Chapter 3 - HIS PRINCESS

1482 Words
It's Friday, busy siya sa pag-iimpake ng kanyang mga damit. May pictorial sila bukas ni Megan sa Virginia kaya kailangan niyang maagang umalis ng France. Kung tutuusin ay hindi naman siya mahihirapan na tumungo sa Virginia lalo na't nabanggit niya ito sa kanyang ama nang mag-usap sila kahapon. Tiyak na agad siya nitong ipapahatid kay Uncle Ethan niya. Ngunit bago pa man kumilos ang kanyang ama ay pinagsabihan niya na ito na mas nais niyang makasabay si Megan sa biyahe, at ang ibang pang modelo. Yes, she prefers to live a simple life, and doesn't want to be the center of attraction. Tama na sina Aunt Lilly, at Mama niya, ang maging topic ng media. Ayaw na ayaw niyang maging usapin siya. At nakikinita niya na maaring mangyari iyon kapag dumating siya doon gamit ang private plane nila. Walang kasamahan niyang nakakaalam na isa siyang prinsesa, at nag-iisang anak siya ni Andruis Camilo Russo, ang Duke ng Chartres, at ina niya ang tanyag na pastry Chef na si Gwendolyn Almero Russo. Wala ding nakatunog na Tiyahin at Tiyuhin niya ang Hari at Reyna ng Englatera. Gusto niya kasing mamuhay na walang hassle, at walang abala. Kaya si Megan o mas kilala sa pangalang Stephanie sa fashion world, ang tanging nakakabatid ng tunay niyang pagkatao. Pagkatapos niyang maayos ang lahat ay isinara niya na ang kanyang maleta saka lumabas siya ng villa, at naglakad-lakad sa dalampasigan. Malamig ang simoy ng hangin, na banayad na dumadampi sa kanyang balat. Napabuntong hininga si Abby habang nakatingin sa malawak na kalangitan. Hindi niya kasi naunawaan ang kanyang saliri. Alam niya naman na sa tuwing umaapak siya sa dalampasigan o kahit saang baybayin ay sadyang bumabalik ang isang gunita ng kanyang kabataan kahit ano mang pilit niya ito kinakalimutan. At kasabay niyon ay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi niya din alam kung sadista ba siyang matatawag dahil parang engot siya na nananalangin na sana makalimutan niya na ang sakit na dulot ng nakaraan. Ang nakaraan na maaring siya lang ang nakakaalala, at nasasaktan. Napamura siya. Nabalitaan niya kasi kay Xyrel na halos linggo-linggo kung magpalit ang loko niyang ex ng babae. Wala daw itong pinapatos. Gago ba iyon? Hindi yata alintana nito na may damdamin ding ang mga tangang babaeng na nagkakagusto dito. Syempre, kabilang siya doon. Ang pinagkaiba lang niya sa mga babaeng iyon ay may lakas siyang makipaghiwalay pagkatapos niyang malaman na niloloko lang siya ng mokong iyon. Lingid sa kaalaman ni Abby, habang nakatingin siya sa malawak na kalangitan ay may isang nilalang na nakatayo sa puno ng niyog medyo malayo sa kanyang kinatatayuan Naka-suot ito ng itim na pantalon, jacket na may hood, at sunglass. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya. Napakaganda ni Abby kahit sa simpleng suot niya. Litaw pa din ang kagandahan nito. Kaya nga halos ayaw niyang alisin ang kanyang paningin sa babaeng sinisinta. Malaki na ang pinagkaiba nito kung ikukumpara sa dati nitong saliri. Lumaki itong napakaganda, at mala-Diyosa ang hubog ng katawan. Iyon nga lang masyado suplada pa rin ito sa mga lalaki. Isang bagay na pinagpapasalamat niya. Sino ba ang mag-aakala na ang babaeng patpatin dati ay isang modelo na ngayon, at hindi lang basta-bastang modelo, isa itong high paid Victoria's Secret Model, at naging constant cover girl ng Gorgeous Gal's Secret at Hidden Paradise, mga tanyag na magazine sa buong Europa. "Ligaw tingin ka pa din? Bakit kaya hindi mo siya lapitan ha," udyok ng isang boses na kilalang-kilala niya. "Hindi iyong para kang tanga na pinagmamasdan siya sa malayo." Pinandilatan niya ito. "Tumigil ka na nga Drake. Alam mo naman impossible iyon. She won't talk to me. She still hates me so much. Baka nga palapit pa lang ako sa kanya, tumatakbo na siya palayo." Pilyong pinagtawanan lang siya ni Drake. "Ganoon katindi ang galit niya sa 'yo?" Napailing na lang siya. Si Drake ay kinakapatid niya . Inaanak ito sa binyag ng kanyang inang si Daphne. Palibhasa'y magkakaibigang matalik ang kanilang mga magulang kaya halos parang kapatid na ang turing niya dito. "Sino ba kasi ang nagsabi na pagpustahan ninyo sila ha? Hayan tuloy hindi kayo makalapit sa kanila kahit gusto ninyo. Hindi kasi dapat pinaglalaruan ang puso ng tao. Mamalasin ka. Tignan mo si Kuya Dusk hindi mapatawad-tawad ni Ate Ashley. Si Kuya Xyrel naman parang baliw na humahabol kay Ate Megan. At ikaw naman, parang tanga na nagmamahal sa malayo. Ewan ko ba sa kukuti ninyo kung saan napunta." Pinagkrus ni Xander ang kanyang braso sa kanyang dibdib. "Si Calvin ang puno't dulo nito. Saka sa una ay hindi ko din sigurado kung mahal ko ba si Abby bilang isang dalagita o kaibigan. I thought, I can forget her, kaya pumayag ako. Years had passed, I found out I was so wrong. Madami babaeng nagkandarapa sa aking harapan, at libreng tumatalon sa aking kama pero hindi ko pa rin siya maalis sa aking isip. She's still the one, I want to be with for the rest of my life." Tiningnan siya ni Drake ng hindi makapaniwala, at tumawa pa ito nang mahina. Sinamaan niya tuloy ng tingin ito. "Anong pinagtatawanan mo?" singhal nito sa kinakapatid. "Gustong mabatukan kita?" "Kasi nahihirapan akong paniwalaan na ang isang Mafia Prince na gaya mo, at magiging tagapagmana ng bahay ni Garcia, ay putol ang dila pagdating sa kanyang childhood sweetheart. I mean, ex childhood sweetheart, kasi break na kayo ni Abigail 'di ba?" Pang-aasar pa nito sa kanya. Kumunot ang noo ni Xander habang ang mata nito ay nanatiling nakatitig sa kay Abby. Batid niyang inaasar lang siya ni Drake. "Ano pala ang balita kay Kuya Dusk, nagkita na ba sila ni Malik?" Biglang nagseryoso ang mukha ni Drake. "Hindi pa. Pero ang alam ko, makikipagkita si Malik kay Megan sa Virginia. At bukas iyon," sabi ni Drake, at tumingin sa dako kung saan nakatingin si Xander. "Gusto ko ding makausap ang lokong iyon. I want to invest in reality, and a partnership with Malik is the best part. Kaya lang hindi ko siya mahuli-huli. Napa-busy niyang tao." "Si Annette ang hanapin mo kapag nais mong makausap si Malik," payo niya kay Drake, at bumaling ng tingin sa banda nito. "Nagkausap na kami ni Analiz, sabi niya nanliligaw ka daw sa kanya. Payong kapatid lang, kung hindi mo seseryosohin si Annaliz, tantanan mo na. Baka maibigay ka ng patiwarik ni Papa Octavo." "Isa pa iyong babaeng iyon. Napa-ewan! Pero hindi talaga ako makapaniwala na isang prinsesa si Tita Ranne, at kakambal nito si Uncle Ysrael." "Ano naman ang hindi kapanipaniwala doon? Anything is possible. Sino ba ang magkakapagsabi na ang dating chambermaid namin na si Tita Lilly eh isa palang prinsesa. At ngayon, isang ng Reyna ng Englatera." "At Tita ng Cara Mia mo?" Napangiti si Xander habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa malayo. "Yes, nobody knows that she's a princess. She's very persistent in hiding her identity, that even Megan wasn't allow to tell anybody. I'm so proud of her, and her willingness to work hard even if she's a princess." "Syempre nagmana siya sa kay Tita Gwendolyn, at Tito Howell. Walang kaarte-arte sa mga saliri. Nagtratrabaho kahit hindi naman kailangang magtrabaho. Kaya nga mahal na mahal ni Mama si Abby Baby eh," sabi ni Drake, at biglang napa-Aray dahil mabilis siyang siniko ni Xander. "Teka, bakit ka galit ha? Ano'ng ginawa ko?" "Don't you ever call my Cara Mia, Baby! She's not your baby. She's mine. Understand?" galit na tinignan siya ni Xander. "Hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin kapag tinawag mo pa siya baby! Abigail Fariza is mine. Mine alone. My very own, Princess. And if I ever see any guy flirting or ogling with her, I will send them to hell!" "Oo na! Hindi ka naman mabiro!" sabi ni Drake, at biglang tumalilis ng takbo. Lihim na natawa si Xander. "Takot din pala ang gago!" sabi niya, at agad na umalis sa kanyang kinatatayuan. Sinenyasan niya ang kanyang tauhan na mag-usap sila. Lumapit naman ito sa kanya, at agad na sumaludo sa kanya. "Nagkausap na ba kayo ni Aaron?" tanong niya. Umiling lang ang kanyang tauhan. "So, hindi mo pa natanong kung saan si Ate Ashley?" "Hindi pa, Boss. Pero nakausap ko na si Sir Ashton. Ang sabi niya 'wag ko daw pakialaman si Ashley. Mananagot daw sa kanya ang magtangkang kalkalin ang ano mang impormasyon ukol dito." "Kaya pala, I can't trace her. Two bosses were protecting her. And Ate Berry is also part of the maze," napabuntong hininga na lang si Xander. Kung pwede lang sana na kunin niya ang pwesto ng kanyang Uncle Travis, it could help him better. Pero ayaw niya. Mas kuntento na siya maging UNDERBOSS kesa maging BOSS. Kaya lang naman siya nasa Mafia dahil kay Abby. Her Cara Mia is a true blooded princes. He wanted to protect her when times come. And being him as UNDERBOSS is a great help.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD