Chapter 4

2042 Words
Pagkarating ng sasakyan sa bahay namin ay sakto naman na paalis na sana si Manong Ester ngunit agad siyang nagpatigil nang makita kami. "Chezka!" sigaw nito sa akin. "Manong," bati ko sa kaniya. "Pasensya na, Hija. Napasarap ang tulog ko at nakalimutan ko ang oras ng uwian mo," aniya at napakamot sa batok. Natatawa naman akong napailing-iling. "Ayos lang po 'yon," ngiting wika ko sa kaniya. "Ay, salamat nga po pala, Sir. Samuel, sa paghatid kay Chezka," saad nito kay Sam. "Manong Ester, huwag niyo na po akong tawagin na 'sir'. Ilang beses ko na po 'yon sinabi sa inyo, eh," natatawang wika ni Sam. Pati ako ay natawa dahil doon. Napakamot ulit sa batok si Manong. "O' siya, pumasok na kayo. Mainit dito sa labas," wika niya. Tumango na lang ako at hinawakan ko ang kamay ni Sam at saka hinila siya papasok ng gate. Bago pa kami makapasok ng bahay ay nagsalita ang driver ni Samuel. "Young master, uuwi na lang po muna ako para masabi ito sa Mommy niyo," ngiting pamamaalam nito. "Sige po," tugon ni Sam. Pagkatapos ay 'tsaka na kami pumasok ng bahay. Pumunta kami sa kaniya-kaniya naming kwarto upang magbihis. Mayroon din ditong kwarto si Sam at mayroon din ako sa bahay nila. Madalas kasi kaming naglalaro noon kaya nagpasiya ang mga magulang namin na maglagay na rin ng kwarto para sa isa't isa. Nag-sando at shorts na lang ako para hindi mainitan. Paglabas ko ng kwarto ay napangiti ako nang makita siya na nakasuot din ng pambahay. "Naks! Pogi, ah?" biro ko rito. Napailing-iling na lang siya. "Tara, mag-lunch na muna tayo," yaya ko sa kaniya. "Tapos makakalimutan mo na naman 'yong assignment?" Taas-kilay na tanong nito habang nakapamewang. Binatukan ko naman siya. "Anong gusto mo? Mag-aaral tayo ng walang laman ang sikmura?!" sigaw ko rito. "Hmp!" sigaw niya at nauna na sa paglalakad. Ako naman ay hindi makapaniwala na pinagmamasdan ang paglalakad niya. Grabe! Tinalo niya pa ako sa katarayan. "Hintayin mo ako!" sigaw ko rito at saka tumakbo at nang makapantay siya ay umakbay kami sa isa't isa. "Ang liit mo talaga," pang-aasar niya sa akin. Nangunot ang noo ko dahil doon. "Hoy! Excuse me? Dati nga ay hanggang baywang lang kita..." "Dati 'yon, eh, ngayon?" pang-aasar pa nito lalo at ngumisi pa. Tinarayan ko naman siya at saka nauna na sa paglalakad. "Ano ba kasing tubig ang iniinom mo? Ang bilis mo tumangkad." Nakanguso na saad ko sa kaniya. Natawa naman siya sa biro ko. "Tubig kanal po," sagot nito. Nangunot ang noo ko at kasabay noon ang paghinto ko sa paglalakad at pagharap sa kaniya. "Kadiri ka!" sigaw ko sa kaniya. Humagalpak naman siya ng tawa dahil doon. Napahawak pa siya sa kaniyang tiyan dahil sa sobrang pagtawa. "Sam?" Natigil kaming dalawa nang marinig ang boses ni Mommy. "Mom!" "Hi po, Tita!" Bati naming dalawa. "Nagtanghalian na ba kayong dalawa?" tanong niya sa amin. "Hindi pa po pero kumain naman po kami ng burger at saka hotdog sa 7/11 kanina," paliwanag ko kay Mommy. Lumapit sa akin si Mom at saka inakbayan kaming dalawa. "O' siya, tara na. Sabay-sabay tayong kakain," saad niya. "Nasaan po si Tito, Tita?" tanong ni Sam. "Nasa trabaho, Sam," sagot ni Mommy sa kaniya. Pagpunta namin sa kusina ay natanggal din ang pag-akbay niya sa amin. Nang mapatingin kami ni Sam sa isa't isa ay otomatiko na napahagikgik kami ng walang dahilan. "Anong ulam, Mom?" tanong ko sa kaniya. "Sinigang na baboy," saad nito. "Wow! Sigurado ako na masarap 'yan, Tita," pangbobola ni Sam. "Ay, siyempre naman! Ako ang nagluto, eh," saad ni Mom. Napailing-iling na lang ako at siniko ko si Sam dahilan para mapatingin siya sa akin. "Bakit?" bulong niya. Sinamaan ko naman siya ng paningin at sinabihan na huwag bolahin ang Nanay ko. Natatawang napailing-iling na lang siya sa sinabi ko. Nang magsimula na kaming kumain ay tanging kutsara't tinidor lang ang maingay hanggang sa magsalita si Mom. "Anong dahilan at napadalaw ka rito, Sam?" tanong ni Mommy sa kaniya. "Balak ko po kasi na sabay na kaming gumawa ng assignments ni Luna para sigurado na gagawa talaga siya," paliwanag niya. Napangiti naman si Mommy. "Salamat, 'nak. Buti na lang at hindi ka nagsasawa na turuan ang anak ko," pagbibiro niya. "Mom!" sigaw ko at napanguso. Natawa naman silang dalawa. Sa tuwing nandito si Sam ay siya lagi ang kinakampihan ni Mommy kaya ang unfair! "Malapit na nga po akong magsawa kaka-paalala na dapat lagi siyang gumagawa ng assignments," saad naman ni Sam. Sinamaan ko naman siya ng paningin. Kung makapagsalita ay akala mo masipag! Natawa na lang si Mommy sa naging reaksyon namin at hanggang sa matapos ang pagkain ay nagpatuloy sila sa pang-aasar sa akin. "Mauna na po kami, Tita. Gagawa pa po kami ng assignments," aniya kay Mom. "Sige. Good luck sa inyong dalawa!" sigaw ni Mom habang nasa kusina. Magrereklamo pa sana ako kaso agad na hinawakan ni Sam ang kamay ko at hinila ako kaya wala na akong nagawa. Pumasok kami sa study room namin na dating playground room naming dalawa. "Wala pa ring pinagbago," wika niya. "Malamang. Mukha ba akong masipag na tao para ayusin itong kwarto?" sarkastikong tugon ko sa kaniya. Napailing-iling na lang siya sa aking sinabi. Parehas kaming naupo at saka nilabas ang notebook. Napasimangot naman ako nang makita na marami siyang nasulat sa notebook niya samantalang iyong akin ay parang bago lang kasi wala pang laman... "Hindi ka nagta-take notes?" tanong niya. "Stock knowledge lang ang kailangan ko," saad ko sa kaniya. Binatukan naman niya ako. "Aray!" sigaw ko rito. "Ano na lang ang magiging grades mo kapag nag-college na tayo kung hindi ka magpapasa o magsusulat?" tanong nito sa akin. "College na ba tayo?" tanong ko sa kaniya. Nangunot naman ang noo niya. "Hindi pa pero—" "Oh, hindi pa pala. Kaya huwag ka muna mag-alala," ani ko sa kaniya. Napailing-iling na lang siya at napahawak sa sintido niya. "Kaya ilang tutor ang sumusuko sa iyo, eh," saad nito sa akin. Napaseryoso naman ako. "Hindi ko nga kailangan ng tutor." "Exactly!" sigaw niya. "Pero hindi naman porket matalino ka ay hindi ka na magsusulat ng mga lessons." "Eh, ano bang pake mo?!" sigaw ko rin sa kaniya at hindi na naiwasan na magdabog. Ito... sa tuwing kuwinekuwestyon niya ang ginagawa ko ay doon ako nagagalit. Payag ako na pakialam niya 'yong iba kong gawain pero huwag lang sa pag-aaral. Natigil lang kami sa pagtatalo nang pumasok si Mommy at saka bumuntong hininga. Marahan siyang lumapit sa amin at saka parehas na hinawakan ang balikat namin at pinaupo kaming dalawa. "Kumalma muna kayong dalawa. Kung magtatalo lang kayo ay wala kayong matatapos. Pag-usapan niyo 'to nang mahinahon," saad niya at saka hinalikan kaming dalawa sa noo. Pagkatapos noon ay agad siyang umalis at sinarado ang pinto. Sandaling nanaig ang tahimik sa buong kwarto. Tumikhim si Sam. "Pasensya na. Hindi ko napigilan na pagtaasan kita ng boses. Nag-aalala lang naman ako sa magiging grades mo kung ipagpapatuloy mo ang masamang habit na 'yan," paliwanag niya. Napabuntong hininga naman ako. "Pasensya na rin dahil napagtaasan kita ng boses. Alam mo... sinusubukan ko namang baguhin 'yong sarili ko kaya sana huwag mo akong pilitin na gawin ang mga bagay-bagay," paliwanag ko rin sa kaniya. Niyakap niya ako at saka hinalikan sa noo. "Pasensya na talaga," bulong niya. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Ayos lang..." Pagkatapos noon ay nagsimula na kaming magsagot ng mga assignments. Inabot ng tatlong oras bago matapos ang isang subject. Natigil lang kami sa pagsasagot nang kumatok si Mom. "Pasok po," sabay na saad namin ni Sam. Napangiti ako nang makita na may dalang tinapay at juice si Mommy. "Ayos na ba kayong dalawa?" tanong nito. "Yes, Tita, don't worry," sagot niya kay Mom. "Oh, mag-mirienda na min kayo," saad niya at saka nilapag ang tray. "Salamat po," sabay na sabi ulit namin. "Kumusta naman ang assignments?" tanong ni Mommy. Napatungo naman si Sam. "Isang subject pa lang po ang natatapos," aniya at saka bumuntong hininga. Natawa naman si Mommy. "Pagpasenyahan mo na ang anak ko, Sam." "Ayos lang po, Tita. Alam niya naman lahat ng sagot ngunit tamad lang talaga siyang magsulat," sumbong nito kay Mom kaya pinanlakihan ko naman siya ng mga mata. Natawang napailing-iling na lang si Mom. "O' siya. Iwan ko na muna kayo rito. May gagawin pa ako," saad niya. "Sige po," sabay na saad namin. Pagkalabas ni Mommy ay agad akong lumapit sa kaniya ngunit agad din siyang nakailag. Alam niya kasing kukurutin ko siya, eh... "Kumain na lang tayo!" natatawang sigaw nito. Sinamaan ko na lang ito ng tingin 'tsaka niligpit ang mga notebook namin. Nilagay namin ang tray sa study table at saka sabay na kumakain. Tahimik akong ngumunguya ng pagkain habang nakatingin sa bintana na nasa harap lang namin nang matigilan ako. May nakita kasi akong gwapo na naglalakad kaya napatayo ako at pinagmasdan ito hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. "Ano 'yon?" tanong ni Sam. "Wala," sagot ko. "May nakita ka na namang gwapo, 'no?" pang-aasar nito sa akin. "Alam mo naman na pala, nagtanong ka pa," sarkastikong saad ko naman sa kaniya. Natawa na lang siya sa aking sinabi. "Tara na. Kailangan na natin matapos," saad nito. "Dito ka na lang kaya matulog?" suhestiyon ko sa kaniya. "Bakit naman? Kasi magdamag tayong magsasagot?" tanong nito. Napa-roll eyes na lang ako sa kaniyang sinabi. Sariling tanong, sariling sagot! "Hindi, 'no! Balak ko kasing mag-over sleep tayo," saad ko sa kaniya. Seryoso siyang tumingin sa akin. "May pasok pa tayo bukas," dagdag pa niya, "pero puwede naman akong matulog dito." Napangiti ako sa huli niyang sinabi kaya sa sobrang saya ay hindi ko na napigilan na yakapin siya. "Ay, pasensya na," wika ko at saka tinanggal ang pagkakayakap. "Kumain ka na lang diyan," saad nito. Tumango na lang ako. Nangunot ako nang mapansin na sinasadya niyang hindi kainin ang mga tinapay niya para makain ko kaya ako na mismo ang nagsubo sa bibig niya ng tinapay. "Akala mo ay hindi ko mahahalata, ha!" sigaw ko rito. "Tsk," singhal niya. "Nagda-diet ka ba?" tanong ko sa kaniya. Nangunot ang noo niya. "Hindi, 'no!" "Ah... so gusto mo lang akong maging mataba?" tanong ko ulit sa kaniya. Mas lalong nangunot ang noo niya. "Hell no! Kailangan mo lang na dapat laging malusog," paliwanag niya. Tinarayan ko na lang siya at saka nag-flip hair. Matapos kumain ay hindi na muna namin binaba ang tray at isinantabi na lang ito at saka nagsimula ulit sa pagsagot. Makalipas ang dalawang oras... "Finally!" sabay na sigaw namin. Nagkatinginan kami dahil doon at pareho na natawa. Nag-unat-unat muna ako at ganoon din siya. "Sakit ng puwet ko," aniya kaya natawa naman ako. "Ako rin. Pakiramdam ko ay isang buwan na na-glue 'yong puwet ko sa upuan," saad ko rin dito. He giggled and shook his head. Matapos namin iligpit ang mga notebook ay sabay kaming napabuntong hininga dulot ng pagod. "Nasaan na 'yong tray?" tanong ko sa kaniya nang mapansin na wala na 'yong tray rito sa loob ng kuwarto. "Kinuha na ng kasambahay niyo kanina," saad nito. "Hindi mo pala napansin?" "Hindi ba obvious? Magtatanong ba ako kung alam ko?" tanong ko sa kaniya. "Medyo," pabalang na sagot niya kaya sinamaan ko na lang ito ng tingin. "I-arrange kaya natin itong study room natin?" suhestiyon niya. Nagkibit-balikat na lang ako. "Ikaw ang bahala." Napatingin naman ako sa kaniya nang magsimula siyang iusog ang lamesa at mga upuan. Akala ko ay nagbibiro lang siya kaya sinimulan ko na rin siyang tulungan sa pagbubuhat ng mga ito. "May LED lights ka riyan, 'di ba?" tanong niya. Tumango naman ako. "Bakit?" "Kuhanin mo tapos kuha ka na rin ng puwede na pang-design dito para naman hindi magmukhang blanko 'to," paliwanag niya. Tumango naman ako at saka lumabas ng study room. Mabilis akong nagtungo sa kwarto ko at kinuha ang mga bagay na itatapon na sana. Ilalagay ko na lang ito sa study room namin para hindi naman masayang. Matapos maghanap ng mga bagay-bagay ay pumunta ulit ako sa study room. Agad niya akong tinulungan magbuhat ng box nang makita niya na punong-puno ito. "Ang dami, ha..." aniya. "Ay, halata ba?" sarkastikong tanong ko sa kaniya na pareho naming kinatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD