Chapter 5

1981 Words
"May naalala ako," saad ko kay Samuel habang naglilinis kami ng kwarto. "Ano 'yon?" tanong niya. "May project nga pala tayo sa English subject, 'di ba?" tanong ko sa kaniya. Natigil naman siya sa paglilinis dahil doon. "Oo nga pala. Akala ko ay ngayon tayo gagawa no'n?" tanong din niya. "Nakalimutan ko kasi kanina, eh. Pero bukas, puwede ba sa bahay niyo?" tanong ko sa kaniya. "Oo naman," wika nito at saka nag-thumbs up. Napailing-iling na lang ako habang natatawa sa akto niya. "Ipapaalala ko na lang kanila Krystal, Vel, at Simoun sa group chat natin para kung sakaling makalimutan ko ulit ay maipapaalala nila," paliwanag ko. Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon. Nang matapos ang pag-arrange at paglilinis namin ay napangiti ako nang makita ang kinalabasan. "Ang ganda..." bulong ko. "Sabi ko sa iyo, eh!" saad niya sa akin at inakbayan ako. Natigil kami sa pagmamasid sa kwarto nang pumasok si Mom. "Mga anak, tara na. Kain na tay—oh, wow!" saad niya. Pareho kaming natawa ni Sam dahil sa reaksyon ni Mom. "Nilinis niyo ba 'to?" tanong niya. Sabay kaming tumango bilang tugon. "Ang ganda ah..." saad ni Mommy. Nagtaka ako at nagkatinginan kaming dalawa ni Sam nang makita na napatungo siya. "Pasensya na kayo. Hindi ko man lang 'to nagawang ayusin. Masyado na kasi akong nabu-busy sa work from home..." bulong niya at nagsimulang humikbi. Nanlaki naman ang mga mata namin at saka sabay naming niyakap si Mommy. "Mom, kahit kailan ay hindi po namin naisip 'yan. Huwag ka po humingi ng tawad," saad ko sa kaniya at siya hinaplos-haplos ang likod niya. "Oo nga po, Tita," saad ni Sam. Pareho kaming niyakap ni Mommy at kalaunan ay natigil din siya sa pag-iyak. Matapos pagmasdan ang buong kwarto ay sabay-sabay na kaming lumabas. Pagbaba namin sa kusina ay napangiti ako nang makita na naroon si Daddy. "Dad!" sigaw ko at saka sinalubong siya ng isang yakap. "Oh, Sam?" tanong ni Daddy nang makita si Samuel. "Good evening po, Tito," aniya. "Bakit ka nga pala napadalaw?" tanong ni Daddy sa kaniya. Napakamot sa buhok si Sam. "Tinulungan ko po kasi na makatapos si Luna sa assignment namin kasi alam ko na hindi na naman niya 'yon gagawin," sagot niya. Napatango-tango naman si Dad. "Salamat sa pag-unawa sa anak ko, Sam." "Ay, naku! Wala po 'yon, Tito. Kapatid na po talaga ang turingan namin sa isa't isa," saad nito. Habang nag-uusap sila ay tinulungan ko naman si Mommy at si yaya na maghanda ng pagkain sa lamesa. Nang matapos ay nagtaka ako dahil pakiramdam ko ay may nabuong tensyon sa kanilang dalawa. "Anong pinag-usapan niyo, Sam?" tanong ko sa kaniya. "Pang lalaking usapan lang 'yon, Luna," sagot nito sa akin. Nangunot ang noo ko. Mas lalo akong nacu-curious kung ano ang pinag-usapan nila dahil sa base ng pananalita niya. "Weh?" tanong ko. Napailing-iling na lang siya sa kakulitan ko at saka ginulo nito ang buhok ko. "Hindi ba't ikaw na rin mismo nagsabi sa akin noon na masamang makisali sa usapan ng iba?" saad nito sa akin. "Wala naman akong sinabi na sasali ako sa usapan niyo. Gusto ko lang naman malaman," wika ko rito. "Anong pinagkaiba no'n?" tanong din nito. Nangunot ang noo ko. "Bakit mo pa itatanong sa akin? Gamitin mo 'yang utak mo," sarkastikong saad ko sa kaniya. Napailing-iling na lang siya sa naging tugon ko. "Itigil mo na 'yan, Luna. Kumain na lang kayo. Ang usapan ng mga lalaki ay para sa lalaki lang," saad ni Dad. "Sige po," tugon ko rito at saka tahimik na kumain. "Kumusta? Natapos niyo ba 'yong assignment niyo?" tanong sa akin ni Mom. "Opo," saad naming dalawa. "Hindi naman po bobo si Luna. Sadyang tamad lang talaga siya magsulat," saad ni Sam. Pinanlakihan ko naman siya ng mata at siniko dahil sa pagsusumbong niya sa akin. Nang mapaharap ako kanila Mom at Dad ay napailing-iling na lang sila. "Ano bang magagawa namin para mawala 'yang katamaran mo?" makabuluhang tanong ni Dad kaya natawa naman ako. "Wala... wala po, Dad. Inborn na po 'to," biro ko sa kaniya kaya napailing-iling na lang din siya. Hanggang sa matapos ang pagkain namin ay tuloy-tuloy lang ang pagsumbong ni Sam kanila Mom at Dad samantalang ako ay patuloy na nagbibiro para hindi mapunta sa akin ang topik. Nang matapos na kami ay agad kong binatukan si Sam. "Aray!" sigaw niya. "Ikaw! Bakit mo 'ko sinumbong?" tanong ko sa kaniya at sinamaan ng paningin. "Kasi nga, hindi ka pa rin nagbabago," bored na saad nito. Hinampas-hampas ko naman siya sa balikat niya. "Hindi ka pala mapagkakatiwalaan. Sinasabi mo lahat kanila Mom at Dad," nag-iinarte na sabi ko at saka tumalikod sa kaniya. Nagtaka ako at saka nangunot ang noo nang mapansin na hindi man lang ako nito niyakap mula sa likod. Nang humarap ako sa kaniya ay halos pasukan na ng langaw ang bunganga ko dahil prente lang itong nakaupo sa sofa habang nanonood ng telebisyon. Kinuha ko ang unan na malapit sa sofa na tinatayuan ko at hinagis sa kaniya ngunit agad niya rin iyong nasalo. Ngumisi siya sa akin na lalong nagpainis sa akin. "Asar-talo ka talaga," iling-iling na wika nito. Napa-roll eyes na lang ako sa sinabi niya. Matapos ng asaran naming dalawa ay nagpasiya na kaming matulog nang maaga kaysa na mag-over sleep dahil maaga pa ang pasok namin. Hinalikan niya ako sa noo. "Magandang gabi, Luna. Sana'y makatulog ka ng maayos." "Ikaw din. Magpahinga ka ng mabuti," saad ko sa kaniya. Tumango naman siya at saka pumasok na sa kwarto niya. Pagkatapos noon ay pumasok na rin ako sa kwarto ko at pinatay ang ilaw at sinigurado na sarado ang bintana at veranda bago ako mahiga sa kama. Napangiti ako nang makita ang mga artificial moon and star na kinabit ko sa kisame ng kwarto ko. Nagliliwanag ito ng lubos dahil walang ilaw ang pumapasok dito sa kwarto ko. Sa pagmamasid nito ay hindi ko na napansin na nilamon na pala ako ng dilim. Nagising ako nang maramdaman ang liwanag sa aking mukha. Nangunot ang noo ko nang makita na nakatali ang kurtina sa kwarto ko. Wala na akong nagawa kun'di bumangon na. Si Mom talaga... tinali na naman niya ang kurtina, hays. Pagkatapos iligpit ang hinigaan ay naghanda na rin ako ng damit para sa pagpasok. Alas-singko pa lang ng umaga kaya malamig pa pero magigising naman nito ang kaluluwa ko kaya diretso buhos na ako ngunit pinagsisihan ko rin 'yon dahil bigla akong sinipon dahil doon. Pagbaba ko ay nagtaka si Mommy nang makita ako. "Naligo ka na naman ba na malamig ang tubig?" tanong niya. Ngumiti naman ako. "Pampagising po ng kaluluwa 'yon, Mom," saad ko. Napailing-iling na lang siya. Habang ako ay patuloy sa pagpunas ng sipon ko. Natigil lang 'yon nang makita na bumaba na rin si Sam na nakahanda na. Nilabahan kasi ni yaya 'yong uniform ni Sam kahapon. "May sipon ka ba?" tanong niya sa akin. Umiwas naman ako nang sinubukan niya akong halikan sa noo. Tila na-dissapointed naman siya kaya agad akong nagpaliwanag. "Baka mahawa ka sa sipon ko," paliwanag ko sa kaniya. Tumango na lang siya. "Dapat naglagay ka rin ng mainit na tubig bago maligo," saad nito. Napakamot naman ako ng batok sa patuloy na pangangaral niya sa akin. Dinaig niya pa si Daddy kung makapagsalita. Nang matapos na ang pagkain namin ay agad kaming dumiretso sa school. Pagpasok namin ay agad kaming sinigawan ni Vel na kinagulat naming dalawa. Pagkalapit niya sa amin ay agad niya kaming inakbayan. "Bakit kayo magkasama, ha?" makabuluhang tanong niya. "Kasi hindi kami magkahiwalay," pabalang na tugon ko. "Aray!" sigaw ko nang batukan ako nilang dalawa. "Pati ba naman ikaw, Sam?" tanong ko sa kaniya at nagtaray. "Gusto ko lang batukan ka," saad nito. Napa-roll eyes na lang ako sa sinabi niya kaya nanguna na ulit ako maglakad at nag-flip hair pa sa kanila. Nagtaka ako dahil pag-akyat namin sa building namin ay andaming estudyante na naghihintay. Masyadong maaga pa naman, ah...? Saglit akong napahinto sa paglalakad sa corridor upang tignan kung sumusunod pa rin ba sa akin ang dalawa. Napangiti naman ako nang makita na nasa likuran ko lang sila ngunit pagharap ko sa unahan ay nanlaki ang mga mata ko nang may dumanggi sa akin na dahilan para mapaupo ako sa sahig. Napatulala naman ako roon ngunit agad din nabalik sa reyalidad nang daluhan ako nina Sam at Vel. Nangunot ang noo ko at saka tinignan kung sino ang naka-danggi sa akin. Nagtaka ako dahil tanging mga grupo lang ng lalaki ang nakita ko. Nagfe-feeling superior ba sila?! "Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Sam. Tinignan ko naman siya ng blanko at sarkastikong nagsalita. "Oo, ayos lang ako. Ayos lang ako kahit na tinulak ako at nawalan ng balanse at saka napaupo ng biglaan kaya hindi masakit puwet ko." Napailing-iling na lang si Sam habang si Vel ay hindi napigilan na tumawa. Nangunot ulit ang noo ko nang marinig ang bulungan ng ilang estudyante. "Sinadya niya 'yon para lang madikit ang katawan niya sa bebe natin!" "Ganiyan na ba siya ka-desperada?" "Swerte naman niya. Na-danggi siya ng mga prinsipe ko. Kung ako 'yon ay baka magpasalamat pa ako." Naguguluhan ko namang tinignan si Vel ngunit bumulong lang siya sa akin. "Sa classroom ko na ipapaliwanag," wika niya. Tumango naman ako at saka sabay-sabay na kaming tumayo. Nang makita na si Rose pa lang ang nasa classroom namin ay hindi ko napigilan na sumigaw dahil sa pagka-frustrated. "Kapal naman ng mukha nila para hindi humingi ng tawad!" sigaw ko sa kanila. "Calm down, Luna," saad sa akin ni Sam. Tinulungan niya pa ako na linisin ang likuran ng aking damit dahil na dumihan ito. "Kung makaasta sila ay parang sino sila, ah?" saad ko sa kanilang dalawa. Napamewang sa akin si Vel. "Wala ka ba talagang alam tungkol sa limang lalaking 'yon?" tanong niya. Nangunot ang noo ko. "Mukha ba akong interesado sa ibang tao?" tanong ko rin sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya at napatampal sa noo. "Sila ang hearthrob natin dito," aniya. Napataas naman ako ng kilay. "Oh, tapos?" tanong ko. Napatampal na naman siya sa noo dahil sa naging tugon ko. "Malamang iisipin ng mga fans nila na sinadya mo 'yon at kung susubukan mo pang lumapit sa kanila dahil galit ka ay sasabihan ka talaga nila ng desperada," paliwanag sa akin ni Vel. Napabuntong hininga naman ako. "Naiintindihan ko kung ano ang pinupunto mo, Vel, ngunit wala naman akong sinabi na kokomprontahin ko sila. Wala naman akong pake sa kanila." "Ikaw lang yata walang alam sa kanila," sali bigla sa usapan namin ni Rose. "Ayaw ko rin naman na malaman kung sino sila," saad ko sa kaniya. "Ngayon mo lang ba sila nakita?" tanong naman ni Sam. "Anong ibig mong sabihin na 'nakita'? Hindi ko nga nakita mukha nila, eh," saad ko. "So, ito nga ang first encounter mo sa kanila? Ang galing naman. Baka destin—" Agad kong ginamit ang kamay ko upang ipantakip sa madaldal na bibig ni Reinavel. "Destiny? Ulol! Pangit naman maglaro ng tadhana kung ganoon. Kailangan ba talagang masasaktan ako kapag nagkita kami?" makabuluhang tanong ko rin sa kanila. Natawa na lang silang tatlo sa naging akto ko. "Nakakatakot kaya silang lima," saad ni Rose. Nangunot naman ang noo ko. "Bakit naman? Gangster ba sila?" tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at napansin ko na napalunok siya sa kaniyang laway. Ganoon ba nakakatakot ang grupo na 'yon? Para sa akin ay hindi naman. Kung gangster nga sila, pwes, hindi ito ang lugar para maglaro ng kutsilyo. Baka nakakalimutan nila na nandito ang lahat para mag-aral. "Hindi ka ba natakot sa kanila?" tanong ni Rose. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya. "The presence...?" she asked. "Ah... hindi. Bakit naman ako matatakot? Ang dahilan lang naman kung bakit nandito ang lahat ay para mag-aral, hindi para pumatay," paliwanag ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD