"Sino nandiyan?!" sigaw ni Andrei.
Napapikit naman ako at halos hindi humi-hinga dahil sa takot na mabuking.
Hindi ko alam kung bakit pero natatakot talaga ako!
Matapos magtama ang aming mga mata ay doon ako nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan.
Napahawak ako nang mahigpit kay Sam nang marinig ang kaniyang mga yapak na papalapit sa amin.
"Tsk. Pusa lang pala." Napamulat ako nang mata matapos marinig iyon.
Nang buksan ko ang aking mga mata ay nagtama ang paningin namin ni Adi. Adi?! Bakit din siya nandito?
Napatingin ako sa aking gilid at nagtaka nang makakita ng pusa.
Saan naman 'yon nanggaling? At kanino 'yon?
Agad kaming—akong hinila ni Adi kaya nabitawan ko ang kamay ni Sam. Dinala ako nito sa parking lot.
"Anong ginagawa mo roon?!" bulong kong sigaw sa kaniya.
Sinuklay niya muna ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay at saka napamewang.
"Ikaw dapat ang tatanungin ko niyan at saka hindi ka ba marunong magpasalamat?" Ngunot-noo na tanong nito.
Napa-crossed arm naman ako. "At bakit naman ako magpapasalamat? Para saan? Para saan? Ha?!"
"Para sa pagliligtas ko sa inyo," proud na wika pa nito.
Umismid ako sa kaniyang sinabi. "Tse! Sino ba kasi nagsabi na kailangan namin ng pagliligtas mo?"
Ngumisi siya. "Kung nakita mo lang ang ekspresiyon mo kanina, halos magtago ka na nga sa palda ng nanay mo dahil sa takot."
Natigilan naman ako dahil doon at saka napataas ang aking kilay. Napalunok ako ng sarili kong laway dahil tila umurong ang sarili kong dila.
"Bahala ka riyan!" sigaw ko sa kaniya at akmang aalis na nang biglang may humawak sa akin.
Nagulat ako nang makita na si Sam ito.
"Oh, Sam..." I murmured.
Napataas ang aking mga kilay nang ibuka niya ang kaniyang bibig ngunit walang lumabas na kahit anong salita.
Tatanungin ko pa sana siya ngunit biglang dumating si manong.
"Chezka! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba kasi nagpupunta?" tanong nito paglapit sa akin.
Napakamot naman ako sa aking batok. Agad naman akong napatingin kay Sam nang bitawan niya ang braso ko na hawak-hawak niya.
Tumango siya. "Sige na. Umuwi ka na."
Tumango naman ako sa kaniya. "Sige. Paalam."
Tumingin naman ako kay Adi at saka dinilaan siya bago tumakbo papunta sa loob ng sasakyan namin.
Pagpasok namin ay agad pinaandar ni manong ang kotse.
Binuksan ko ng buo ang salamin ng sasakyan at tinawag si Adi nang maparaan kami.
"Adi!" tawag ko sa kaniya.
Tanging taas ng kilay lang ang tinugon nito.
Dinilaan ko ulit siya bilang pang-aasar at pagkatapos ay sinira na ang bintana.
Natigilan ako sa pagtawa nang makitang nakangiti si manong.
"Anong mayroon, manong?" tanong ko sa kaniya.
"Mukhang may bago ka yatang kaibigan, ah? Kagwapong binata," wika nito.
I giggled. "Hindi ko po 'yon kaibigan, kakilala lang. At saka nasaan ang kagwapuhan niya, manong? Hindi ko makita kahit saang anggulo ng mukha niya."
Natawa naman si manong. "Bagong kaaway na naman ba?"
Napatingin na lang ako sa labas ng bintana matapos iyong marinig.
Maya-maya pa ay tumugon din ako sa kaniyang sagot. "Kakilala, manong. Kakilala..." paglilinaw ko.
Napabuntong hininga ako.
Hindi ko naman masasabi na kaaway ko si Adi dahil palagi naman niya akong tinutulungan sa tuwing kailangan ko ng karamay.
Sadyang wala lang talaga siyang tiwala sa akin pagdating sa pag-aaral dahil hindi ika na magaling din ang kaibigan niya... na naging kaibigan ko rin.
Napahawak ako sa bintana ng kotse nang makitang umuulan.
"May dala ka bang payong, manong?" tanong ko sa kaniya habang nakatutok pa rin ang paningin sa labas.
"Naku! Wala, e..." wika niya.
"Ayos lang po 'yan. Tatakbo na lang po ako papasok ng bahay mamaya," wika ko.
Nang buksan niya ang radio ay napabuntong hininga ako dahil mas lalo kong naramdaman ang pagiging madrama.
Andrei and I used to be friends and I wonder if we can be again...
Natigil lang ang aking pagdadrama nang makarating na kami sa bahay.
Nagbilang ako ng hanggang tatlo sa aking isipan bago simulan ang pagtakbo.
"Aray!" sigaw ko dahil nadapa ako dahil sa madulas na sahig.
"Chezka!" sigaw ni manong.
Ngumiti ako sa kaniya. "Ayos lang po ako, manong."
Mabuti na lang at hindi nabasa ang bag ko dahil nauna ko na iyong itapon sa tapat ng pinto.
Shunga-shunga kasi, e! Bakit pa tatakbo kung alam naman na madulas?!
Natuktukan ko na lang ang aking sarili dahil sa kat*ngahan.
Agad akong tumayo at saka tumakbo ulit at sa pagkakataong ito ay hindi na ako nadulas.
Oh, 'di ba? Kahit na may malaking tiyansa na madulas ulit ako ay tumakbo pa rin ako. Astig!
Ako lang 'to, kalma.
Kumatok ako ng ilang beses at nang buksan ang pinto ay nanlaki ang mata ni manang.
"Ay, jusko po, Hija!" sigaw nito.
Agad niya akong binalutan ng tuwalya at saka pinatay ang aircon sa sala.
"Ayos lang po ako, manang," paninigurado ko sa kaniya.
"Bilisan mo at maligo ka na roon! Baka lagnatin ka pa," wika nito.
Tumango naman ako at saka dali-dali na umakyat sa taas.
Nakita ko naman na pinasok ni manang ang bag ko kaya nakahinga naman ako nang maayos.
Pagpasok sa kwarto ay agad kong ni-lock ang pinto at saka agad na naligo.
Pagkatapos ko maligo ay ilang beses pa akong bumahing. Marahil ay dahil naulanan ako o dahil sa lamig kaya ganito.
Habang pinupunasan ang buhok ay agad kong nakita ang bag ko sa mini sofa at napaisip-isip.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at chinat ang apat sa aming group chat.
'Group 5 na walang ambag sa mundo';
Me; Hi, guys!
Simoun; Bakit?
Me; May assignments ba ngayon? Hehe... nakalimutan ko kasi
Simoun; Lagi ka namang makakalimutin pero pambihira! Bakit ka nagtanong?
Habang nagta-type ay nainis ako nang biglang tumawag si Simoun sa aming group chat.
Balak ko na sanang i-send ang aking chat, ei!
"Oh?" tanong ko sa kaniya nang sagutin ko ang tawag. Agad din naman na sumali sa tawag ang iba.
"Anong mayroon sa iyo?" tanong ni Simoun na hindi makapaniwala hanggang ngayon.
"Wala? Nagtatanong lang naman ako kung ano ang assignment natin!" wika ko rito.
"Ay, sus! Maganda 'yan. Bagong simula sa pagbabago," saad nito.
Napa-roll eyes na lang ako sa kaniyang sinabi.
"Ang assignments lang natin ngayon ay AP, MAPEH at Science," wika ni Krystal.
"Maraming salamat." Ngiting wika ko sa kaniya.
"Sabay-sabay na kaya tayo gumawa ng assignments?" suhestiyon ni Sam.
"How?" tanong ni Krystal sa kaniya.
"Siyempre magvi-video call pa rin tayo, 'no! Sabay-sabay lang gagawa," wika nito.
Napailing-iling naman ako. "I like your suggestion, Sam, but I won't join to it. Y'all can do it if you want to."
"Bakit naman hindi ka sasali, te?" tanong sa akin ni Vel.
"Hindi ako makakapag-focus sa paggawa ng assignments kapag ka-VC ko kayo," wika ko.
Nang hindi sila magsalita dahil sa gulat ay inunahan ko na sila.
"O' siya, bukas na lang. Good bye. Good luck sa assignments," wika ko rito.
---
Matapos kong gumawa ng takdang-aralin sa loob ng dalawang oras ay napa-stretch na lang ako ng aking buong katawan.
"Kapagod!" sigaw ko sa sarili.
Ni-double check ko pa ito upang masigurado na walang mali at nang masiguro na ay agad kong niligpit ang aking mga gamit.
Agad kong hiniga ang aking katawan matapos ang mahabang nakakapagod na araw.
Napatitig ako sa kisame at maya-maya ay inangat ang kamay at saka pinagmasdan din ito.
Lahat ba talaga ay gagawin ko para mapansin niya ako? Ano naman ang susunod kong gagawin kapag napansin na niya nga ako?
Napabuntong ako at saka nagpagulong-gulong pa sa kama at saka nagpapadyak pa.
"Argh!" sigaw ko habang tinatakpan ng kumot ang bibig ko.
Agad akong natigilan nang may kumatok sa aking kwarto. Nagulat ako nang makita na bukas ang pinto at naka-crossed arm si Daddy na pumasok.
Napasimangot naman ako nang agad na masilayan ang ngisi niya.
"Dad, knock first before you open my door, okay?" I said.
"Why would I? You also did that to our room," he sarcastically said.
"Argh!" I shouted and rolled my eyes to him.
"Because you're not locking your room," wika ko pa rito.
"You also didn't lock your room," wika nito at saka tinuro pa ang pinto ko.
Mas lalo lang akong napasimangot dahil doon.
"What is it?" tanong ko sa kaniya.
"What is it?" tanong din nito sa akin.
Nangunot ang noo ko sa kaniyang tinanong. "Dad, are you copying me? Agh! I don't have time for jokes today—"
"Who's that?" he asked.
Nagpangunot ang aking noo. "Who?"
He smirked and sat down on my sofa which is just in front of me.
"Who made my daughter roll over her head and shout like she's frustrated about thinking of someone?" he asked and teased me.
I frowned. "Dad!"
He laughed. "Hindi mo maitatanggi sa akin 'yong nakita ko, Luna. Dumaan na rin ako sa ganiyan kaya alam na alam ko na ang mga kilos mo."
"Wala nga po," wika ko pa rito.
Umiling-iling siya at saka tumayo at lumapit sa akin. He ruffled my hair.
"Basta kung kailangan mo 'ko, nandito lang ako. Kapag sinaktan ka ng lalaking nasa isip mo ngayon, sabihin mo lang sa akin," sabi niya sa akin.
Ngumiti naman ako nang pagkalawa-lawak dahil doon.
"I love you, Dad," I said.
He kissed me on my forehead. "I love you too, my Luna."
Pagkalabas ni Daddy ng aking kwarto ay natulala naman ako.
Sino nga ba ang nasa isip ko at bakit naging ganoon ang naging akto ko? Nagiging weird na ako!
Nang makita ang isang litrato ay dahan-dahan akong tumayo at saka kinuha ito.
Hindi makapaniwalang natawa na lang ako habang pinagmamasdan ang mukha niya sa larawan na binigay sa akin ni Mommy.
Handa ba talaga akong gawin ang lahat para lang mapansin mo 'ko? Para saan ba ang pagpapansin ko?
Ginagawa ko ba 'to dahil nasanay ako sa atensyon mo dati at ngayon ay nami-miss ko na ito...?
Napangiti ako.
Halatang napilitan lang siyang magpalitrato rito dahil nakakunot pa ang kaniyang noo pero kahit na ganoon ay hindi pa rin matatago ang kaniyang gwapo.
"Give me your attention, Andrei."
Andrei's POV;
"Good job, bro! Hindi na namin maaagaw 'yang babae mo," Alexander said.
I just hissed.
"I already broke up with her," I said.
"What?!" he shouted.
Napatakip ako ng tainga dahil doon at saka walang emosyon siyang tinignan.
Kung may tape lang talaga na malapit sa akin ngayon ay kanina ko pa nalagyan ng tape ang bunganga nito!
Walang tigil sa pagsasatsat. Nakakainis!
"Bakla ka ba talaga, bro? Wala man lang tumatagal na babae sa iyo," pang-aasar nito at ngumisi.
I just looked at him blankly. As if I'm going to be annoyed by that.
"At least nagtagal, 'di ba? Naks! Lakas talaga," wika naman ni Henry.
"Hindi naman isang linggo ang tinagal!" sigaw naman ni Alexander.
"But it's his longest record of being in a relationship though?" James suddenly entered our chit-chat.
William hummed. "You have a point, bro."
I just shrugged and shook my head because of them.
"By the way, kumusta ang kiss? Masarap ba si Miss Beautiful?" Alexander asked.
I closed my eyes and tried not to look at him with my angry eyes.
F*ck! Because of that f*cking dare, I've lost my first kiss and gave it to a stranger! Completely stranger.
Well, her lips are soft though...
"Mukhang masarap nga, ah?" wika ni Henry at tumawa pa. Bakas sa boses nito ang pambabastos.
"Stop sexualizing her, guys," Adi said.
"Masyado ka yatang malapit kay Miss Beautiful. Alam mo ba pangalan niya?" Alexander asked to her.
Napamulat ako ng mata nang maramdaman ang tensyon.
"Even though, I know her name, what would you do? Would you ask for it? As if I'm going to tell you. You're such a jerk!" Adi shouted.
"Aba—" Napapikit ako at saka agad na pinigilan siya na suntukin si Adi.
"Pre, umalis ka riyan. Gustong makaisa. Kahit isa lang!" sigaw nito sa akin.
I looked at him emotionless. "If you don't stop it right now, I might be the one who'll punch you."
Natigilan siya dahil doon at saka inayos ang kaniyang uniporme.
"Pasalamat ka at nandiyan si Benedict para pigilan ako!" sigaw nito kay Adi at saka lumabas upang magpahangin.
I immediately leave the room without knowing it.
Mabilis kong tinapon ang aking gamit sa sala ng aking condo at mabilis na hinagis ang sarili sa sofa.
Maya-maya pa dumating na rin si Adi.
I looked at him with such confusing eyes.
"Why?" he asked.
"Didn't you just defend that girl too much?" I asked to him.
Napaismid siya at saka napangisi. "You don't know everything."
"Why? Is she your girl?" I asked.
He raised his eyebrows. "If she wants to, why not?"
I just shrugged and shook my head.
I didn't know that kind of girl would catch his attention.