Chapter 18

2155 Words
Matapos ang break time ay agad na akong bumaba papunta sa classroom. Napahinga ako nang maayos dahil wala pa sila sa loob kaya agad akong umupo at binuksan ang aking notes. Kahit na kaunti ang nakasulat dito, may mga aral pa rin 'no! Sadyang shino-short cut ko lang talaga... "Ang aga mo yata matapos sa pagkain, Chezka?" tanong sa akin ni ma'am habang nakatingin sa akin. Nasa kaniyang lamesa kasi siya at kumakain din gaya ng mga iilan kong kaklase na nandito. Ang iba kasi ay mas pinili na kumain sa labas. "Magre-review lang po, ma'am. Baka may pa-surprise test mamaya si sir," wika ko rito. Napatingin naman sa akin ang lahat ng mga kaklase ko na nandito. Hindi makapaniwalang mga tingin habang si ma'am ay muntik ng mabilaukan. Natigilan naman ako nang makitang kakapasok lang ni Vernice. Matiim na nakatingin sa akin. Mukhang narinig niya yata ang aking sinabi... "Maganda 'yan, Chezka," saad ni ma'am. Tumango na lang ako at saka nagpatuloy sa pagbabasa. Kahit na nagbabasa at kahit na malayo ang pagitan ng upuan namin sa isa't isa ni Vernice ay ramdam na ramdam ko ang titig niya. Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang aking buhok. Nagtali ako ng pa-messy bun at saka nagpatuloy ulit. Oo, alam kong pagdating sa seksyon isa ay usong-uso ang agawan at habulan sa grades pero mukhang pati rin yata rito sa seksyon namin, ah? Sa mga titig pa lang ni Vernice ay halata mo ng ayaw niyang ibigay sa akin ang pinanghahawakan niyang titulo. Napatingin ako sa bintana at saka pinagmasdan ang ulap dahil nasa ikatlong palapag naman kami kaya kitang-kita ko ito. May dalawa na akong rason para gawin ang plano ko. Una, ay para makuha ang atensyon ni Andrei. Pangalawa, ay para ipamukha kay Adi na kaya ko rin lagpasan si Andrei! "May iniisip ka?" Nagulat ako sa biglaang pagtatanong sa akin ni Simoun. "Ha? Uy! Kanina ka pa ba riyan?" tanong ko sa kaniya at saka umiwas na sagutin ang tanungin niya. Napasandal siya sa upuan na nasa harap niya. "May iniisip ka nga," wika niya. "Wala, ha!" saad ko rito. "Talaga lang?" tanong nito. "Wala nga..." bored kong wika at saka nag-poker face. "Doon ka na nga. Magre-review pa ako," wika ko at saka binuklat ulit ang kwaderno. "Ano?!" sigaw niya. "What?" tanong ko rito. Kailangan pa talagang sumigaw? Halos magkaharap lang naman kami, oh. "Ulitin mo nga 'yong sinabi mo. Mukhang nabibingi na yata ako," sabi niya. Napa-roll eyes na lang ako. "Tinatamad akong ulit-ulitin kung ano man ang nasabi ko." "Bili na!" pamimilit niya at nagpapadyak pa. Umiling na lang ako at saka nagbasa na. "Magre-review na raw siya," biglaang saad ni Julienne kaya napatingin naman ako sa kaniya. Eh...? Bakit mo sinabi?! "Hala ka!" sigaw naman ni Simoun at saka hinawakan ang dalawa kong braso at inalog-alog ako. "Hindi ka ba nasapian ng mabuting espirito o baka nilalagnat ka lang?" tanong nito at saka ni-check pa ang aking temperatura. "Kapag pinagpatuloy mo 'yang pag-aalog mo sa akin, sasapian talaga ako at sasakalin kita," sarkastikong saad ko sa kaniya at sinamaan siya ng paningin. Agad siyang napatanggal ng kamay sa aking katawan at napakamot sa batok. "Ay, sabi ko nga..." anito. "Che!" sigaw ko rito. Natapos lang ang aking pagbabasa nang dumating na si sir. Gaya ng ekspresiyon ni Simoun ay ganoon din ang naging ekspresiyon nila Sam, Vel at Krystal. Kahit na ayaw ko namang sabihin sa kanila ay wala na akong magagawa pa dahil kasama namin ang mga chismosa kong kaklase. "Magandang hapon," wika ni sir. "Magandang hapon din po," wika naming lahat sa kaniya. "Pakilagay na lang dito sa lamesa ang inyong takdang-aralin kahapon," wika nito. "Leaders, pakikuha ang notebooks ng inyong miyembro." Agad kong nilabas ang aking notebook at binuksan ang pahina kung saan sinagutan ko ang mga tanong. Napaisip-isip kasi ako kagabi. Kung gusto ko talagang makuha ang atensyon ni Andrei nang hindi mapapansin ng kung sino ay kailangan kong magsipag din. Mukhang groupings na naman yata ang gagawin namin ngayon, ah? Kapag kasi pinapakuha ni sir ang notebooks namin ay groupings ang nagiging kalabasan ng buong klase. Nagtaka at nagulat ang apat nang makita na dinala ko rin ang notebook ko sa lamesa. Mukhang magtatanong na naman sila mamaya, ah? "Lahat ba ay nakagawa?" tanong ni sir. Nagtaka ako at napasimangot nang halos lahat ay sa akin napatingin, kahit mismo si sir. "Sir, may gawa ako. Pinasa ko na po 'yong notebook ko riyan," wika ko. Napangiti naman si sir. "Maganda 'yan, Chezka. Ipagpatuloy mo lang." Tumango ako bilang tugon sa kaniyang sinabi. Ganoon ba talaga kagulat-gulat sa kanila ang paggawa ko ng takdang-aralin? Para sa akin ay hindi naman... "Angelo, pakilagay 'to sa lamesa ko roon sa classroom ko," wika ni sir. Agad naman tumayo si Angelo at saka sinunod ang utos ni sir. Mukhang excited yata siya, ah? May nabalitaan ako na may natitipuhan daw si Angelo sa seksyon narra, eh magkatabi lang naman ang seksyon narra at seksyon ni sir kaya siguro ganoon siya ka-excited. May panahon siya para masilayan ang kaniyang natitipuhan. "Sir, groupings po ba?" biglaang tanong ng isa sa mga kaklase ko. Umiling si sir. "Oral recitation tayo hanggang sa matapos ang klase." "Ah..." "Sir naman!" "Huwag..." Lahat ay nadismaya sa kanilang narinig, kahit na ako dahil sanay na kaming mag-groupings sa tuwing Filipino subject na. Lahat ay natahimik nang magsimula na siyang ilabas ang mini card kung saan nakalagay ang mga pangalan namin. Hinalo-halo niya ito at halos hindi ako makahinga nang magsimula na siyang magtawag ng pangalan. "Vernice," basa niya sa pangalan na nasa mini card. "Sir?" tanong ni Vernice at agad na tumayo. Binuksan ni sir ang kaniyang laptop ngunit hindi ito kinonek sa tv para hindi namin makita ang mga susunod pang tanong. "Vernice, ito ang katanungan para sa iyo," saad ni sir, "Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito'y mauuri bilang maikling kuwentong-?" "Ahm..." wika ni Vernice at nag-iisip pa ng isasagot. Si sir ay pinaglalaruan ang card na hawak niya habang pinagmamasdan si Vernice at habang nakatingin sa amin. "Wala po bang choices?" tanong ni Vernice. Nagulat ako sa kaniyang tinanong. Ito ang unang beses na nagtanong siya ng ganoon! Napataas ang kilay ni sir at napangisi. "Madali lang ang tanong, Vernice. Pinag-aralan lang natin ito noong nakaraang araw," wika ni sir. Bigla kong naramdaman ang tensyon nang maramdaman ang kaba ng mga kaklase ko. Ilang minutos na ang nakaraan ngunit wala pa ring nasagot si Vernice sa kaniyang tanong. "Okay, manatili kang nakatayo riyan," wika ni sir. "Sir, ihi muna ako," wika ni Angelo. Tumango si sir. "Go ahead." "Sir, ako rin po," sunod-sunod na wika ng mga kaklase kong lalaki. Napailing-iling na lang ako. Style nila bulok! Gusto lang makatakas sa recitation. "Sige. Magsiksikan kayo riyan sa banyo. Baka mamaya wala na rin ang grado niyo," saad ni sir. Sikreto akong napangiti. Rhyme 'yon, ah?! Agad naman nagsibalikan ang mga lalaki sa kanilang upuan na kanina lang ay nakapila sa harap ng pinto. Nang magsimula na ulit maghalo si sir ng card ay halos mapigilan ko na naman ang aking hininga. "Chezkaluna," banggit nito sa aking pangalan. Mabilis akong tumayo. Nagulat ang aking mga kaklase pati na rin ako nang aksidente kong mahampas ang aking lamesa dahil sa pressure na nararamdaman. Natawa si sir doon at saka inayos ang kaniyang salamin upang hindi mahulog. "Galit...? Galit?" tanong ni sir. Natawa ako at saka napailing-iling. "Hindi po, sir." "Okay," wika ni sir at saka sumeryoso ulit. "Anong sagot?" tanong niya nang hindi pa rin ako nagsasalita. Nagtaka naman ako sa kaniyang sinabi at napakamot sa aking ulo. "Same question pa rin po ba?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya. "Ang sagot po ay makabanghay," wika ko. Tumango-tango si sir. "Okay, buuin mo ang sentence." Nanlaki naman ang aking mga mata. "S-sir?" He laughed. "Biro lang. Tama ang sagot mo." Napahawak ako sa aking dibdib at nakahinga nang maayos dahil doon. Jusko! Akala ko talaga babanggitin ko pa kung ano 'yong tinanong niya kanina. Medyo confident naman ako sa aking sinagot dahil nabasa ko iyon kanina. Mabuti na lang at naisulat ko iyon sa aking notes at mabuti na lang ay nagbasa ako kanina. --- "Pwede na kayong huminga," biro ni sir. Lahat naman kami ay natawa dahil doon. Matapos ang Filipino subject ay nakahinga-hinga naman kaming lahat. Si Vernice ay nanatiling nakatayo hanggang sa matapos ang itatanong ni sir. Bawat tanong na ginagawa ni sir ay hindi niya nasagot. Dahil doon ay sinimplehan na lang ni sir ang tanong. "1+1=?" Lahat ay natawa nang marinig pa iyon, miski ako dahil akala namin ay nagbibiro lang si sir ngunit mukhang seryoso ito. Matapos itanong 'yon ni sir ay doon lang natapos ang klase niya. Nang matapos ang buong araw na klase ay nanatili kaming group 5 dahil kami ang cleaners ngayon. "Ayusin niyo 'yong upuan!" sigaw ko sa kanila habang nagpapakinis ng sahig. Mabilis akong napatingin kay Simoun nang marinig na nag-uurong siya ng upuan. "Huwag mo ilipat ang upuan ko! Huwag mo talaga subukan," pagbabanta ko rito. Tumawa naman siya. "Masusunod po, madam." Napa-roll eyes na lang ako sa kaniyang sinabi. "Ayos na ba?" tanong ni ma'am pagdating niya. "Opo," wika namin at saka sinuot ang mga bag. "Oh, lumabas na kayo roon. Isasara ko na 'tong classroom," wika niya. "Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ni ma'am. "Wala na po," wika naming lahat. Pagkalabas namin ay agad akong napatingin sa mga katabi naming classroom. Lahat ay sarado na bukod sa katabi naming seksyon na hanggang ngayon ay nagkaklase pa rin. "Kawawa naman sila," wika ni Simoun. Natawa naman ako nang bigla siyang batukan ni Krystal. "Ikaw talaga kahit kailan napaka mo!" sigaw nito sa kaniya. "Napaka ano?" tanong ni Simoun sa kaniya ngunit tinarayan lamang siya nito. "Umuwi na kayo," wika ni ma'am. Pagkasabi niya no'n ay nag-unahan kami sa pagbaba. Dahil sa bigat ng aking bag ay ako ang nahuli sa pagtakbo. Paglabas ng aming building ay naparaan pa kami sa senior high building dahil doon ang papunta para sa parking lot. Napahawak ako sa aking tuhod nang hingalin ako. Napatingin na lang ako sa kanila na patuloy nang lumalayo. Masyadong maaga pa naman kaya naman hindi ako natatakot mag-isa. Napahinga ako nang maayos at saka tatakbo na sana nang matigilan dahil may narinig akong umiiyak. Noong una ay sinubukan ko na huwag pansinin ito ngunit dahil sa kursyudad ay sinundan ko ang pinangagalingan ng tunog na ito. Napahinto ako nang makarating sa likod ng building ng senior high. Sa tapat mismo ng bodega nito. Ang classroom na kasi na ito ay ginawa na lang bodega dahil hindi rin naman nagagamit. Sinubukan kong hindi gumawa ng ingay at tahimik na nakinig sa kanilang usapan. Bro, alam kong mali 'to pero once in a lifetime lang naman, oh! "Andrei, please huwag naman ganito, oh! Don't leave me," wika ng babae at saka nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi pamilyar sa akin ang boses. Andrei...? Iba sigurong Andrei ang tinutukoy niya. "Don't f*cking call me on that name," malamig na tugon ng lalaki. Napalunok na lang ako ng boses nang makumpirma na si Andrei nga iyon. Lahat pala ng rumor ay totoo at sadyang hindi ko lang iyon pinaniniwalaan. "Please!" sigaw ng babae. Hindi ko nakikita kung ano ang ginagawa nila at kung ano pwesto nila ngayon dahil nanatili ako sa gilid nila. "Just go! You're too ugly as f*ck. You're so corny and you're a w***e," wika pa nito. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa mga salitang binitawan niyang iyon. Ang sakit naman no'n! Below the belt na 'yon, ah? Wala na akong narinig pang salita ng babae at tanging hagulgol na lang ang narinig ko. Sinubukan ko silang silipin at napalunok ulit ako ng aking laway nang makita na nakaluhod ang babae habang malamig na nakatingin sa kaniya si Andrei. Nanlaki ang aking mga mata nang magtama ang aming paningin ngunit mas lalo akong nagulat nang biglang may humila sa aking braso paharap. "A-uhm!" muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat ngunit nang makita na si Sam ito ay napakalma naman ako kaagad. He hushed. Nang makita ko ang kaniyang pawis na tumutulo sa kaniyang noo ay doon ko napag-alaman na kinakabahan na siya. Marahil ay ayaw niyang mabuking kami. Well, bakit nga ba siya nandito?! Kung may dapat na mabuking ay ako lang 'yon at hindi na siya kasama roon. Adi's POV; Nandito ako sa taas ng puno habang hawak-hawak ang alaga kong pusa. Bored kong pinagmamasdan at pinanonood ang dalawa na nagda-drama. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ang magagawa ko lang ay pagmasdan kung ano man ang gustong gawin ni Andrei. Well, aware naman siya na nandito ako at lagi ko siyang pinagmamasdan kaya hindi ko na kailangan pang mag-alala. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang mapansin si Luna na halatang nakikinig sa usapan nila. Anong ginagawa niya rito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD