Chapter 1

2122 Words
Kinaumagahan ay maaga akong ginising ni Mommy dahil kapag na-late ako ay hindi na ako papapasukin ng guard sa school. "Kumain ka nang marami," paalala niya. "Nasaan si Daddy, Mom?" tanong ko sa rito. "Tulog pa," sagot niya. Tumango-tango na lang ako at hindi na nag-abalang magtanong pa. Mukhang pagod na pagod yata si Mommy, ah...? "Magandang umaga, Manong Ester!" bati ko kay manong nang makita ito. "Magandang umaga rin, Luna," bati niya sa akin pabalik. "Kayo na ho ang bahala sa kaniya, Manong Ester," saad ni Mommy. "Sige po, Ma'am!" Dali-dali naman akong pumasok sa kotse at hindi naman nagtagal ay pumasok na rin si manong. "Kumusta ang usapan niyo tungkol sa grades?" tanong niya. Napakamot naman ako sa batok. "Nahirapan nga ako takasan 'yong topik, manong, eh!" wika ko. Natatawang napailing-iling na lang si manong. "Bakit hindi ka ba kasi gumagawa ng assignments mo?" tanong niya. "Sagabal sa oras ko, manong. Busy na nga ako kakaaral sa buong maghapon tapos magbibigay pa ng mga assignments," masungit na wika ko at natawa na lang din sa sarili pagkatapos. Si Manong Ester ang nakakaalam ng lahat tungkol sa grado at pinaggagawa ko sa school. Siya ay partner in crime ko na rin. "Oh, nandito na tayo," aniya. Dali-dali naman akong bumaba ng kotse at tumakbo papasok ng gate. Bago ako tuluyang makapasok ay humarap ako sa likod ko at kinawayan si manong. Pagpasok ko ng school ay agad akong sinalubong ng yakap ni Reinavel. "Nagulat ako sa iyo!" sigaw ko sa kaniya. Natatawang humiwalay siya sa yakap. "Uy! Hindi niyo ba ako isasali sa yakapan niyo?" Natigil kami at napatingin sa likod nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Sam!" sabay na sigaw namin ni Vel at sinalubong din siya ng isang yakap. "Good morning!" bati ko sa kanilang dalawa. "Good morning," bati rin nilang dalawa sa akin. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa classroom. Habang naglalakad ay hindi na naiwasan ni Vel na dumaldal. "May assignment ka bang ginawa?" tanong ni Reinavel sa akin. "Wala," wika ko. "Proud ka pa?" sarkastikong tanong naman ni Sam. Napailing-iling na lang ako habang natatawa. "Ayaw niyo naman magpakopya kaya bakit naman ako gagawa ng assignments?" bulong ko sa kanila. Natatawang napailing-iling naman si Vel habang binatukan ako ni Sam. "Mag-aral ka kasi nang mabuti!" sigaw nilang dalawa sa akin. "Ang mahalaga ay may natutunan," saad ko sa kanilang dalawa at saka nag-flip hair. Habang nauuna sa paglalakad ay rinig ko naman ang pagbubulungan nila sa likod ko kaya sinadya ko na huminto hanggang sa magka-pantay ulit kaming tatlo. "Anong chismis?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Iyan! Active sa chismis pero sa assignment, hindi!" sigaw ulit sa akin ni Sam at binatukan ulit ako. "Sumosobra ka na, ha!" inis na sigaw ko sa kaniya. "Chismis ang pinag-uusapan, hindi assignment," saad naman ni Vel. Napangiti ako kaya nag-apir kami. "Naks!" sigaw ko at tumawa. Napailing-iling na lang si Sam. "Iyan! Diyan kayo magaling! Laging nagtutulungan pagdating sa chismis." "Kaysa naman sa iyo, hindi ako tinutulungan sa assignment. Hindi ba't sabi nila ay magkakapatid tayo sa paaralan kaya bakit hindi niyo ako tulungan?" biro ko sa kanilang dalawa. Napailing-iling na lang silang dalawa at tila ba'y nawawalan na ng pasensya para sa akin. "Baka may makarinig sa iyo na teacher, Luna," suway sa akin ni Vel. Ngumiti ako sa kaniya at umakto na ni-zipper ang bibig at tinapon ang susi. "Hala! Bakit mo tinapon ang susi? Hindi na 'yan mabubuksan," pakikisakay sa biro ko ni Sam. Natigil lang kami sa pagdadaldalan nang makarating na sa classroom. Magkakatabi kaming umupo. Si Sam ang nasa gitna namin dahil sabi ni Ma'am ay kailangan daw na alternate ang upuan namin. Pagpasok ni Ma'am ay sabay-sabay kaming tumayo. "Good morning, Ma'am!" sabay-sabay na bati namin kay Ma'am Dela Cruz. "Good morning, class," bati rin niya. Nang kumuha siya ng chalk at balak na magsulat sa black board ay napangunot ang noo niya nang makita na may sulat ito. "Sino ang nagsulat dito sa black board?" tanong ni Ma'am. Lahat kami ay nagtinginan sa isa't isa hanggang sa may nagsalita. "Baka po hindi nabura ng mga estudyante sa afternoon classes kahapon?" tanong din ng kaklase ko. Half day lang kasi ang pasok namin dito sa school na ito. Alternate rin ang pasok bawat grade level. Kulang kasi ang building ng school na ito at sa sobrang dami ng estudyante na nag-enroll ay kailangan nilang ipa-half day ang mga klase. "Oh...? Sino naman ang naunang dumating dito at hindi pa ito naisipan na burahin?" masungit na tanong ni ma'am. Isa-isa lang ang tinuro ng mga mata namin at iyon ay si Rose. Siya lang naman kasi ang laging maagang pumapasok sa amin. "Hindi ko naman po 'yan nakita, Ma'am, kasi po may kurtina," sagot ni Rose. Napabuntong hininga si Ma'am at sinimulan na burahin ang sulat sa black board. "Simula ngayon, kung sino man ang maunang pumasok sa inyo ay lagi niyong i-check ang blackboard para tuloy-tuloy na ang lessons natin," paliwanag ni Ma'am. "Yes, ma'am!" sigaw naming lahat. Lahat kami ay natahimik at pinagmamasdan ang pagsulat ni Ma'am Dela Cruz sa black board. "Okay," panimula niya, "Bago natin simulan ang klase, ilagay niyo na muna iyong mga notebook niyo roon sa desk ko para ma-check ko ang assignment niyo." Lahat ng mga kaklase ko ay tumayo at pinasa ang mga notebook nila bukod sa akin. Napamewang na lang si Ma'am. "Wala ka na namang assignment, Ms. Perez?" tanong nito. Napakamot ako sa batok. "Pasensya na, Ma'am. Nakalimutan ko pong gawin, eh." "Talaga? Bakit 'yong mga kaklase mo ay nagawa naman ang pinapagawa ko?" Taas-kilay na tanong nito. "Kasi po ay magkakaiba ang bawat tao? Mabilis lang po ako makalimot ng memorya, Ma'am. Hindi po ako tulad nila," paliwanag ko sa kaniya. Napailing-iling na lang siya. "Asahan mong mababa ang grades na makukuha mo sa akin, Ms. Perez." Napangiti naman ako sa sinabi ni Ma'am at hindi na nagsalita pa. Lagi ko namang inaasahan 'yon... "Hindi ba't ang talakayan natin kahapon ay tungkol sa mga bayani ng Pilipinas?" tanong ni ma'am. "Opo," tugon naming lahat. "Okay, may groupings kayo ngayon," wika ni Ma'am. Pinanlakihan naman ng mata ni ma'am ang mga kaklase ko na masyadong excited at agad na umalis sa mga upuan nila kaya dali-dali naman silang umupo ulit. "Lumapit sa akin ang mga group leaders," wika nito. "Uy, lapit ka raw," bulong ni Sam. "Alam ko!" mataray kong bulong pabalik. Pinapili niya kami ng mga papel na may kulay. Pinili ko ang kulay asul na papel ngunit bago ko pa man mabuksan iyon ay nagsalita na si Ma'am. "Mamaya niyo na 'yan buksan," dagdag pa niya, "nakalagay sa loob na iyan ay kung sinong bayani ang nakuha niyo. May mga detalye rin na hinihingi na kailangan niyong lagyan at ipaliwanag." Matapos ng paliwanag ni Ma'am ay nagsama-sama kami ng mga ka-group ko at saka lumabas sa tapat ng classroom. 3 grupo ang nasa tapat ng classroom habang 2 grupo naman ang nasa loob. "Nasaan 'yong chalk?" tanong ko sa kanila. "Ito," wika ni Vel at binigay sa akin ang chalk. Binigay ko naman iyong chalk kay Krystal dahil siya iyong maganda magsulat sa aming lahat. "Group five tayo, uy!" sigaw ni Simoun. Agad naman iyong binago ni Krystal nang mapansin na nagkamali siya. "Sino 'yung bayani na napili mo?" tanong ni Sam. "Si Dr. Jose Rizal," wika ko sa kanila. "Yes!" sabay-sabay na sigaw nilang apat. Dahil doon ay napatingin naman sa amin ang ibang grupo. "Tahimik lang kayo. May nagkaklase pa sa kabilang classroom," saad ni Ma'am sa amin. "Yes, ma'am," sagot namin dito. "Ano 'yong mga tanong?" tanong ni Vel. "Unang tanong..." Agad sinulat ni Krystal ang number 1. "Kailan ang kaarawan ni Rizal?" "Hunyo 19, 1861," wika ni Sam agad naman iyong sinulat ni Krystal. Binigay ko naman kay Vel ang papel upang siya ang magbasa. "Ikalawang tanong, saan siya pinanganak?" tanong ni Vel. "Calamba, Laguna," sabay-sabay na wika naming lima kaya sabay-sabay rin kaming natawa. "Si Dr. Jose Rizal sa inyo?" tanong ng lider ng group four. Tumango naman ako bilang tugon. "Sa inyo?" tanong ko. "Si Andres Bonifacio," sagot niya. Napatango-tango na lang ako sa sinabi niya. "Ano 'yong number three?" tanong ko kay Vel. Nagsimula naman siyang basahin ito. "Saan siya pinatay?" Sandaling nanahimik kami. "Alam niyo ba sagot?" tanong ni Simoun sa amin. "Hindi ko alam," sagot ni Krystal. "Ako rin," wika ni Vel. "Nakalimutan ko na," saad ni Sam. Napatingin naman sila sa akin nang hindi ako magsalita. "Eh, ikaw, Chezka?" tanong ni Krystal sa akin. "Inaalala k—ah!" Hindi ko na napigilan na mapasigaw ngunit agad din naman akong humingi ng tawad sa lahat. "Sa Bagumbayan na kasalukuyang kinikilala bilang Luneta Park," paliwanag ko. "Luneta Park na lang isusulat ko?" tanong ni Krystal. Sunod-sunod akong umiling. "Isulat mo kung ano 'yong lahat ng sinabi ko." "Ano 'yong next question?" tanong ni Sam. "Bakit pinatay si Dr. Jose Rizal?" basa ni Vel. Sandaling nanahimik ulit ang grupo ngunit nagtaka kami nang magsulat si Krystal. "Ano 'yong sinulat mo?" tanong namin. "Pinatay si Dr. Jose Rizal dahil napagbintangan siyang nanguna sa rebelyon laban sa mga kastila," basa ni Krystal. "Tama ba 'yon?" tanong ni Simoun sa akin. "Hindi ko rin alam," wika ko. "Ayos na 'yan," saad ni Sam. "Ang mahalaga ay may sagot," sabi ni Vel. Sabay-sabay naman kaming tumawa. "Tama..." bulong ko. "May susunod pa bang tanong?" tanong ko kay Vel. Umiling-iling si Vel. "Wala na." "Tara na," wika ko at sabay-sabay kaming tumayo at nag-cheer. "Nandito na ang group five. Hindi papatalo! Kaya umuwi na lang kayo!" sabay-sabay na cheer namin. Pagkatapos ay sabay-sabay rin kaming natawa dahil sa kakornihan ng group yell namin. Binuhat ni Simoun ang maliit na blackboard namin upang hindi madaganan ang mga kaklase namin habang naglalakad kami. Pagpasok namin ay sabay-sabay kaming nagulat. "Nauna tayong makatapos?" gulat na tanong ni Krystal. "Uy, baka mali-mali sagot natin. Check mo nga," wika ni Simoun. "Ayos na 'yan. Si batman na ang bahala sa atin," bulong ko. "Ito talaga! Dinadala pa ka-walang hiyaan rito," bulong sa akin ni Sam. Iling-iling na lang akong napatawa. "Anak, tulungan niyo nga akong ilagay 'tong notebook ng kaklase niyo sa lamesa nila," wika ni Ma'am. "Sige po, Ma'am." Nag-unahan kami sa pagpunta sa lamesa ni ma'am ngunit bago pa man namin mahawakan ang notebook ay nagtanong muna ako. "Ma'am, may tanong po ako," wika ko. "Ano 'yon?" tanong ni Ma'am. "Ilan po ba 'yung magre-report?" tanong ko sa kaniya. "Mas maganda kung lahat ng group members tapos bago at pagkatapos ng reports niyo, dapat may group yell kayo," paliwanag niya sa amin. Sabay-sabay naman kaming tumango at nagkatinginan. Habang nilalagay ang mga notebook sa lamesa ng mga kaklase ko ay sinasabi ko na rin sa bawat group ang gagawin nila kapag magre-report. Matapos ilagay ang mga notebook ay naupo na kami at sabay-sabay na naghintay sa kanila. Pagkatapos ng limang minutos ay 'tsaka natapos ang groupings. "Magsimula na kayong mag-report," wika ni Ma'am. "Sino po 'yong mauuna, Ma'am?" tanong ni Rose. "Sino ba ang unang natapos?" tanong din ni Ma'am. Nagkatinginan kaming lima at sabay-sabay na pumunta sa harapan. Si Simoun ang may hawak ng mini black board samantalang nasa magkabilang gilid lang kaming apat. Nagbilang ako ng pabulong at saka sabay-sabay kaming nag-group yell. "Sino ang nakuha niyong bayani?" tanong ni Maam. "Si Dr. Jose Rizal po," wika ko rito. Tumango siya. Binasa ni Vel ang tanong at si Krystal naman ang nagbasa ng sagot habang kami ni Sam ay nakatayo lang sa gilid. "Lahat ng sagot niyo ay tama pero may isa akong tanong sa inyo. May plus 10 points kayo kapag nasagot niyo ito," wika ni Ma'am. "Ano po 'yon?" tanong ni Sam. "Bakit tinuring na bayani si Dr. Jose Rizal?" tanong nito. Sabay-sabay kaming nagkatinginan at akmang magsasalita na ako nang sabay kaming nagsalita ni Sam. Nagkatinginan kami sa isa't isa at tumango. "Naging bayani si Dr.Jose Rizal dahil sa paglaban niya sa mga mananakop, hindi sa pamamagitan ng pag-away kun'di ay sa pamamagitan ng kaniyang katalinuhan at husay sa pagsusulat," paliwanag ko. Tumingin naman ako kay Sam at tumango. Senyas upang siya naman ang magsalita. "Isinugal din ni Rizal ang kaniyang buhay para sa ipinaglalabang kalayaan. Pinatay siya ng mga Espanyol dahil sa paglaban nito sa kanila," paliwanag niya. Sandaling natahimik ang buong klase kaya napalunok ako sa sarili kong laway dahil akala ko ay mali ang sagot namin ngunit sunod-sunod na pumalakpak si ma'am. "Good job, group five!" sigaw ni ma'am. Napangiti ako at sabay-sabay naman kaming nagkatinginan. Sabay-sabay ulit kaming nag-group yell bago maupo sa inuupuan. Pagkaupo ko ay agad akong uminom ng tubig. "Kinabahan ako roon," bulong ni Sam sa akin. "Ako rin," tugon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD