Nagising ako ng maramdaman ko ang mahinang pagtapik saking pisngi, dahan dahan kong ibinukas ang akong mga mata sumalubong sakin ang mukha ni Kojic na nakahiga saking tabi. Naalala ko ay ka' video chat namin sila Gab kagabi pero nakatulog nalang ako kagabi marahil sa pagod na naramdaman ng aking katawan. "Wakey wakey na sleeping wifey." parang batang sabi nito sakin. Napangiti ako sa kaniya. "Good morning." bati ko. "Good morning lang walang good morning kiss baka naman." malokong sabi nito. Naiiling nalang ako. Gumalaw ako at inabot yung pisngi niya upang bigyan ng mabilis na halik. "Ay isa pa." reklamo niya ng mailayo ko na ang aking labi sa pisngi niya. Napapailing nalang ako sa inaasal niya, parang bata naman talaga. Kaya muli akong lumapit at dadampian sana muli ng halik yung pis

