BE THE WITNESS

1200 Words
Agad na akong tumakbo pauwi nang marinig ko ang balita na ‘yon sa mga kapwa ko estudyante. Wala na akong pakialam kung hindi ako makakapasok ngayon sa klase ko. Ang gusto ko lang ay mabantayan sa ngayon ang nanay ko.  Nang makauwi ako ay ikinagulat ko nang makita ang isang may malaking katawan na lalaki sa loob ng bahay namin. Kausap niya si mama ngayon at nakaupo sila sa kusina. Naka-itim siyang jacket at nakita ko ang armas na nakatago sa gilid niya. Isa siyang pulis dito sa distrito namin.  “Ma, bakit may pulis dito?” tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata ni mama nang makita niya ako. Hindi niya siguro inaasahan na babalik ako sa bahay namin dahil iniisip niya na may klase na ako ngayon. “Kien, mag-uusap muna kami. Sa labas ka muna ng bahay,” sambit sa akin ni mama.  “Pero, Ma—“  “Ayos lang kung narito po ang anak mo. Ako nga pala si Detective Benjamin Cason. May iniimbestigahan ako na kaso na nangyari kahapon at may nakapagsabi sa akin na ang mama mo ang nakakita sa nangyari. Kinakausap ko siya ngayon upang tumestigo sa kaso,” paliwanag sa akin ng detective na ito.  “Ma, pumayag ka ba?” tanong ko sa nanay ko. Umiwas naman siya ng tingin sa akin. “Ma, akala ko ba ay hindi ka mapapasangkot sa kaso na ‘yan? Muntik ka nang mapahamak kagabi. Mas mapapahamak ka kapag nalaman nang pumatay na may witness laban sa kaniya,” dagdag ko pa.  “Pero Kien, naiisip ko palagi ang batang babae na ‘yon. Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip sa kaniya. Sa mura niyang edad ay binawian na agad siya ng buhay. Ni hindi ko man lang nagawa na matulungan siya. Kaya kahit sana sa ganitong paraan ay matutulungan ko siya upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya,” sagot ni Mama.  “Ipinapangako ko na magiging ligtas ang iyong ina. Hindi ko hahayaan na may mangyayaring masama sa witness. Siya lang ang bukod tangi na nakakita sa buong pangyayari kaya kailangan namin siya. Galing sa mayamang pamilya ang pumanaw kahapon kaya naman ay hindi pwedeng ibaliwala ang kaso na ‘to lalo na at murder ang nangyari. In-examine na rin ang biktima at nakitang nagahasa muna siya bago patayin,” sabat muli ng detective.  Miski ako ay naawa sa namatay. Kilala ko siya at ang sabi ay mabait daw siya. Matalino rin ang isang ‘yon kaya marami ang humahanga sa kaniya. Hindi inaasahan ng lahat ang sasapitin niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Wala naman akong magagawa kung ‘yon ang desisyon ni Mama.  “Siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa nanay ko. Ikaw ang sisisihin ko kung sakali na mangyari iyon,” seryosong banta ko sa detective na kaharap ko ngayon.  “Kien, matuto ka pa ring gumalang sa kaniya. Huwag kang ganiyan. Hindi naman kita tinuruan na maging ganiyan ang pakikitungo sa mga nakakatanda sa 'yo,” suway sa akin ni Mama. Napabuntong-hininga naman ako dahil sa sinabi niya. Wala naman akong magagawa dahil sinabihan na ako ni Mama. Kailangan kong respetuhin ang gusto niya.  “Ayos lang. Naiintindihan ko naman na nag-aalala lang siya sa 'yo. Totoo na maaaring manganib ang buhay mo sa oras na makilala ka bilang witness sa murder case na nangyari kagabi. Nasabi ko naman na ‘yon sa ‘yo kanina pero sisiguraduhin ko at ng mga kasamahan ko na babantayan namin kayong dalawa nang ayos. Hindi namin hahayaan na manganib ang mga buhay ninyo. Mahalaga kayo para malutas namin ang kaso na ito at magbayad ang kriminal na pumatay sa kawawang estudyante na namatay kahapon.”  “Mabuti naman kung ganoon.”  “Bukas ay susunduin kita rito upang masabi mo sa distrito ang mga nakita mo. Ike-kwento mo lang naman ang mga nakita mo na nangyari sa babae at matapos no’n ay makakausap mo ang mga magulang ng biktima. Kailangan naming malaman ang eksakto na nangyari kahapon at kung namukhaan mo ba ang kriminal. Mas madali namin siyang mahahanap kapag nalaman na namin ang mga impormasyon tungkol sa kaniya.”  “Sige, narito lang naman ako sa bahay. Wala naman akong trabaho, kaya wala akong ibang lugar na pupuntahan. Hihintayin ko na lang kayo rito bukas kung gano'n.”   Nagpaalam na ang detective na aalis na at babalik na lang bukas. May nakakita pala kay mama na dumaan sa may kweba kahapon kaya nang magtanong-tanong ang detective na ‘yon ay si mama ang itinuro nila na nanggaling sa parte na ‘yon. Hindi rin naman hilig ni mama na magsinungaling lalo na at nakokonsensya siya sa nangyari sa babae.  “Pumasok ka na sa eskwelahan, Kien. Hindi mo naman ako kailangang bantayan dahil may dalawang pulis nang naka-bantay sa labas ng bahay natin. Hindi nila ako papabayaan kaya huwag ka nang mag-alala para sa akin, okay? Mas mabuti na mag-focus ka lang sa pag-aaral mo,” sambit ni Mama.  Nagulat naman ako na may naiwan pa lang dalawang pulis sa labas. Dahil kailangan kong sundin si Mama ay nagpaalam naman ako na muling aalis na at babalik sa eskwelahan. Tinatakbo ko lang naman ‘yon kaya hindi ko na kailangan pa na sumakay sa sasakyan. Wala rin naman akong magagawa dahil buo na ang desisyon ni Mama at hindi siya mapipigilan. Mabilis lang din naman ako na nakarating sa eskwelahan. Mabuti na lang at wala pala ang guro namin sa unang subject kaya hindi ako na-absent-an. “Balita ko ay ang nanay mo ang saksi sa nangyaring krimen kagabi sa kweba, tama ba ang balita na ‘yon?” sambit sa akin ng isang lalaki kong kaklase. “Paano mo nalaman ‘yan?” Nakakunot ang noo na tanong ko. “Ibig sabihin ay totoo nga? Baka naman ang nanay mo ang pumatay kay Anna ha!” sambit niya. “Isipin mo na lang kung ano ang gusto mong isipin. Wala namang may pakialam sa opinyon mo,” sambit ko. Wala naman akong balak patulan siya. Sa oras na pumatol ako ay iisipin nilang totoo ang sinasabi ng lalaki na ‘to. “Hindi naman porket naging witness sa isang kaso, siya na ang pumatay. Ganoon ba kakitid ang utak mo?” bigla ay may sumabat na kaklase namin. Boses babae ngunit hindi ko siya kilala. Wala naman akong pakialam sa mga kaklase ko. Kilala ko lang ang mukha nila ngunit ang mga pangalan nila ay hindi ko alam. Nagtawanan naman ang mga kaklase namin dahil sa sinabi ng babae. Napapahiyang tumayo ang lalaki na kumausap sa akin kanina. Kilala siyang bully dito sa school namin pero hindi ko siya pinapansin. “Ikaw ang makitid ang utak! Hindi ka naman kasali, bigla kang puputak d’yan.” “Ang mga tanungan mo kasi ay pang makitid ang utak. Halatang hindi ka nag-aaral ng ayos. Kung sabagay ay hindi na nakakapagtaka sa isang katulad mo,” patuloy na pang-aasar ng babae. Hindi ko na lang sila pinansin pa. Masyado talagang mabilis na kumalat ang chismis. Hindi rin naman maitatago na si Mama ay isang witness sa murder case ngunit sana ay huwag nilang isipan ng masama ang nanay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD