I stayed up til morning waiting for him to wake up— pero hanggang ngayon ay hindi pa din ito gumigising. Nandoon lang ako sa tabi niya mula ng mailipat siya hanggang ngayon baka kasi magising siya para ako agad ang una niyang makikita kung didilat siya ng mga mata. Umuwi kagabi yung parents ni Kojic dahil walang maiiwan sa mga bata, pero iniwanan nila ako ng food kaso wala naman akong ganang kumain dahil nag aalala pa din ako ng sabra kay Kojic. Nung una ayaw padin ni Mrs. Romero na umuwi gusto niya ding manatili sa tabi ni Kojic kaso sabi naman ni daddy na uuwi na sila dahil kailangan ng matatanda ng pahinga kaya ayun umuwi na din sila. Maging si Mack ay umuwi na muna din dahil kailngan niya daw asikasuhin yung sa may presinto kahit ako ay kailangan kong mag bigay ng testimony sa mga nag

