bc

The Tyrant's Rebirth: Rise Of The Villain

book_age18+
907
FOLLOW
6.3K
READ
billionaire
revenge
arrogant
dominant
CEO
twisted
rebirth/reborn
autistic
punishment
tyrant
like
intro-logo
Blurb

Kilala bilang tuso, malupit at walang awa si Travis Rigor. Para sa kanya ay hindi pa isinisilang ang tao na makakapagpataob sa kanya. Ngunit isang trahedya ang nakapagpabago sa buhay niya. Nagising siya sa katawan ng iba.

Ang malupit na business tycoon ay naging isa na lang fruit vendor. Ordinaryo at mahirap.

Paano makakabalik sa dating buhay si Travis Rigor? Paano niya pagbabayarin ang mga taong nagtraydor sa kanya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
“ANO ang ibig sabihin nito?” Bagaman nakangisi ay matalim na titig ang pinukol ni Travis Rigor sa kanyang kaharap. Nakikita niyang pinagpapawisan ito ng malapot at panay ang lunok habang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa binabasa nitong papel. Dapat nga itong matakot dahil bistado na ito sa ginawang pagnanakaw sa kanyang kompanya. Nakalagay sa papel na hawak nito ang ebidensya. Bilib siya sa tapang nito dahil sa dina-dami ng tao na pwedeng pagtaksilan ay siya pa ang napili nito na kilalang malupit, tuso at walang awa. Kilala rin siya bilang mautak pagdating sa negosyo ngunit ngayon ay na kuwestiyon niya ang sariling kakayahan dahil nalusutan siya ng taksil na kaharap. Sigurado na alam nito ang kaparusahan na naghihintay dito. “Travis, maawa ka sa akin. Nagawa ko lang magnakaw dahil may sakit ang asawa ko! Kailangan ng malaking halaga para sa operasyon niya.” Lumuhod si Mr. Dela Cruz “Tanggalin mo iyang kamay mo.” utos niya sa delikadong tono kaya agad itong napabitiw sa kanya. “Travis, magbabayad ako. Pangako!” Sinenyasahan niya ang mga tauhan. Alam ng mga ito kung ano ang gagawin. Nakade-kwatro siyang nakaupo habang magkasalikop ang kamay na nakapatong sa kanyang executive table. “Huwag! Huwag! Para niyo ng awa!” Pagmamakaawa ni Mr. Dela Cruz ngunit hindi nakinig ang kanyang tauhan. Sa halip ay tinadyakan ito sa likod dahilan para tumilapon ito papunta sa kanyang executive table. Sinundan pa iyon ng sunod-sunod na suntok kaya duguan na nalugmok ito sa sahig. “Travis! Maawa ka sa akin! Ninong mo ako!” wika nito na pinoprotekhan ang ulo gamit ang dalawang kamay. “Walang kamag-anak o ninong sa akin.” “Huwag mo akong patayin!” Ngumisi siya. “Alam mong hindi ako mamatay tao pero kilala mo ako na nanlulumpo ng mga taksil.” Tumayo siya. “Sige, bugbugin niyo na iyan! Linisin niyo ang opisina ko pagkatapos. Ayaw ko na makakita ng anumang mantsa ng dugo.” “Travis! Travis!” Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglabas ng kanyang opisina. Animo’y bingi na hindi naririnig ang hiyaw ni Mr. Dela Cruz sa pangalan niya. Nakita niya ang pagkislutan at pagkataranta ng kanyang mga empleyado nang makita siya. Mababakas ang takot sa mukha ng mga ito. Malamang may ideya na ang mga ito kung ano ang nangyayari kay Mr. Dela Cruz sa loob ng kanyang opisina. Magtutuloy-tuloy na sana siya sa paghakbang palayo nang muli siyang bumalik. Huminto siya sa pinakagitna ng mga cubicle. “Sino pa ang nagbabalak na pagtaksilan ako?” tanong niya. Walang sumagot. Nakayuko lang ang lahat. “Mananagot sa akin oras na malaman ko na mayroon pang taksil sa opisina ko!” Babala niya. Inilibot ang paningin sa mga empleyado niya. Tinitingnan kung sino ang mukhang guilty o hindi takot sa kanya. Lahat ay nakayuko kaya hindi niya madetermina. Pero mayroon isa na nakaagaw ng kanyang pansin na nasa lahat na naroroon ay ito lang ang bukod tangi na hindi tumayo at nakinig sa kanya bagkus ay naka-focus lang ang atensyon sa computer. Nayamani ang katahimikan ngunit nangingibabaw ang ingay ng pagtitipa nito sa keyboard. Madilim ang mukha na nilapitan niya ang naturang babae. Kahit nasa likuran na siya nito ay hindi pa rin nito nararamdaman ang kanyang presensya kaya malakas na hinampas niya ang table nito. Tumabingi ang salamin nito nang mapakislot sa gulat. Nanlalaki ang mata sa takot na agad na tumayo. “Ano ang ginagawa mo?” seryosong tanong niya. “Pasensya na, Sir. Tinatapos ko lang kasi ang report na ito para sa Marketing department. Ngayon na po kasi kailangan ng head.” Hindi niya magawang magalit sa babae. Hindi niya matandaan ang pangalan nito ngunit hindi niya makalimutan ang mukha nito dahil ito ang pinakilala sa kanya ng Marketing head bilang asset ng kompanya. Ito ang nag-iisip ng mga concept para sa commercials at advetisements na talaga naman pumapatok. Ang kompanya niya ay manufacturer ng mga sabon, shampoo at toothpaste na naging bahagi na ng pamumuhay ng bawat Pinoy sa araw-araw. Bukod pa doon ay may hawak rin siya na B.P.O na may sampung branches kabilang ang dalawa na nasa Malaysia. Bukod kasi sa Pilipinas ay patok din sa naturang bansa ang call centers. Pero ang main business niya ay ang kanyang ng Internationational Logistic Company. Tagahatid ang kompanya niya ng mga pinapadalang parcels at packages. Or products from the manufacturer to consumer distribution channels. May sarili barko at eraplano ang kompanya niya kaya kontrolado nila ang schedule nang mga pinapadala. Pasok siya sa listahan bilang isa sa pinakamayaman na tao sa buong mundo. Hindi niya makakamtan ang titulong iyon kung pusong mamon ang kanyang pinapairal. Sa negosyo ay utak ang labanan. Ang tuso ang laging nagwawagi. “Pasesnya na po talaga, Sir.” Tumitig siya sa babae. Makapal ang salamin nito ngunit makikita pa rin ang pangingitim ng palibot ng mga mata nito. Halatang walang sapat na tulog. Mukha itong haggard at mas matanda sa edad. Sa pagkakatanda niya ay nasa bente singko anyos lang ito nang tingnan niya ang resume nito. Manang rin ito kung manamit. May kulot na buhok na kahit pinusod ay sumasabog pa rin. “Okay, go back to your work!” Bumaling pa siya sa iba. “All of you!” Mabilis naman na sumunod sa kanya ang mga empleyado. Nagmatyag muna siya ng ilang minute bago umalis at tinungo ang elevator. Sa basement ay naghihintay sa kanya ang kanyang assistant na si Marvin. Bente kwatro anyos lang ito. Fresh graduate from college pero kinuha na kaagad niya bilang assistant sapagkat tinuturing niya ito bilang kapatid. Galing siya noon sa isang bar. Lasing na lasing siya ngunit pinilit pa rin na makauwi at magmaneho. Gumegewang ang takbo ng kanyang kotse hanggang sa nabangga nga siya sa poste. Hindi naman sana fatal ang aksidente ngunit nag-leak ang gasolina at eksaktong may naputol na kuryente kaya nag-spark at nagliyab ang kanyang kotse. May malay pa siya noon ngunit hindi niya magawang kumilos dahil sobrang nahihilo siya dala ng kalasingan at dumudugong ulo. Akala niya ay doon na matatapos ang kanyang buhay ngunit biglang bumukas ang pinto ng kotse at may humatak sa kanya. Hirap na hirap ang patpatin na katawan sa pagbubuhat sa kanya. Bago siya mamawalan ng ulirat ay naging malinaw sa utak niya ang mukha ng binatilyong nagligtas sa kanya. Nagising siya na nasa hospital na. Naghintay lang siya na maka-recover bago hinanap ang binatilyong iyon na walang iba kundi si Marvin. Nakita niya ito na pagala-gala sa lansangan. Namamalimos at nagnanakaw. Mukhang gusgusin. At bumabaho na dahil walang paligo. Napag-alaman niya na ulilang lubos na ito dahil ang magulang nito ay parehong namatay sa aksidente at walang kamag-anak na gustong kumupkop dito. Kinuha niya si Marvin. Inaruga. Pinag-aaral. Late lang ito naka-graduate sa koliheyo dahil ilang taon itong napahinto sa pag-aaral. Doon niya pinahintay sa basement si Marvin dahil ayaw niyang masaksihan nito ang gagawin niya kay Mr. Dela Cruz. Bagaman lumaki ito sa lansangan ay batid niyang may mabuti itong puso. Ang pagnanakaw nito ay bunsod lang ng kumakalam na sikmura nito. Bilang kuya nito ay ayaw niyang matulad ito sa kanya na nabubuhay sa karahasan. Gusto niya itong protektahan sa abot ng makakaya niya. “Kuya, bakit natagalan ka?” tanong nito. Yes, iyon ang tinawag nito sa kanya dahil ayaw niya ng Sir. Gusto niya maging komportable ito sa kanya at para hindi rin siya nito ituring na iba. “May inaasikaso lang ako.” Pinagbuksan siya nito ng pinto sa hulihang bahagi ng kotse. Pagkatapos ay tumabi ito sa kanya sa kabilang bahagi. Inutusan nito ang driver na paandarin na ang kotse. Simula nang aksidenteng iyon ay hindi na siya kailanman nagmaheho ng kotse. Kumuha siya ng personal driver. “Cancel all my appoinments for today, Marvin.” “Bakit po?” “Gusto kong mag-golf ngayon.” Tumango ito. Hindi na nagtanong pa. Alam kasi nito na magbabawas lang siya ng tensiyon sa katawan kapag nagyayaya siya na mag-golf. Alam na rin nito ang gagawin o kung ano ang kailangan niya sa sandaling iyon. Naglabas ito ng tabako mula sa kahon. Inilagay sa kanyang bibig. Sinindihan. Ilang sandali pa ay naghiti’t-buga na siya sa cigar pipe. Binuksan na lang nito ang binatana ng kotse para hindi sila ma-suffocate ng usok sa loob. Malapit na sila sa Golf club nang pinasa ni Marvin sa kanya ang cellphone dahil tumatawag doon ang kanyang asawa na si Belinda. “Yes?” “Naparusahan mo na ba siya?” kaagad na tanong nito sa kabilang linya na ang tinutukoy ay si Mr. Dela Cruz. Ito ang labis na nangalaiti sa kanilang dalawa nang malaman nito ang ginawa ng naturang empleyado. “Done. Baka sa hospital na siya kukunin ng mga pulis.” “Good.” “Where are you?” tanong niya. “I’m still here at the office.” “Belinda – “ Hindi na niya naituloy ang sasabihin sapagkat pinutol nan g asawa ang tawag. Vice-president ito ng kanyang kompanya. Tulad niya ay aligaga rin ito sa pag-aasikaso ng negsoyo nila. Sampung taon na silang kasal ngunit hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Aminado siya na nasa kanya ang deperensya. Hindi siya kailanman magkakaroon ng anak dahil baog siya. Magpagayun pa man ay hindi iyon naging hadlang sa kakayahan niya na magpaligaya ng babae sa kama. Seryoso at istrikto si Belinda lalo na sa pamamalakad sa kanyang kompanya. Dalaga pa lang ay career woman na talaga ito at goal oriented. Gusto nito na laging organisado ang lahat. Hindi ito ang tipo na mapapapirmi sa bahay at maging ulirang asawa. Ni hindi nga niya matandaan kung kailan siya nito huling pinagluto. Marami siyang babae pero si Belinda lang ang pinakasalan niya dahil bukod sa ubod ito ng ganda at sexy ay mapapakinabangan niya ito ng malaki sa kanyang kompanya dahil tulad niya ay matalino rin ito pagdating sa negosyo. At galing din ito buena familia.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO'S Naughty Daughter

read
56.6K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook