Third year high school palang noon si Melanie nang una syang nagkaboyfriend. Because she is taken care by the nuns and priests in the convent, ang una nyang relasyon ay nanatiling patago. Ang tanging nakakaalam na sya ay may boyfriend ay si Avah na kaniyang natatangi at tunay na kaibigan. Nagkikita sila ng boyfriend nya ng patago, at naguusap din ng patago dahil ayaw nya naman na madismaya sa kanya ang mga madre na tinuring na niyang mga tunay na magulang.
She was just 16 that time. Immature and innocent. Kaya naman nang maghiwalay sila ng boyfriend nya ay iniyakan nya ito ng sobra. The nuns in the convent keep on asking why she is suddenly bursting into tears. Ang dadahilanin niya lamang ay nanakit ang kaniyang ulo, napuhing o di kaya naman ay naiisip nya ang kaniyang tunay na magulang na nag-abandona sa kaniya.
But the truth behind those tears was the pain of her first ever boyfriend.
"Bata pa naman tayo, Mel. Magfocus na lang muna tayo sa pag-aaral natin. At saka ni ayaw mo nga na dalhin kita sa bahay para makilala ka nina mama at papa e. mas mabuti na siguro na maghiwalay na lang tayo," Ani Paul na 17 taong gulang nang panahon na iyon.
Iyon ang dinahilan ng binata. But the next day, nakasalubong nya na lamang ito na may kaakbay na ibang dalaga. Iyon ang ikinasama ng loob ni Melanie. Na nagsinungaling ito para lang makipaghiwalay sa kaniya. Lalandi lang pala si Paul sa iba kung anu-ano pa ang sinabi. Hindi na lang nya direktang sinabi na may iba na sya. That way, siguro hindi masyado masasaktan si Melanie. Siguro magiging 50% pain and 50% hatred ang nararamdaman nya. Eh ang kaso hindi e. As in 100% pure pain ang dulot ng pagsisinungaling ni Paul sa kaniya.
Her next relationship was with Greg. Una nya itong nakilala noong nag-aaral sya ng kolehiyo. 22 years old na siya noon at fourth year college as Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Greg is a fine young man. Mabait at a complete package type. Gentlemen and patient. Sobrang minahal ni Melanie si Greg sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang magkatipan.
Sa loob ng tatlong taon ay hindi sila naghiwalay. Yung sasabihing maghihiwalay at magbabalikan din naman? Hindi. Never nilang ginawa iyon. Kung may problema sila ay aayusin nila iyon. Kung hindi man agaran ay hindi naman sila nagdedesisyon na makipag split. That is how they love each other.
Hanggang sa isang gabi, tuwang tuwa si Melanie habang naghihintay kay Greg sa paborito nilang resto bar. May empleyado kasi si Melanie na nakakita raw kay Greg na bumili ng singsing. Syempre dahil sa tagal nilang magnobyo't nobya ay nakilala na rin si Greg ng mga empleyado ni Melanie lalo pa't kung minsa'y sinusundo sya ng binata.
Ngunit ibang balita ang sinabi sa kaniya ng nobyo. Malayong malayo to what she was expecting.
"A-anong sabi mo, h-hon?"
"Maghiwalay na tayo, Mel." May halong lungkot ang boses ni Greg.
"W-why? What are you playing, hon?" Napatawa tuloy si Mel. Akala nya ay parte ito ng surprise proposal ni Greg.
"Magpapakasal na ako sa ibang babae, Melanie... I'm so sorry," bumuhos ang luha ni Melanie. Magpapakasal si Greg sa ibang babae gayong si Melanie ang matagal na nyang kasama? To his ups and downs, naroon at hindi nawala si Melanie. Tapos ngayon? Sasabihin ni Greg na ikakasal na sya sa iba? Nauntog ba siya? Ano bang katangahan ang sinasabi nya?
"You have a hidden camera, don't you? Asan na? Ilabas mo na, Greg! Hindi nakakatuwa ha!" Nagawa pa ni Mel na magbiro habang umiiyak.
"Nakabuntis ako, Melanie! At yung family nung nabuntis ko, pinipilit ako na panagutan yung bata. This is not a joke matter, Mel! Ibigay mo na lang kasi yung kalayaang hinihiling ko!" Naiinis na ang boses ni Greg.
"A-ang..." napuputol ang salita ng dalaga dahil sa kaniyang pag-iyak. "Ang kapal ng mukha mong hayop ka! Pano mo nagawa sakin to? How could you cheat on me?! And you made it sound like it was my fault! Kasalan ko ba na hindi ka gumamit ng putanginang condom na yan when you f****d that random girl? You are impossible, Greg!" Kahit na galit na galit na ay nagagawa padin ni Melanie na babaan ang tono ng boses lalo na sa mga sensitibong mga salita.
"Hindi naman mangyayari ang lahat ng to kung pumapayag ka lang sa gusto ko eh. Melanie it was your fault too! I was tempted to do it with other girl because my own girlfriend can't give what I needed! Because you are boring, Melanie."
"Hindi ako makapaniwala sayo, Greg. Sapat na rason ba yan para magloko?" Tuluyan nang bumaba ang boses ni Melanie.
"We are over, Mel. I'm so sorry. Ginagawa ko 'to para sa magiging anak ko. If you become a mother yourself, maiintindihan mo ang katayuan ko. I was happy with you for three constituent years. At totong minahal kita, Mel. Even now, mahal na mahal parin kita the way I love you before. But we no longer can be together. Hindi ako ang lalaki para sa iyo. Soon, magkakaroon na ako ng sariling pamilya. I'm so sorry, Mel. We need to end it here,"
"No... Greg, please don't do this..." Pagsumamo ni Melanie.
But Greg stands up at saka naglakad papalayo.
Dahil sa ikalawa nyang relasyon ay siya parin ang talo, mas lumala pa ang takot ni Melanie na sumabak muli sa isa pang relasyon.
Ilang araw lang matapos maganap ang hiwalayan nila ni Greg ay pumunta sya sa isang bar kasama ang tanging totoong kaibigan na si Avah. Ang gabing nagpabago sa takbo ng buhay ni Avah. At ang gabi kung saan nya unang nakilala ang sumunod na nagpatibok ng puso niya. Walang iba kundi si Hirro.
Hirro is a good man. Sobrang gwapo, sobrang malinis sa katawan, sobrang mabait at masayahin. Nagkausap sila ng bahagya nang gabing iyon. At dahil nasa state ng moving on si Melanie, inisip nya na ang flirting ang magiging pinaka madaling way to forget the pain na idinulot ni Greg. Kaya naman nang kuhain ni Hirro ang number nya ay mabilis nya itong ibinigay.
They've started dating after weeks of meeting each other. At tama nga ang guts ni Melanie. Mabilis nyang nakalimutan si Greg dahil kay Hirro. Walang label ang relasyon nilang dalawa. Dahil nga natatakot na si Melanie. Para na syang nagka-phobia na muling makulong sa relasyon na sa bandang huli ay hindi din naman maganda ang kahihinatnan.
Madaming bwan ang lumipas hanggang sa dumating din ang panahon na napagod si Hirro sa pagpursue kay Melanie. He gave up.
"I'm tired of this set up, Melanie."
Kahit na mas malala pa ang mga nadinig na ni Melanie, masakit parin sa parte nya na muling marinig ang mga salitang kahawig ng mga sinabi sa kaniya ng kaniyang mga nakaraang karelasyon.
But she ain't weak no more. Hindi na sya muling iiyak nang dahil sa lalaki. Kaya naman ang naging sagot ng dalaga ay, "then stop here, Hirro."
"I better be. Baka mas mabuti na rin na hindi mo ako binigyan ng chance para makulong sa boring na relasyon, shall I thank you with that?" Medyo sarcastic na saad ni Hirro. Syempre nasaktan din sya, kaya nga sinusubukan nyang gamutin ang damaged emotion nya eh. Thru hurting her.
Melanie smiled and said: "you are welcome, Hirro. Friends?"
Tinanggap ni Hirro ang nakalahad na kamay ni Mel and had a handshake.
"Bye," Anang dalaga saka nauna nang umalis. Sawa na kasi syang maiwan. At least ngayon sya naman ang mukhang lumayo kahit na iyon ang kabaliktaran.
Matapos ang kaniyang puro palpak na relasyon, pinangako ni Melanie na hindi na sya muling mabilis na mahuhulog sa lalaki. Idinistansya nya ang sarili mula sa mga kalalakihan. Itinayo nya ang sarili nyang bersyon ng Great Wall of China para protektahan ang pusong paulit-ulit nang yinurakan.
Kaya ngayon, habang tinatahak niya ang daan patungo sa isla ng Siargao, muli na namang nabubuhay ang takot sa kaniyang puso. Beside her was Noah, ang nagiisang lalaki na nagawang istorbohin ang maayos na t***k ng kaniyang puso. Hirro was the last guy who made her feel that way.
Kung alam lamang ni Melanie na magiging ganito ang epekto ng katabing binata sa kaniyang puso ay hindi na sana sya sumama sa alok ng kaibigang si Avah na magbakasyon sa Siargao.