Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako nagagawang mapatawad ng dalawa dahil hindi nila ako binibigyan ng tiyansa na magpaliwanag.
Sa loob ng isang linggo na iyon ay halos pagtinginan ako ng mga babae sa campus namin dahil sa kung anong nangyari.
Mabilis na kumalat ang isyu at mayroon pa ngang mga post sa social media, mabuti na lang at nagawang ipa-take down ng school para na rin sa protection at privacy ko.
Hindi naman nagawang mapa-guidance ang gàgong humalik sa akin dahil Tita niya raw ang may-ari ng school.
Kung pwede lang! Kung pwede lang na suntukin siya nang pagkalakas-lakas ay nagawa ko na pero hindi ako ganoong klase ng tao. Hindi ako marunong manakit kahit ano pang kahihiyan ang ibigay nila sa akin.
Napabuntong hininga ako at saka pinagmamasdan ang magandang tanawin na nasa harap ko.
Nitong mga nakaraang araw lang ay naglabas ng announcement ang school namin. Sabi nila ay mas pahahabain na ang oras ng klase dahil doon ay pwede na rin daw kaming lumabas sa oras ng recess dahil break time rin naman daw namin iyon.
Nakahawak ako sa railings habang hinahayaan na tangayin ng hangin ang hibla ng aking mga buhok.
"Nandito ka rin pala." Nagulat ako sa biglaang pagsasalita kaya agad akong napaharap sa aking likuran.
Nangunot ang noo ko. "Adi?"
He giggled. "Yes?"
Hinayaan ko lang itong lumapit sa akin. Pagkalapit niya ay agad ko ulit tinuon ang paningin sa tanawin.
Sumandal din siya sa railings at tumingin sa tanawin na tinitignan ko.
Nandito kami sa rooftop ng school.
Sa gitna ng katahimikan ay napili ko itong sirain.
"Bakit ka nandito? Para pagtawanan ako? O para tumingin sa akin gaya ng tingin sa akin ng iba," wika ko sa kaniya.
Nakita ko sa aking peripheral vision na tumingin ito sa akin.
"Kung gagawin ko 'yan, sana ginawa ko na kanina pa," saad din nito.
Tumingin naman ako sa kaniya habang may inis sa mga mata.
"Then, what are you doing here?!" inis na tanong ko rito.
Ngumiti lang ito sa akin. "Tinitignan ang magandang tanawin," wika niya at hindi man lang inaalis ang titig sa akin.
Sa pagtitig ng aming mga mata ay tuluyan nang pumatak ang luha na matagal ko nang pinipigilan.
Kahit kay Simoun ay hindi ko magawang umiyak, ang tanging sinasabi ko lang ay 'ayos lang ako' kahit na hindi naman talaga.
"Kasalanan 'to ng tropa mo, e!" sigaw ko sa kaniya at hindi na napigilan ang paghikbi.
Tinuro-turo ko siya at hinayaan niya lang ako sa aking mga ginagawa.
"Kasalanan ito ng bwisit na Benedict na 'yon!" sigaw ko ulit.
Agad kong tinanggal ang hibla ng buhok na dumikit sa aking pisngi dahil sa lakas ng hangin.
"Paano ko maaayos ngayon ang pagkakaibigan namin? I don't have anyone except for them..." I murmured.
Napatingin ako sa mga mata niya ngunit mas lalo akong napaiyak nang wala man lang akong makita na kahit anong judgement sa kaniyang mga mata.
"Bakit hindi ka galit sa akin? Anong rason?!" tanong ko sa kaniya at hindi na napigilan na pagtaasan siya ng boses.
Natigilan lang ako sa aking panginginig dahil sa galit nang tapikin niya ang aking ulo.
"Naiintindihan kita, Luna. Naiintindihan ko ang nararamdaman niyong pareho," wika nito.
I tilted my head. "What do you mean?"
"Gaya mo, may rason din si Dre kung bakit niya 'yon ginawa."
"Kahit na! Sa rason niya bang 'yon ay may nasira? Wala, 'di ba? Paano naman sa akin? Marami!" sunod-sunod kong wika sa kaniya.
Tumingin siya sa malayo. "Hindi ka sigurado riyan, Luna."
Bago pa man ako makapagsalita ulit ay nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa.
"Tenminutes before the class start again," wika nito at dire-diretsong lumabas ng roof top.
Wala akong nagawa kun'di pagmasdan ang likuran niya na papalayo sa akin.
Tumingin ulit ako sa tanawin at saka pinakalma ang sarili.
"Hoo!" pagpapakalma ko.
Ngumiti ako ng peke bago buksan ang pinto ng rooftop at bumaba sa floor namin.
Pagpasok ko sa classroom ay napansin kong marami pa rin ang wala. Siguro ay nasa court pa at naglalaro.
Agad akong nagdalawang isip kung uupo na ba ako sa row namin dahil agad kong nakita na nakaupo na roon sina Sam at Vel habang wala pa ang dalawa.
Simula nang araw na iyon ay natakot na rin akong lapitan sila dahil hanggang ngayon ay tagos na tagos pa rin ang mga katagang binitawan niya at ang mga kilos na ginawa nila.
Bumuntong hininga at pumikit nang imulat ko ang aking mata ko ay nagulat ako dahil saktong nagtama ang paningin namin ni Sam.
Saktong nagpasya na ako na uupo na ay agad namang may tumawag sa akin.
"Luna," tawag ng kung sino.
Pagtingin ko sa pinto ng classroom namin ay nanlaki ang mga mata ko.
Anong ginagawa ni Adi rito?! Halos kanina lang ay nag-walk out siya, ah?
Agad akong lumapit sa kaniya upang hindi na mabigyan ng kahit anong issue.
"Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko rito at bakas ang inis sa boses.
"May nakalimutan lang ako," saad niya.
Nangunot ang aking noo sa kaniyang sinabi ngunit ako'y natigilan nang ayusin niya ang hibla ng buhok sa aking ulo.
"Iyan, ayos na. Good luck sa pag-aaral," saad nito at kumindat sa akin.
Ako ay halos hindi makagalaw sa aking kinakatayuan. Sinubukan ko rin hawakan ang hinawakan niyang parte ng buhok ko.
"Anong nangyari sa kaniya? Ang weird!" saad ko na lang sa aking isipan.
I tilted my head...
Ngayon ko lang napansin. Did he just called me 'Luna'?! H-how did he know? I mean, iilan lang ang tumatawag sa akin niyan at saka paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Huy, te! Ikaw ha! May something na pala sa inyo ni Adi." Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Rose sa likod ko.
"What?" tanging nabulalas ko.
"Magpinsan pa talaga ang target mo, ha," wika naman ni Shanthal.
Nangunot ang aking noo.
"Ano naman ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya.
Napatampal siya sa kaniyang noo. "Hays, be! Hanggang kailan ba mananatili na wala kang alam sa G6?"
"Anong ibig mong sabihin na magpinsan?" tanong ko ulit sa kaniya.
She shrugged. "Hindi ako sigurado, ha kasi rumors lang naman 'yon pero pansin ko rin na malapit talaga sila sa isa't isa."
"Uy, te! Baka hindi naman talaga sila magpinsan. Baka iba lang talaga ang closeness nilang dalawa," wika ni Rose sa kaniya.
"Anong sinabi niyo na si Chezka mismo ang tumarget sa kaniya? Baka sila mismo ang tina-target si Chezka." Lahat kami ay napalingon sa aking likuran.
Doon ay bumungad sa akin si Krystal at si Simoun na magkasama.
"Sabi ko nga..." bulong ni Rose.
"Swerte mo, be. Anong dasal mo, ha?" biro ni Shanthal.
Swerte?! Jusko, malas! Malas ang lalaking iyon... well, hindi kasama roon si Adi.
Gusto ko man makipag-chika pa kanila Rose at Shanthal ay agad naman dumating ang subject teacher namin kaya agad kaming nagsiupo.
Gaya noong nakaraan ay si Simoun pa rin ang katabi ko.
Alam kong gusto ako kausapin ni Simoun ngunit hindi na niya nagawa pa, marahil ay natakot na mapatayo sa likuran sa
oras ng klase.
Sa ilang oras na klase ay lutang na naman ang isip ko.
Naging miserable ang pagkakaibigan namin at napunta sa wala ang lahat dahil sa lalaking iyon.
Andrei Benedict Mendez...
Hindi man ako makakaganti sa iyo ng pisikal dahil hindi iyon ang aking tipo ay gagawin ko ang lahat para agawin ang spot mo sa top-notchers.
Napangisi ako sa aking naisip.
Tama! Kung hindi ko siya magantihan sa pamamagitan ng suntok, gagawin ko na lang ang lahat para agawin ang pagiging top-notchers niya.
Napasimangot naman ako dahil sa posibleng kalalabasan noon.
Kapag nangyari kasi iyon ay maaaring maging busy ako dahil tiyak na ako ang ilalaban ng paaralan sa iba't ibang paligsahan ng bawat paraalan sa lungsod namin.
---
Natapos ang buong araw ng klase namin na puro paghihiganti lang ang naisip ko.
"Mukha kang baliw kanina, Chezka. Pangisi-ngisi mag-isa," wika ni Simoun sa akin.
Sinaman ko naman siya ng paningin. "Che! Manahimik ka."
Paglabas ng school ay dire-diretso na ako kay manong.
"Chezka, may problema ba?" tanong ni manong. "Isang linggo ka ng maagang nagpapasundo. Hindi ka naman ganito dati, ah?"
Ngumiti ako sa kaniya ng pilit. "Ayos na ayos, manong! Wala pong problema."
Napabuntong hininga siya. "O' siya, sige."
Pagtingin ko sa bintana ay saktong nagtama ulit ang mga mata namin ni Samuel at alam kong hindi niya iyon nakita dahil tinted ang sasakyan namin.
Napabuntong hininga ako.
Isang linggo na simula nang walang yakap na bumubungad sa akin sa tuwing papasok ako at wala na ring libreng snacks sa tuwing uwian namin.
Nakaka-miss...
Pagdating ko sa bahay ay agad akong umakyat sa taas at nagpalit ng damit. Matapos ay nahiga sa kama.
Pakiramdam ko ay ang boring-boring ng buhay ko kapag wala sila.
Napaismid na lang ako. "Ganito pala ang magiging kalabasan kapag nasanay ka na laging may kasama ka at umaalalay sa iyo," bulong ko sa sarili.
Nagpasiya akong magbukas ng aking sss account at napataas ang aking kilay nang makita ang isang friend request notification.
"Adriel Villanueva," basa ko sa pangalan nito.
Dahil sa kursyudad ay nagpasiya akong i-stalk siya.
Napanganga na lang ako matapos makumpira ang hinala ko. This is Adi's account!
I scrunched my nose. "Ano namang dahilan at nag-send ka ng friend request sa akin, ha?" tanong ko sa sarili.
I shrugged and accepted his friend request. Nakakahiya naman siguro kung hindi ko iyon ia-accept.
Wala pang limang minutos nang pag-accept ko ay naisipan kong i-chat siya.
To Adriel;
???
Napatampal na lang ako sa aking noo nang aksidente kong mai-send iyon.
Naku! Nag-iisip kasi ako kung ano ang sasabihin ko. Kung magha-hi ba ako o kung tatanungin ko ang reason ng pag-friend request niya sa akin. E, dahil naguguluhan ako ay nag-type na lang ako ng "???" hindi ko naman sinasadya na ma-send!
Mabilis niya iyong na-seen na lalong nagpakaba sa akin.
Napapikit ako nang mag-notif ang aking cellphone.
"Jusko!" bulalas ng aking bibig.
Pagmulat ng aking mata ay napahinga naman ako nang maayos matapos mabasa ang sinabi niya.
From Adriel;
Hi! :)
Dali-dali akong nag-reply sa kaniya ng "hello".
Pagkatapos ko iyon i-send ay mabilis niya rin iyong na-seen.
Naghintay pa ako sa susunod niyang icha-chat ngunit nagtaka naman ako nang makita ang typings status niya. Mukhang mahaba-haba yata 'yon.
Natigilan ako nang may kumatok sa aking kwarto.
Pagbukas ko ng pinto ay ngumiti ako nang bumungad sa akin si manang.
"May naghahanap sa iyo sa baba," wika niya.
Nangunot ang noo ko. "Sino naman po?"
Imbes na sagutin ang tanong ko ay niyaya na lang ako pababa ni manang.
Napabuntong hininga naman ako.
Mabilis akong bumaba at saka tinignan kung sino iyon.
"Who—" Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ang apat. Si Sam, Vel, Simoun at Krystal.
"Anong ginagawa niyo rito?" Ngunot-noo na tanong ko sa kanila nang hindi man lang binabaling ang tingin sa dalawa.
Adi's POV;
Matapos mai-send ang messages ay nagtaka ako nang hindi niya na iyon na-seen kahit na online siya.
Binasa ko ulit ng ilang beses ang message ko at napaismid ako dahil dito kaya dali-dali ko itong binura.
That's too cringe!
"Bro," tawag sa akin ni Dre.
"Bakit, Dre?" tanong ko sa kaniya.
"I need you..."
Nangunot ang noo ko. "Para saan? Bakit? Tungkol na naman ba sa babae 'yan? Look—"
"No," mabilis niyang tugon.
I tilted my head. "What is it?"
He sighed. "Gusto ko ng mamatay."
Halos masuntok ko na siya dahil sa kaniyang sinabi.
"Mag-ingat ka nga sa mga binibitawan mong salita, Dre!" sigaw ko sa kaniya.
Alam kong hindi siya nagbibiro dahil kahit kailan ay hindi naman siya nagbiro tungkol dito.
He just shrugged.
Napabuntong hininga na lang ako.
Binigyan ka ng pangalawang pagkakataon, Dre. Sana hindi mo 'yon sayangin…