bc

Deadly Midnight

book_age16+
701
FOLLOW
1.8K
READ
murder
revenge
dark
badboy
brave
bxg
mystery
detective
realistic earth
crime
like
intro-logo
Blurb

“Don’t mess with the special investigators.” - Kyson Leonidas

Kyson Leonidas, a college student and wanted to be a detective in the future because of what happened to his mother in the past. His mother was murdered by an unknown person and unknown reason. That’s why Kyson was seeking revenge and justice for his mother’s death. A real detective will find the culprit and make sure that they will pay for their sins.

chap-preview
Free preview
THE MURDER
“Ma! Nakauwi na po ako!” sigaw ko nang makauwi ako sa bahay. Mabilis kong tinanggal ang mga suot kong sapatos at medyas saka inilagay ang gamit ko sa upuan. Nagtaka naman ako dahil wala man lang sumagot sa akin pabalik. Sa tuwing umuuwi kasi ako galing eskwelahan ay binabati ako ni Mama. Ngunit ngayon ay mukhang wala siya sa bahay.  “Ma?” tawag kong muli sa kaniya. Ngunit wala pa rin akong natanggap na sagot. Mukhang umalis ng bahay si Mama. Isang palapag lamang ang bahay namin at may dalawang maliliit na kwarto. Mahirap lang kasi kami at hindi rin naman ako naghahangad ng malaking bahay. Ang mahalaga ay kasama ko si mama sa iisang lugar.  Habang wala pa si mama sa bahay ay naglinis na muna ako ng aming bahay. Wala rin naman akong ibang gagawin. Hindi rin ako mahilig maglaro. Nang malinis ko na ang buong bahay ay tinignan ko ang oras. Ala-sais na ng gabi ngunit wala pa rin si mama. Nasaan na kaya siya?  Kinuha ko ang de-keypad kong cell phone saka nagpadala ng mensahe kay mama. Tinanong ko kung saan siya nagpunta dahil anong oras na ay hindi pa rin siya nakakauwi. Naghintay ako ng lang minuto ngunit wala akong natanggap na reply mula sa kaniya. Kumuha na lang ako ng isang libro sa bag ko saka nagsimulang basahin ito. Mga kurso para sa kolehiyo. Isang taon na lang ay kolehiyo na ako. Sa wakas ay malapit na akong makapag-tapos upang matulungan ko si mama sa buhay.  Halos isang oras akong nagbabasa nang marinig ko na may nagmamadaling pumasok sa maliit naming pintuan. Isinara ko ang hawak kong libro saka agad na tinignan kung si mama na ba ‘yon. Hindi ko rin naman ni-lock ang pinto ng bahay namin. Sino pa ba ang magtataka na magnakaw sa ganitong klase ng bahay?  “Mama? Ano ang nangyari sa ‘yo? Bakit hinahapo ka?” sunod-sunod na tanong ko nang makita ko ang itsura niya. Nakasandal siya sa pinto ng bahay namin habang hawak ang dibdib niya na hinahapo. Agad akong kumuha ng tubig saka iniabot sa kaniya. Dali-dali niya iyon na ininom. Huminga siya ng malalim upang kumalma.  “Tara muna sa sofa,” sambit ko. Inalalayan ko siya papunta sa isang pahabang sofa namin sa salas. Hinintay ko na kumalma siya bago ko siya muling tinanong. “Saan ka ba nanggaling? Bakit ganitong oras ka na umuwi at ganiyan pa ang itsura mo ngayon?” nangangaral na tanong ko sa kaniya. “Naka-lock na ba ang pintuan?” tila kinakabahan pa na tanong niya sa akin.  “Nai-lock ko na. Ano ba ang nangyayari, Ma? May tinatakbuhan ka ba?” nag-aalala na tanong ko sa kaniya.  “M-May nakita ako na... pinatay kanina,” nauutal na sambit niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko. Para bang natutuliro na si mama ngayon at nanginginig ang mga kamay niya. Hinawakan ko naman ang mga ito upang matulungan siya na kumalma.  “Ma, sabihin mo sa akin kung ano ang nakita mo. Ano ang nangyari?” tanong kong muli. Huminga siya ng malalim. “Sa may malapit sa kweba sa kabilang bayan, napadaan ako roon. May narinig akong babae na humihingi ng tulong. Hinanap ko kung saan nagmumula ang boses niyang ‘yon. Nang mahanap ko ay nakita kong sinaksak ang isang babae sa loob ng kweba. Nakapagtago ako dahil mabilis na tumakbo ang lalaki. Natatandaan ko ang mukha niya dahil naaninag ko. Nang makaalis na siya ay agad akong lumapit sa babae ngunit wala na siyang buhay. Hihingi na sana ako ng tulong nang may marinig akong mga yapak kaya muli akong nagtago. Nakita ko na bumalik ang lalaki upang alisin siguro ang katawan ng babae doon. Akmang aalis na ako nang may madali ako kaya napatingin sa gawi ko ang lalaki. Nakita niya ako kaya agad akong tumakbo at hinabol niya ako. Mabuti na lang at may mga sasakyan na dumating kaya nakalayo ako sa kaniya. Mukhang binalikan niya ang babae sa kweba upang wala nang makakita na ibang tao,” kwento niya sa akin.  Hindi ko akalain na ganoon ang nasaksihan ni Mama kanina. “Saan ka ba nagpunta at napadaan ka sa kweba? Ma naman, hindi ba at sabi ko sa ‘yo ay mag-iingat ka lagi? Paano na lang kung naabutan ka noong lalaki kanina. Baka kung ano na ang nagawa niya sa ‘yo,” pangaral ko sa kaniya.  “Kien, anak, hindi ko akalain na ganoon ang masasaksihan ko. Isa pa ay bumili lamang ako ng gamot ko kanina kaya doon ako napadaan. Hindi ko gustong mamasahe kaya naglakad na lang ako para makatipid tayo.”  “Huwag ka nang mag-alala, Ma. Ang mahalaga ay wala nang iba pang nakakita sa ‘yo. Magpahinga ka na lang muna rito sa bahay ng mga ilang araw. Basta huwag mong sasabihin sa kahit na kanino. Baka madamay ka pa sa kaso kapag nalaman na nasaksihan mo ang nangyari. Masyadong delikado ‘yon.”  Tumango naman siya sa akin, “Sana lang talaga ay hindi niya ako nahabol. Mababaliw  ako kung sakaling nalaman o nakilala niya ako. Naaawa ako para sa babae, isa siyang estudyante at nag-aaral din sa eskwelahan mo.”  Mas ikinagulat ko naman ang balita na ‘yon. Bakit naman papatayin ang isang babaeng estudyante? Paniguradong bukas ay kalat na agad ang balita na ‘yon sa eskwelahan.  “Nalulungkot ako dahil ni hindi ko man lang siya natulungan noong narinig kong humihingi na siya ng tulong. Hindi ko rin alam kung paano ko siya tutulungan dahil wala na siyang buhay nang makita ko,” dagdag pa ni Mama.  “Wala ka namang kasalanan, Ma. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Isipin mo ang kaligtasan mo.”  Kinabukasan ay hindi nga ako nagkakamali dahil kalat na agad ang namatay na babae sa eskwelahan. Kada madadaanan ko na mga estudyante ay pinag-uusapan nila ang tungkol doon. Hindi ko alam kung ano ba ang mapapala nila kung pag-usapan nila ang tungkol sa pagkamatay ng kawawa na babae. “Kilala mo ba ‘yong magandang babae sa section A? Sinaksak daw kagabi sa may kweba sa kabilang bayan.”  “Nabalitaan ko nga ‘yon. Hindi kaya ay nagahasa siya kaya pinatay?”  “Hindi rin imposible ‘yan lalo na at maganda siyang babae. Sa ngayon ay iniimbestigahan na ang pagkamatay niya.”  “Balita ko ay may isang nakakita daw sa nangyaring p*****n. Hinahanap na ngayon ang tao na ‘yon upang maging witness sa kaso. Sana ay mahanap na kung sino 'yon. Kawawa naman ang babae na namatay.” "Crush ko nga ang babae na 'yon. Sayang ang buhay niya."  Napatigil ako nang marinig ko ‘yon. Hindi kaya si Mama ang tinutukoy nila? Ibig sabihin ay may nakakita kay Mama na naroon sa lugar na ‘yon? Hindi ako papayag na madamay si Mama. Nakaramdam agad ako ng takot. Ayoko na mapahamak ang buhay ni Mama. Kung may nakakita na siya ang testigo sa nangyaring krimen, malaki ang tiyansa na baka may magsabi sa pulisya at contact-in pa si Mama!  Hindi ko hahayaan na mapahamak si Mama at madamay sa nangyari na krimen. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook