Paggising ko sa umaga ay dali-dali akong naghanda papunta sa school.
Habang kumakain ay ilang beses akong napalunok ng kanin dahil sa mga titig ni Daddy.
"Ayos na ba kayo ni Sam?" biglaang tanong niya kaya halos mabilaukan ako dahil sa pagkagulat.
Agad din naman akong binigyan ng tubig ni Mom.
Nagtataka man ay sumagot ako sa kaniyang tanong. "Opo."
Paano niya nalaman na hindi kami magkaayos ni Samuel? Sinabi ba ni Mommy? Pero paano naman 'yon malalaman ni Mommy? Sinabi ba sa kanila ni Sam iyon? Pero imposible, e. Kung sinabi niya, e 'di sana ay wala pang isang linggo ay nagkaayos na kami.
"It's all written on your face so go, ask about your question," Dad said.
Napatingin naman ako sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako matapos makita na seryoso siya.
"Paano mo nalaman, Dad?" tanong ko sa kaniya.
Tinaas niya ang kaniyang kilay na animo'y hindi naintindihan nang maayos ang aking tanong kaya napa-roll eyes na lang ako.
"Paano mo nalaman na hindi kami magkaayos?" tanong ko rito.
"Paanong hindi ko malalaman? E, isang linggo ka lang naman na nagmukmok sa kwarto mo at panay ang buntong hininga," wika niya.
Napasimangot na lang ako nang mapansin ang pagkasarkastiko sa boses niya. Natawa naman si Mommy dahil doon.
Matapos nila akong asarin na dalawa ay agad akong nagpunta sa school.
Hindi pa naman masyadong late at hindi rin naman masyadong maaga. Sakto lang ang pasok ko.
"Good morning, manong guard!" bati ko sa kaniya.
Mukhang busy yata ang SSG officers kaya hindi sila ang nagbantay ng gate ngayon.
"Good morning, Chezka!" bati sa akin nito pabalik.
Nginitian ko lang ito pabalik.
Pagpasok ko ay napapikit ako dahil sa ihip ng hangin na sumalubong sa akin.
Bago pa man ako pumasok sa paaralan ay nag-reply na sa akin kanina si Sam nauna na raw siya sa classroom kaya hindi na ako nage-expect pa na may yayakap sa akin pagpasok ko.
Pagmulat ko ng aking mata ay nangunot ang aking noo nang masilayan sa floor ng building namin si Andrei na naglalakad.
Napalunok naman ako dahil doon.
"Bro, sana naman hindi kami magkabunggo ni Andrei, oh! Kahit ngayon lang, please?" dasal ko sa aking isipan.
"Hoo! Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili at saka nagsimula nang humakbang papunta sa aming building.
Nasa hagdan pa lang ako ay nagtaka na ako dahil ang mga babae sa harapan ko ay biglang napakapit sa railings.
May lindol ba? Pinakiramdaman ko ang paligid ngunit wala naman kaya nangunot ang aking noo at saka nagpasiya na tingnan kung sino ang tinitignan niya.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang G6!
Pambihira! Kaya naman pala mukhang naglaglagan ng panty 'tong mga babae sa harapan ko, e.
Nanatili ako sa likod ng mga babae at hindi sinubukan na umakyat kaagad upang hindi kami magkasalubungan.
"Para akong nagtatago! Sino ba ang tinataguan ko? Tsk!" isip-isip ko.
Ngunit ang planong 'hindi kami magkasalubungan' ay mukhang nasira dahil isa sa mga babae na nasa harapan ko.
Biglang natalisod ang babae na nasa harapan ko dahilan upang matulak ako patalikod at pababa ng hagdan.
"Wah!" sigaw ko at nagulat dahil bago ko pa man mahintay ang paghulog ko ay agad na may humila ng aking mga kamay at saka hinawakan ang aking baywang.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita na si Andrei iyon.
Dahil sa paghila niya sa akin ay ang mga babae ang nahulog, imbes na ako. Well, dapat lang naman 'yon sa kanila! Kaaga-aga lumalandi.
"Ah-eh," bago pa man ako makapagsalita ay agad niyang binitawan ang kamay ko at saka nagpatuloy sa pagbaba kasama ang lima.
Nakita ko pa si Adi na tanging ngiti lang ang ginawad sa akin.
Nang tignan ko naman ang mga impakta na nasa tagiliran ko ay lahat sila ay masasama ang titig sa akin.
"Papansin ka talaga kahit kailan!" sigaw ng isa sa kanila.
I looked at her from head to toe. "Echosera! Nahiya naman ako sa inyo, 'no."
Nag-flip hair pa ako sa kanila at saka patakbong umakyat sa aming classroom. Pagpasok ko roon ay halos habulin ko ang aking hininga.
Hindi naman ganoon kalayo ang aking tinakbo dahil tabi lang ng aming classroom ang hagdan ngunit grabe tumibok ang aking puso! Tila may hinahabol ito sa bilis.
"Ayos ka lang ba?" bungad na tanong ni Sam.
Nilagay ko ang aking palad sa kaniyang mukha ngunit hindi ko naman 'yon dinikit.
"Oo naman. Napagod lang ako sa pag-akyat sa hagdan," wika ko.
"Looks like both of you are now okay," sarkastikong saad ni Vernice.
Napataas ang aking kilay at nangunot ang aking noo dahil sa biglaang pagsingit nito sa aming usapan.
"Akala ko ba sa pag-aaral ka lang may pake? Looks like you already have a care to us. Libre ang chismis, gusto mo ba pasahan pa kita?" sarkastikong wika ko rin sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin dahil doon ngunit bago ko pa man siya masugod ay agad akong pinigilan ni Sam.
"Tama na 'yan, Luna. Dapat hindi ka pumapatol sa pang-low class ang mga ugali," saad ni Sam at agad akong hinila.
"Boo!" bulong ko rito nang maparaan ako sa kaniya.
Nagpapadyak lamang itong umupo sa kaniyang upuan ngunit nanatili pa rin ang masamang tingin sa akin.
Iyon ang dahilan kung bakit walang nagiging kaibigan si Vernice, e. Oo, maganda siya at matalino ngunit mataas ang kaniyang pride at matapobre.
Bukod doon ay mataray pa ito at laging pinapalayo ang mga tao sa paligid niya dahil 'nakikipag-kaibigan lang daw sila sa kaniya dahil MATALINO siya'.
O, 'di ba? Hindi lang mataas ang pride, echosera pa!
Nagulat ang lahat nang pumasok si Shanthal ng tumitili at saka agad na dumiretso sa akin kahit na hindi pa nalalapag ang kaniyang bag sa kaniyang upuan.
"Ano 'tong nabalitaan ko, be?!" sigaw niyang patanong sa akin.
Nag-sign naman ako na tumahimik siya ngunit huli na dahil narinig na mismo ng katabi ko.
"Ano 'yon?" tanong ni Sam.
"So, ito na nga ang chimis! Mainit-init pa," saad niya.
Napahawak na lang ako ng noo at saka umiwas sa mga titig nila. Dahan-dahan kong niyuko ang aking noo habang nanatili ang kamay sa noo.
"Sinalo ni Fafa Benedict si Ate Chezka mo! Dapat kasi mahuhulog na raw si Chezka pero biglang sinalo ni Fafa!" sigaw nito at nagtitili-tili pa.
Napatakip naman ako ng tainga dahil doon at tuluyan ko na ngang tinakpan ang aking mukha dahil sa kahihiyan.
Oo, ine-expect ko na kakalat ang balita na 'yon ngunit masyado naman yatang mabilis ang pagdating ng balita rito!
"Paano mo naman nalaman?" tanong ni Sam at ramdam na ramdam ko ang mga titig niya.
"Nakita mismo ng dalawa kong mata, Samuel! Kung nandoon ka lang, naku! Iyong mga titig nila sa isa't isa ay pang k-drama," sigaw ulit niya.
Napalunok na lang ako ng laway dahil sa kaniyang sinabi.
Kaya naman pala! Kapag si Shanthal talaga ang nakakita, asahan mo na kakalat agad ang chismis. Agad-agad!
Pag-angat ko ng aking mukha ay bumungad sa akin si Samuel na seryoso ang titig ngunit agad akong natawa nang makita si Simoun na nasa likod niya na may nakakalokong tingin.
"Loko talaga!" bulong na sigaw ko.
"What?" biglang tanong ni Sam.
Napataas ang aking kilay at napailing-iling. "Hindi ikaw ang tinutukoy ko, huwag kang mag-alala."
"So, lubog na pala ang KaSam?" singit sa amin na usapan ni Angelo.
Shanthal shrugged. "Parang ganoon na nga. Basta may bago na akong ship! Introducing our campus ship, BeneNa."
Natigilan ako sa kaniyang sinabi at maya-maya ay umusbong na ang tawanan sa buong classroom. Kahit mismo ako ay natawa.
Ang baduy! BeneNa?! Seryoso ba sila? Wala bang mas maayos-ayos?
"Baduy!" sigaw naman ni Simoun.
"What if 'ChezDict'? That's way better right?" wika ni Krystal.
"Yeah, maganda nga 'yan pero hindi para sa mga green minded, 'no," wika naman ni Rose.
"You know, when you pronounce it... it sounds Chezdi—, just like that." Lahat kami ay natawa dahil sa pagputol niya ng salita at pagtikom ng kaniyang bibig.
"Ano kaya kung 'KaEi'?" bigla kong suhestiyon sa kanila.
Nagtaka ako nang lahat sila ay napatingin sa akin. Nang ma-realize ay doon na lang ako napatakip sa aking bibig.
"I mean—" Bago pa man ako makapagpaliwanag ay pinutol na ni Shanthal ang aking sasabihin.
"Hep-hep!" sigaw niya.
"Hooray!" sigaw naman ng boys kaya lahat ulit ay natawa.
Napamewang naman siya ay tinitigan nang masama ang mga boys.
"Ikaw, Chezka, ha! Gusto mo rin pala na shini-ship ka namin sa kaniya," pang-aasar pa nito.
"That's not i—"
"Okay, we'll go for 'KaEi'. Its sound cute though," ngiting wika nito at nag-flying kiss pa sa akin bago pumunta sa kaniyang upuan.
Sinandal ko ang aking braso sa bintana at tumingin sa labas.
Hindi ko naman ine-expect na sabihin 'yon. Kasalanan ba ng utak ko kung nag-isip ito ng mas magandang ship name kaysa sa mga sinasabi nila?
Napabuntong hininga ako at napasimangot.
Itutuloy ko pa rin ba ang balak ko? Hanggang ngayon ay pinaplano ko pa rin ito.
"Anong problema?" tanong ni Sam.
Humarap ako sa kaniya at pinagmasdan ang mukha niya. Umiling naman ako bilang tugon sa kaniyang tanong.
Walang mabuting maidudulot kung pati iyon ay sasabihin ko kay Sam. Wala naman na kasi akong dahilan para gawin 'yon at sigurado akong paulit-ulit niya akong kukulitin tungkol dito.
Isasarili ko na lang muna ang plano ko.
---
Pagdating ng break time ay hindi ako sumama kanila Sam sa canteen. Sinabi ko na tinatawag na ako ng kalikasan ngunit isa iyong pagsisinungaling.
Agad akong nagtungo sa roof top at napangiti nang bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin.
For some reason, this place has been my home. I felt at home when I came to this place.
Pagmulat ko ng aking mata ay nagpangunot ang aking noo.
"Bakit ka na naman nandito?" tanong ko kay Adi.
"Hindi naman sa iyo 'tong rooftop kaya wala kang karapatan na tanungin ako niyan," wika nito.
Pumunta ako malapit sa railings at saka tinitigan siya ng masama.
"Tsk!" angil ko.
Binuksan ko ang aking lunchbox habang siya ay pinagmamasdan lang ako. I felt bad about it that's why I gave some fruits to him.
"Salamat," aniya.
Tumango na lang ako.
Habang nginunguya ang aking pagkain ay napatingin ako sa malayo at napabuntong hininga.
"May problema ka, right?" tanong nito.
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Kung makaasta siya ay parang kilalang-kilala niya ako.
Natawa siya at napamulsa. "Nababasa ko lang kung ano ang sinasabi ng mukha mo so speak up. Hindi naman ako 'yong tipo ng tao na mahilig magsabi ng sikreto sa iba."
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa dahil sa kaniyang sinabi. Sinusuri ang bawat detalye ng katawan niya, kulang na lang ay suriin ko na rin ang kaniyang kaluluwa.
Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya, e. Ayos lang naman siguro kung sasabihin ko sa kaniya ang plano ko? Isa pa ay kaibigan niya rin si Andrei kaya baka'y matulungan niya ako.
"Plano ko sana gantihan si Andrei," wika ko rito at saka kinain ang pagkain na kakasandok ko lang.
Nangunot ang kaniyang noo at natawa. "Plano mo bang dagdagan ang pasa niya sa mukha?"
Natigilan ako dahil doon.
Oo nga... hindi ko 'yon napansin kanina ngunit naalala ko na sinuntok siya ni Sam.
Mas lalo akong napasimangot. Mukhang wala na talagang dahilan para ituloy pa ang plano ko.
"Siyempre, hindi 'no! Hindi ako pinalaking ganoon," wika ko, "Plano ko lang naman siyang lagpasan sa pagiging top-notcher niya."
He smirked and looked at me from head to toe. That really irritated me.
"Kaya mo ba?" tanong nito.
"Siyempre, ako pa ba?!" proud kong sigaw dito.
Humarap siya sa tanawin kaya tanging side ng mukha niya ang nakikita ko.
"I don't think you can. He's really good academically," wika nito.
Mas lalo akong napasimangot. "Alam ko naman 'yon pero may isa pa akong dahilan..."
Agad akong napatakip ng bibig nang agad ko iyon masabi. Napatingin naman siya sa akin dahil doon.
"What is it?" he asked.
Wala na akong magawa kun'di mapabuntong hininga.
"I want his attention," seryosong wika ko.
Mula sa seryosong mukha niya ay agad na nagbago ito at kulang na lang ay mamula na siya kakatawa na kinainis ko naman.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko, ha?!" inis kong tanong sa kaniya.
"Akala ko iba ka sa mga babaeng nakalandian niya ngunit mukhang wala kang pinagkaiba."
"Luh! Iba ang ibig kong sabihin sa 'atensyon', okay? Basta! Masyadong pribado para ipaliwanag sa iyo," wika ko rito.
Hindi ko naman siguro agad-agad pwede sabihin na si Andrei ay childhood best friend ko. Sigurado akong tatawanan niya lang din ako at hindi paniniwalaan.
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain nang ma-realize ang huli niyang sinabi.
Nakalandian...? So, totoo pala ang mga sabi-sabi.