Chapter 16

1982 Words
"Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanilang apat. "Kakausapin ka raw ng dalawa," wika ni Krystal at tinuro sina Vel at Sam. Napatingin naman ako sa kanila at saka tinuon ulit ang paningin kanila Simoun at Krystal. "Sila lang pala ang kakausapin ko, eh bakit pa kayo nandito?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Aray, ha! Kung makapagsalita ka ay parang bwisita ang tingin mo sa amin," makabuluhang wika ni Simoun. "Nye! Nye!" pang-aasar ko sa kaniya. Ngumiti ako kay Krystal. "Hintayin mo na lang kami mamaya rito. Pwede ka naman manood ng t.v kung gusto mo." Ngumiti rin sa akin si Krystal. "Salamat." Tumingin ako sa dalawa na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. Tumikhim ako. "Let's talk inside the study room," malamig na wika ko sa kanila at saka nagsimulang umakyat ulit ng hagdan. "Wah!" sigaw ni Simoun. "Paano naman ako, Chezka? Ganiyan ka na, ha!" Natawa naman ako sa kaniyang sinabi. Huminto ako sa pag-akyat at binaling ang tingin sa kaniya. "Bahala ka sa buhay mo," pang-aasar ko pa lalo. Napasimangot na lang ito sa aking sinabi. Pag-akyat namin sa study room ay nanatiling tahimik ang dalawa. Tinaasan ko ng kilay si Reinavel nang tumingin ito sa akin. Hindi ko na rin naiwasan na pagmasdan silang dalawa mula ulo hanggang paa. Iyong mga suot nila ay parang nangangapit-bahay lang, ah? Paano ba naman kasi ay naka-pajamas lang sila? Nagulat ako nang maya-maya ay biglang sumigaw si Vel at niyakap ako. "Wah! Sorry na nga, bes. Huwag mo na ako titigan ng ganiyan, please," sabi niya sa akin at niyakap-yakap pa ako. Nagulat naman ako roon. Nang makitang natatawang napailing-iling si Sam ay napangiti na rin ako. Ngayon ay alam ko na talagang ayos na ulit kaming tatlo. Niyakap ko rin si Vel. "Alam mo naman na 'yang mga titig mo ang kahinaan ko, 'di ba? Halos maiyak na ako dahil akala ko ay nija-judge mo ako!" sigaw pa sa akin nito. Sinandal ko ang aking likod sa upuan at ni-crossed ang mga braso. Ngumisi ako pagkatapos. "Jina-judge nga kita," pagbibiro ko. "Huwag ka namang ganiyan, oh!" naiiyak na saad nito. I giggled and hugged her again. "Tandaan mo, kahit na anong judgement ko sa iyo, hanggang sa isip ko na lang 'yon." Ramdam ko namang napasimangot siya na kinatawa ko. "But you're still judging me though?" tanong nito. Humarap ako sa kaniya at binigyan siya ng pang-aasar na tingin. "Hindi naman talaga 'yon maiiwasan dahil parte na iyon ng pagiging Pilipino," wika ko. "Ewan ko sa iyo!" sigaw nito, "Hmp!" Pinag-crossed pa niya ang kaniyang dalawang kamay at umiwas ng tingin sa akin. "Hanggang kailan kayo magbabangayan?" tanong ni Samuel. "Sam, oh!" sumbong naman ni Vel. Inosente namang tumingin si Sam kay Vel na dahilan upang mas lalo akong matawa. Lumapit sa akin si Sam at nilapit ang kaniyang bibig sa aking tainga. Ito ang dahilan upang maramdam ko ang mainit niyang hininga na dumapo sa aking leeg nang bumulong siya. "I'm sorry, Luna," he whispered. Nilagay niya ang kaniyang ulo sa aking braso at saka niyakap ako. "I'm really sorry," wika nito. "Hindi kita mapapatawad hangga't hindi mo sinasabi kung ano ang dahilan ng galit mo sa akin. Kay Vel, alam ko ang dahilan. Iyong sa iyo, ano?" tanong ko sa kaniya. Iniangat nito ang kaniyang ulo at saka nag-iwas ng paningin. "Kailangan pa ba iyon?" tanong nito. "Oo naman. Para naman mapanatag ang isip ko, 'no," wika ko sa kaniya. Napahawak siya sa kaniyang batok. "Nakakahiya..." "Mas nakakahiya kung hindi mo sasabihin." Nakapamewang na saad ni Vel. Dahil doon ay nag-apir naman kaming dalawa. "Nagtampo lang naman kasi ako no'n sa iyo gawa ng akala ko ay late ka na pumasok kaya hinintay kita, 'yon pala ay nasa classroom ka na kaya ang kinalabasan ay ako ang na-late," paliwanag niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Seryoso ba siya?! Iyon ang dahilan kung bakit nasaktan niya pa ako ng araw na iyon? Iyon din ang dahilan kung bakit halos isang linggo kaming hindi nagpansinan?! "Magso-sorry naman na dapat ako sa iyo ngunit paglabas ko ng classroom ay wala na kayo ni Simoun," wika nito. Bago pa man ako makapagsalita ay biglang umapir si Vel at saka napakagat sa kaniyang labi. "Ay, oo nga pala!" sigaw nito habang nakapamewang pa rin. "Alam mo ba na galit na galit 'yan nang malaman na nagda-date kayong dalawa." Nanliit naman ang mga mata ko kay Samuel nang magsumbong sa akin si Reinavel. Halos hindi naman niya matitigan ang mga mata ko. "Bakit ka nagalit? Eh, kahit ikaw rin naman ay dina-date ko, ah? Friendly date lang 'yon, FYI," pagpapaliwanag ko sa kaniya. Napasimangot na lang ito dahil sa aking sinabi. Natigilan kami sa pagchi-chikahan nang may kumatok. Agad kong binuksan ang pinto at nagulat ako nang makita na si Mommy ito. "Hello, Reinavel at Sam." Ngiting bati niya sa dalawa. "Hello po, Tita," bati nila kay Mom. "Pwede ba na hiramin muna si Chezka sa inyo?" tanong niya sa kanila. "Opo naman." "Sure." Sabay na saad nila. Paglabas namin ng study room ay nagtataka akong tumingin kay Mommy. "Bakit po, Mom?" tanong ko sa kaniya. "May ipapakita lang ako sa iyo," saad nito. Nagtaka ako nang magpunta kami sa basement ng bahay. "Bakit po tayo nandito?" tanong ko ulit sa kaniya. "Halika rito," wika nito. Bukas naman ang ilaw kaya hindi na ako nahirapan na iwasan ang ilang malalaking kahon na nakaharang sa daraanan ko. Tinakpan ko rin ang aking ilong gamit ang aking kamay dahil medyo maalikabok dito. "Look," wika ni Mom at binigay sa akin ang isang picture frame. Nang hawakan ko ito ay nangunot ang aking noo. "Kanino po 'to?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko gaano makita ang picture dahil masyadong nasisilawan ng ilaw ito. "Binigay iyan sa akin ng Tita mo noong nakaraang taon. Nakalimutan ko lang ipakita sa iyo. Mabuti na lang pala at naglinis ako ng basement," paliwanag niya. Nangunot ang aking noo. Sinong Tita ang tinutukoy ni Mommy? Inayos ko ang aking postura at saka tinignan nang mabuti ang picture. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nandoon. "Woah!" sigaw ni Mommy dahil bigla ko itong nahulog. Mabuti na lang at mabilis niya itong nasalo. "S-sorry po, Mom," paghingi ko ng tawad sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. "Ayos lang." Sinubukan ko ulit tignan ang picture at napapikit na lang ako nang mariin at sinigurado ng aking utak na hindi nga nagkakamali ang aking nakita! "Bakit?" Ngunot-noo na tanong sa akin ni Mommy. Nilawayan ko ang aking labi dahil nanunuyo na ito. "Sino po ang nasa picture frame?" "Hindi mo na ba natatandaan? Sabagay, sobrang tagal na rin," saad nito, "Siya 'yong childhood best friend mo na kasama mo sa picture frame na nasa kwarto mo." "Ano po pangalan niya?" mabilis kong tanong pagkatapos niyang magsalita. Sana nagkakamali lang ako ng iniisip!. Nangunot ulit ang noo ni Mommy at hindi makapaniwalang tinignan ako. "Si Andrei Benedict Mendez. Nakalimutan mo na ba?" tanong nito. Napalunok naman ako ng laway dahil doon. Umiling-iling na lang ako sa sagot ni Mommy at saka nagdahilan sa kaniya upang agad na makalabas sa basement. Pagkalabas ko sa basement ay agad akong nagtungo sa banyo at naghilamos ng mukha. Pagkahilamos ko ay agad akong tumingin sa salamin at ilang beses na sinampal ang sarili. "What the—" Muntik pa akong sumigaw dahil sa frustration. Mabuti na lang ay agad ko rin natakpan ang aking bibig. Alam ba ni Andrei? Alam niya ba 'yon kaya niya ako hinalikan?! Napahilamos ulit ako ng mukha ko. Grabe! Pwede pala mangyari sa totoong buhay ang mga napapanood kong drama. Kung dati ay napapanood ko lang, ngayon nangyayari na sa buhay ko! Did he do that on purpose? Ginawa niya ba 'yon para maalala ko siya? Nagulo ko na lang ang aking buhok dahil sa dami ng tanong sa aking isipan. "Gulong-gulo na ako," wika ko sa kaniya. Ngayon na ayos na kami nina Vel at Sam, itutuloy ko pa rin ba ang plano kong agawin sa iyo ang pagiging top-notcher mo? Ngayon na nalaman ko rin na isa ka sa matalik kong kaibigan, may dahilan pa ba para ituloy ito? "Ah!" mahinang sigaw ko at ilang ulit na sinampal-sampal ang sarili. "Tandaan mo, Chezka!" sigaw ko at saka tinitigan ang sarili sa salamin. "Siya ang dahilan kung bakit hindi ka na nagkakaroon ng tahimik na pag-aaral ngayon." Simula kasi nang halikan niya ako ay maraming babae ang naghahamon sa akin. Hindi ko naman pinapatulan dahil wala naman iyong patutunguhan. Matapos maghilamos ng halos ilang ulit at saka ako lumabas. "Ha!" sigaw ko nang bumungad sa labas ng banyo si Simoun. Napahawak pa ako sa aking dibdib sa gulat. "Ilang beses mo ba kinuskos 'yang mukha mo at nagmumukha ka ng nakakain ng maanghang?" tanong nito. Sinamaan ko siya ng tingin at saka sinuntok sa dibdib. Sakto lang naman ito at hindi ganoon kalakasan. Nilagpasan ko siya at saka nagtungo na sa sala. "Ayos ka lang ba?" bungad na tanong sa akin ni Vel habang nakakunot ang noo. "Oo naman," wika ko sa kaniya. Ngumiti ako sa kanilang apat upang magbigay ng senyas na ayos lang ako. "Anong ginawa niyo ni Tita?" tanong ni Sam. "May pinakita lang siya sa akin," wika ko rito. "Ano naman 'yon?" tanong naman ni Krystal. Naupo ako sa tabi nila at saka nanood din ng tv. "Isang picture frame," wika ko. "Sino naman ang nandoon?" tanong naman ni Simoun. Nanliit na lang ang mata ko at saka napabuntong hininga. Kailangan talaga lahat ay itatanong? Tapos kailangan isa-isa pa? "Childhood best friend ko," wika ko. "Ay, sino 'yan?" sabay na tanong ni Krystal at Reinavel. Ramdam ko naman na biglang napatingin sa akin si Sam samantalang ako ay pokus pa rin ang mata sa pinapanood. Sam is my childhood best friend, yes, but he's not the one I'm talking about. Sana hindi nila 'yon ma-misinterpret. Hindi ko rin naman kasi pwedeng sabihin kung sino at baka magka-issue pa kami lalo ni Andrei. "Manood na lang tayo," pagbabago ko ng topik. Hindi naman na sila agad nagtanong at saka patuloy na nanood. Matapos ang tatlong oras ay agad na nagsiuwian ang tatlo. "Mag-ingat ka," pagpapaalam ko kay Simoun. Kanina pa nakaalis ang tatlo dahil malayo-layo pa ang bahay nila. Ihahatid naman sila ng driver ni Sam kaya hindi ko na kailangan mag-alala pa. He giggled. "Malapit lang bahay ko, oh. Hindi mo na kailangan mag-alala." "Kahit na," inis na wika ko rito. Hindi na ito tumugon pa at saka ginulo na lang ang buhok ko. Nang magsimula siyang maglakad ay hindi ko ginalaw ang aking katawan. Ni-hindi ako humakbang palayo upang pumasok sa bahay. Humarap ito sa akin at saka inangat ang kaniyang kamay na parang pinaalis ako tulad ng isang aso. Pinakyuhan ko naman siya dahil doon. Kahit na nasa malayo ay halata ko na natawa ito dahil na rin sa dimples niya. Nanatili lang ako sa gate ng bahay namin hanggang sa makapasok siya sa bahay nila. Pagpasok niya ay doon ko lang sinara ang gate at saka patakbong pumasok sa loob. Hindi ko naman kasi hahayaan na may mapahamak sa isa sa mga kaibigan ko, lalaki man o babae, pareho ay kailangan ng mga protekta. Pagpasok ko ng aking kwarto ay nangunot ang aking noo dahil agad kong napansin ang isang picture frame. "Bakit nandito ang picture frame na ito?" Ngunot-noo na tanong ko sa sarili. Nagulat ako nang biglang magsalita si Mom sa likod ko. "Nilagay ko rito 'yan kasi hindi ko alam kung saan pa ilalagay 'yan," saad ni Mom. "Eh, pwede naman po sa sala," sabi ko sa kaniya at napasimangot nang umiling-iling na lang siya bilang tugon. "Baka po akalain ng mga tao na papasok sa aking kwarto ay may gusto ako sa lalaking ito," wika ko at dinuro-duro si Andrei. Mom giggled. "Bakit? Wala nga ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD