Nag mamadali ako ngayon dahil naka tanggap ako ng tawag mula kay Ecko na kapatid ni Kojic na may malay na daw ito kaya ako naman itong aligagang aligaga sa pag balik muli doon sa hospital. Kanina ay kinabahan pa ako ng makita kong unregistered number ang tumawag lalo pa’t nung sinagot ko ay si Ecko nga iyon kala ko ay may masama ng nangyari kay Kojic dahil bigla bigla nalang itong tumawag sa akin ayun pala ay sasabihin niya lang na gising na daw ang kuya niya kaya daw dapat ay bumalik na ako doon. Dinampot ko na yung bag na nilagyan ko ng mga gamit ni Kojic tsaka lumakad pababa at lumabas na ng bahay bago yun ay isinara ko muna yung main door at lakad takbo akong lumabas ng gate ng bahay. May pag mamadali sa bawat pag kilos ko upang makapag maneho na pa’balik doon sa hospital. Siguro ay

