Where are you going, bro?" Davien asked Noah. Dumaan kasi ito sa bahay ni Noah para ihatid ang invitation para sa binyag ni Ariel. Kaka-out lang ni Davien mula sa hospital. At nadatnan nya ang half brother na naka ready ang traveler's bag. Sobrang umbok ng kaniyang bag. Siksik na siksik ang laman. "What are you doing here? You should have told me your coming over," Ani Noah na inilapag ang malaking bag. "Iaabot ko lang naman itong christening invitation ni Angelette. That's next week." Noah accepted the piece of paper and then read it. "Where are you off to?" Muling tanong ni Davien. "Oh, just an out of town vacation." Sagot naman ni Noah. "I know it by just looking at your bag. Where exactly are you going? You can't be absent on your niece's christening. She'll hate you forever," Pananakot ni Davien. "I won't missed it. I'll just get some fresh air. Then I'll go back here in Manila." Tumingin ng matalim si Davien kay Noah. Hindi pa asi nito sinasagot ang pinakang tanong nya. "Siargao, alright? I'm going to Siargao. You don't have to look at me that way." Ngunit hindi nagbago ang tingin ni Davien sa kapatid. "Okay! Okay! Dadating ako sa binyag ni Ariel. That's a freaking promise. I'm going to cut my balls if I missed it. Satisfied?" "If you missed it, it is me who will cut your balls. Have a safe trip." Kumaway na si Davien sa kapatid saka lumabas ng gate ni Noah. Noah on the other hand, opened the gate and then drove his car out. Lahi na siguro talaga ng mga Sebastian ang pagtahak sa mundo ng medesina. Dentista kasi si Noah. Isinara muna ni ng binata ang kaniyang klinika para naman marelax ang kaniyang katawan. And for some unknown reason, he think that the perfect place to spend the whole week was the Island of Siargao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD