Pagkatapos mag-report ng iba pa naming mga kaklase ay 'tsaka rin natapos ang lesson namin sa history.
"Good bye, class," wika ni Ma'am Dela Cruz.
"Good bye, ma'am," sabay-sabay na saad namin.
Natigil ang pagdadaldalan namin nang pumasok ang English teacher namin.
Napalunok ako sa lalamunan nang makita ang paper card na hawak niya. Sa paper card na iyon ay nakalagay ang pangalan namin at marka namin mula sa recitation.
Halos hawakan ko ang hininga ko nang nagsimula na siyang bumunot mula rito.
"Samuel Ramos," tawag ni Sir kay Sam.
Agad naman siyang tumayo at napansin ko pa ang paglunok nito nang ilang beses.
"What is a metaphor?" he asked.
“Sir, a metaphor is a figure of speech that describes an object or action in a way that isn't literally true, but helps explain an idea or make a comparison," he explained, "a metaphor states that one thing is another thing. It equates those two things not because they actually are the same, but for the sake of comparison or symbolism."
Tumango-tango si sir at sinulat ang points niya roon sa card.
"Sit," saad ni sir.
Pagkaupo ni Sam ay agad niyang kinuha ang tumbler at uminom ulit.
Halata ko na kinabahan siya roon dahil namamawis ang kamay niya.
Sinuot ko sa ilalim ng upuan ang mga kamay ko at sinubukan kong abutin ang kamay niya.
Nang maabot ko na ito nang tuluyan ay palihim ko itong pinunasan gamit ang tissue.
"Salamat," lihim at pabulong niyang saad.
Tumango na lang ako.
Parehas kaming nakatingin sa harapan upang hindi mapansin ni sir na pinupunasan ko ang kamay niya.
Nang kumalma na siya ay 'tsaka ko na rin tinigil ang pagpunas sa kamay niya.
"What team is going to represent today?" tanong ni sir.
Nagtaas ng kamay ang kaklase ko na si Nicole na lider ng group one.
Tumango si Sir at saka kinuha ang USB na hawak nila.
So, powerpoint presentation pala ang nakuha nila...
Sabay-sabay na nag-yell ang group one 'tsaka nagsimulang mag-report.
Nagtaka ako dahil may hawak silang print na papel at saka halos binabasa lang nila 'yong power point presentation nila.
Pagkatapos mag-report ay saka kami tumingin kay sir na nasa likod ng klase at tahimik lang na nakatayo.
"That's it?" he asked.
Sunod-sunod naman na tumango ang miyembro ng pangkat isa.
"Y'all didn't even present it. You all just read it with those papers of yours," he said and pointed at the printed paper that they hold.
"Y'all may sit now," he said.
Nag-unahan naman na umupo ang lahat. Habang si sir ay pumunta na sa upuan.
Ito ang dahilan kaya bakit lahat kami ay kinakabahan tuwing English classes dahil napaka strikto ni sir pagdating sa amin.
Pagpunta niya sa harapan ay sumandal siya sa lamesa at saka inayos ang laptop niya.
"To be honest, I'm not amazed with group one's presentation. I actually expected a lot but I guess that's too much to be expected with," saad niya at seryosong tumingin sa lahat.
Ni-hindi man lang niya binalingan ng tingin ang group one.
Bawat row kasi ng upuan ay siya ring grupo ng lahat.
Napabuntong hininga si sir. "Okay, that must be for today. Tomorrow, for group two, make sure that you will present something good to me. Goodbye, class."
"Good bye, sir," sabay-sabay na wika namin.
Paglabas ni sir ay nagulat ang lahat nang umiyak si Nicole.
"Hala!"
"Huy! Patahanin niyo."
"Huwag ka na umiyak."
Sunod-sunod na saad nila kay Nicole.
Gusto ko man lumapit kay Nicole ay hindi ko magawa dahil masyadong malayo ang upuan niya.
"Kung ako si Nicole, iiyak din ako," saad ni Vel.
"She must feel the pressure since she's the leader," saad ni Sam.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
"Mahirap maging leader, guys, kasi ikaw ang responsable sa lahat," paliwanag ko, "ma-swerte na lang talaga ako at naging ka-group ko kayo."
Napangiti naman silang apat sa sinabi ko.
"Gagawin ba natin bukas ang project para sa group natin?" tanong ni Krystal.
"Pwede rin naman mamaya?" tanong din ni Vel.
"Mamayang gabi na lang para sabay-sabay rin tayo gagawa ng assignments," ngiting wika ko.
Napailing-iling na lang si Samuel at Reinavel sa aking sinabi.
"Saang bahay?" tanong ni Simoun.
"Sa bahay na lang ni Sam. Malaki naman bahay nila, eh," sagot ko.
Tumango naman si Sam kaya napa-apir naman kaming lahat.
"Nakapunta ka na sa bahay ni Sam?" tanong ni Krystal sa akin.
Tumango naman ako. "Magkaibigan na kami simula noong elementary kaya alam na alam ko budhi niyan," saad ko at natawa na lang.
"Wow, ang galing! Simula elementary at hanggang ngayon ay magkaklase pa rin kayo?" tanong ni Simoun.
Tumango-tango naman ako bilang tugon.
Natahimik ang lahat nang pumasok si Miss Dela Cruz para sa recess namin.
"Oh, ano 'tong nalaman ko na umiyak daw si Nicole?" bungad na tanong ni Ma'am.
Pumunta sa upuan ni Nicole si ma'am.
"Bakit ka umiyak?" tanong ni ma'am sa kaniya.
Sunod-sunod na umiling si Nicole upang itanggi ito.
"Hindi po ako umiyak, ma'am," sagot nito.
Napabuntong hininga na lang si ma'am.
"Julienne, kuhanin mo 'yong tray natin sa canteen," saad nito.
"Yes, ma'am," saad nito.
Natawa naman ako nang hilahin niya ang katabi niya para magpasama sa pagkuha ng tray.
"Mapapagalitan na naman sila ni ma'am," bulong ni Sam sa akin.
"Hindi ka pa ba sanay?" tanong ko sa kaniya.
Natatawang napailing-iling na lang siya.
"Anong bibilhin mo?" tanong niya sa akin.
"Pancake o turon, kung mayroon," sagot ko sa kaniya.
"Hindi ka bibili ng tag-limang piso? Ano nga bang tawag doon? Basta 'yong lugaw, champorado, at soup," tanong nito.
Sunod-sunod akong umiling habang nakakunot ang noo.
Nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at bumulong.
"Ayaw ko. Huling beses na bumili ako no'n ay nakita kong may sebo pa 'yong plastic na tasa kaya 'di na ako ulit bumibili," paliwanag ko sa kaniya.
Natawa naman siya. "Buti naman na-realize mo na," aniya.
"Huh?" tanong ko rito.
"Hindi ba't dati pa kita sinasabihan na huwag ka bili nang bili ng ganoon," paliwanag niya.
"Tongeks ka ba? Hindi mo naman sinabi 'yong dahilan," bulong ko pabalik dito.
Kulang na lang ay halos sigawan ko na siya sa bulungan namin.
Pagdating nina Julienne ay agad-agad pumila ang group one. By group din ang pagpili at pagbili sa tray, depende kung anong araw ang nakatapat ngayon.
Pagtayo namin ay napanguso ako nang makita ang tray.
Halos lahat ng ito ay hindi ko gusto at kinakain ngunit wala na akong magawa kun'di bilhin pa ito.
"Gusto mo ng cheese sticks?" tanong ko kay Simoun.
Agad naman siyang tumango at binigay ko lahat iyon sa kaniya, pati na rin kina Krystal at Vel.
Gaya ko ay hindi rin naman nakain ng ganoon si Sam.
"Anong kakainin mo?" ngunot-noo na tanong niya.
Hindi siya sumagot kaya napanguso na lang ako dahil sa pagtatampo.
"Maghihintay na lang ako mamayang lunch," saad ko sa kaniya.
"Oh, kumagat ka," saad nito.
Napangiti naman ako nang malawak at kumagat sa burger niya.
"Hindi mo talaga ako matitiis, eh," pang-aasar ko rito.
"Hindi, 'no! Nakakabanas lang kasi makita 'yang nakanguso mong mukha," pang-aasar naman nito sa akin.
Tinarayan ko na lang ito sa sinabi niya.
"Painom, ha?" saad ko rito.
Tumango naman siya kaya kinuha ko ang juice niya 'tsaka ininom.
Pagkatapos ng recess ay sinauli na ni Julienne ang tray.
Pagbalik niya ay sakto rin naman ang pagpasok ng sunod na teacher namin para sa Filipino.
Si sir ay dalawang subject ang hawak, ito ay Filipino at English.
"Magandang umaga," ngiting bungad sa amin nito.
"Magandang umaga rin po sir," bati naming lahat.
Lahat kami ay nasasabik sa tuwing Filipino subject na. Kabaliktaran ito ng English subject. Kung sa Ingles ay seryoso si sir, sa Filipino naman ay mahilig siyang magpatawa. Aakalain mo talaga na magkaibang tao ang nagtuturo.
"May gusto akong itanong bago simulan ang groupings niyo," aniya.
"Ano po 'yon, sir?" tanong naming lahat.
"Anong kaibahan ng 'nang' sa 'ng'?" tanong niya.
Agad akong nagtaas ng kamay ngunit si Rose ang tinawag.
"Ang 'ng' ay ginagamit sa tuwing sinasagot ang tanong na ano. Ang 'nang' naman ay ginagamit sa tuwing sinasagot ang tanong na paano," paliwanag niya.
"Rose, sabi ko ay 'kaibahan'. Hindi ko sinabi na ipaliwanag mo ito," saad ni sir.
Dahil doon ay sunod-sunod na nagbaba ng kamay ang mga kaklase ko hanggang sa ako na lang ang natira.
"Yes, Chezka?" tawag niya sa akin.
Tumayo naman ako sa aking inuupuan.
"Ang 'ng' ay ginagamit upang tumukoy sa pangngalan. Sa kabilang banda ang 'nang' ay maraming gamit," paliwanag ko, "isa na rito ay panghalili sa salitang noong. Karagdagan pa ginagamit rin ito upang masagot ang tanong na paano at gaano. Ang 'ng' ay maaari rin gamitin sa mga naghahayag ng pagmamay-ari."
"Tama," saad nito.
Lahat naman ay naghiwayan dahil sunod naming gagawin ay groupings.
Sa tuwing Filipino subject namin ay madalas mag-groupings habang kapag English subject ay mas madalas ang indibidwal na gawain.
"Wala ng groupings na magaganap," seryosong saad ni sir.
Lahat ay nadismaya sa sinabi niya at umusbong ang bulungan.
“Sayang!"
“Ano ba 'yan?!"
“Bakit naman?"
"Gusto ko mag-groupings, eh," bulong sa akin ni Sam.
"Ako rin," bulong ko pabalik.
Ngumiti si sir. "Wala ng groupings kasi maglalaro na lang tayo," aniya.
"Yehey!" hiyawan ng buong klase.
Marahil ay ito ang surpresa niya sa amin dahil noong nakaraang biyernes ay birthday niya at sinurpresa namin siya ngunit ang kapalit lang noon ay test kaya lahat kami ay nagulat at nadismaya talaga.
"Ano 'yan, sir?" tanong ng kaklase ko sa hawak ni sir.
"Lobo, hindi ba obvious?" birong tanong ni sir kaya lahat naman kami ay natawa.
"Papaikutin niyo 'to hanggang sa matapos ang isang kanta at kung kanino tumapat ay gagawin niya ang dare ng katabi niya," paliwanag ni sir.
"Okay, magsimula na kayo." Binigay ni sir ang lobo kay Julienne dahil siya ang nasa unahan.
"Anong kakantahin, sir?" tanong ni Julienne sa kaniya.
"Nursery rhymes na lang para mas mapadali na matapos ang kanta," aniya.
"Anong kanta?" tanong ni Julienne sa amin.
"May tatlong bibe na lang!" sigaw ng isa naming kaklase kaya natawa na lang kaming lahat, kasama na roon si sir.
"O'siya, mag-start na kayo," wika niya.
Nang magsimula na kaming kumanta ay mabilis din na umikot ang lobo na hawak namin sa classroom.
Nang ibigay sa akin ni Sam ang lobo ay agad na pinasa ko 'yon sa harapan ko kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba.
Nang huminto ang lobo ay natapat iyon mismo kay Julienne.
"Sir..." hindi makapaniwala na saad ni Julienne kaya natawa si sir, ganoon na rin kami.
"Bago kayo mag-dare, may sasabihin nga pala muna ako," aniya.
"Ano 'yon, sir?" tanong naming lahat.
"Kapag naputok ang lobo, mas malala dapat ang magiging dare para naman may challenge," paliwanag ni sir.
Lahat ng kaklase ko ay naghiwayan.
"Iyon, oh!"
"Yes!"
"Naks!"
At marami pang iba.
Pagkatapos ng dare kay Julienne na umupo raw sa tabi ng crush niya ay naghiwayan ang lahat.
Umupo kasi siya sa tabi ni Angelo kaya nagsimula naman ang hiyawan.
"Tama na 'yan," suway ni sir sa amin, "ibigay niyo ang bola sa pinakadulo naman," saad nito.
Nang ibigay ang lobo ay sunod naman naming kinanta ang 'ako ay may lobo'.
Mabilis itong naipasa hanggang sa ipasa ito sa akin ni Sam at sakto naman na huminto ang kanta.
"Yie!" hiyawan ng lahat na pinagtaka ko. Natatawang napailing-iling na lang si sir.
Habang ako naman ay tinataliman ng tingin si Sam at sinasabi na ayos-ayusin ang pag-dare niya sa akin.
Natatawa na lang din siya dahil sa itsura ko.
"Anong dare mo, Sam?" tanong ng lahat.
"Dare ko na halikan mo ang noo ko," aniya.
Dahil doon ay umusbong na naman ang hiyawan.
"Ship!"
"KaSam!" sigaw ng lahat.
KaSam?! Ang baduy naman.
Napatakip na lang ako ng tainga dahil doon.
"Stop it, class. Go, Chezka. Do the dare," wika ni sir.
Wala na akong nagawa kun'di halikan ang noo ni Samuel. Doon ko naman nakita ang paglabas ng cellphone ng mga kaklase ko at pag-video sa amin.
Para sa akin ay hindi naman 'to big deal dahil kahit pa noon ay lagi naming hinahalikan ang noo ng isa't isa dahil magkapatid na ang turingan namin.
Nang matapos ako ay nagsimula ulit ang hiyawan.
"Iyon, oh!"
"KaSam is sailing!"
"Best friend pala, ha!"
At marami pang ibang mga pang-asar sa amin.
Naririndi utak ko sa tuwing naririnig ang ship name nila sa amin. Ang baduy talaga kasi pakinggan…