Maxim Enriquez
Patuloy ang dagsa ng customer sa cafe. Hindi ako magkandamayaw sa bilis ng galaw ko.
“Table 10 Max!”
“Table 7 please!”
“Table 1!” Paulit-ulit na sigaw sabay kuha ko sa tray kung saan nakalagay yung mga order nila.
Medyo lumilipad din yung isip ko dahil iniisip ko kung makakapasa ba ako sa scholarship na pinag-applyan ko. Sana naman makapasa—
“What the f**k?!”
Hindi ko naman natapos ang iniisip ko nang may sumigaw sa harap ko.
Nanlaki nalang yung mata ko habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko.
“Ang init!” Sigaw niya pa habang pinupunasan yung damit niya.
Para naman akong nagising sa katotohanan. Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan yung damit niya.
“I'm so s-sorry sir! Hindi ko po sinasadya!” Bulong ko.
Iwinaksi naman niya yung kamay ko at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
“So f*****g useless! I hate this! Where is your manage—” Hindi ko alam kung bakit napatigil siya nang makita ko.
“Pasensya na po talaga. H-hindi ko po talaga sinasadya!” Agad kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.
Nakatitig lang siya saakin na sobrang pinagtaka ko.
What's happening here?” Bungad naman ni ma'am Venice nang makarating siya sa pwesto ko.
Agad naman akong tumingin sakanya. “H-hindi ko talaga sinasadya ma'am. Sorry po." Bulong ko sakanya.
Ngumiti naman siya at tumango saakin. Napatingin naman ako doon sa lalaki at nakatitig lang siya saakin.
“Sige na. Umalis ka na. I'll handle this.” Tumango naman ako kay ma'am Venice bago tumingin doon sa sir.
Nakatitig lang siya saakin kanina pa. Hindi niya na pansin yung paso ng mainit na kape sa kamay niya.
“Pasensya na po ulit.” Huling turan ko bago tumalikod at umalis na.
Agad akong dumaretso sa locker room. Hindi ko maiwasang maiyak. Ang tanga-tanga mo talaga Maxim!
Kung nagkataon wala kang pambayad sa suot nung lalaki! Mukhang mas mahal pa sa buhay mo!
ILANG minuto pa akong nanatili sa locker room bago ako puntahan ni ma'am Venice. Ang sabi niya okay na daw. Umuwi nalang daw ako at magpahinga.
Kaya agad akong nag-ayos at agad na lumabas sa back door. Agad akong naglakad para mag-abang ng sasakyan.
Pero laking gulat ko nang makita yung sir na natapunan ko ng kape na nakasandal sa isang kotse. Wala na yung suit niya pero kitang-kita sa puting polo yung mantsa ng kape.
Kitang-kita ko pang nakangisi siya habang nakatingin saakin. Hindi ako makagalaw dahil sa takot. Sabi ni ma'am Venice, okay na? Bakit nandito pa 'to?!
Nang makalapit siya saakin, mabilis niyang hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko. Kitang-kita ko na ngayon yung kabuuan ng mukha niya.
“S-si—” Hindi pa ako nakakapagsalita ay nilagay niya na yung daliri niya sa labi ko.
“Finally. I found you. You are mine now. Just mine.” Huling bulong niya kasabay ng pagdikit ng labi niya sa labi ko.
HINDI pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatakot. He just stole my f*****g first kiss. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakahalik ng kung sino. Tapos kukuhanin niya lang yung first kiss ko ng basta-basta?! Hindi pwede yon! Pero nakuha niya na! Wala naman akong magagawa.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na ang nangyari. Hindi ko na maibabalik pa.
Sinasabi ng utak ko na, 'Ok lang yan! Kiss lang yan lalaki ka Max! Walang malisya! Bro kiss lang!' Tama! Yun ang susundin ko! Ang sinasabi ng utak ko! Pero hindi naman kami magtropa. Atsaka lalaki ako wala namang sigurong mawawala diba?
'I like bitches with big boobs.' Sabi ko sa isip ko. Tama. Tama. Yan ang sundin mo Max. Ang utak mo.
Sa sobrang inis, tumayo nalang ako at naligo. May pasok ako ngayon sa cafe kahit na sinasabi ni ma'am Venice na magpahinga muna ako. Hindi naman ako gaanong naapektuhan sa nangyari kagabi. Naiyak lang ako kasi hindi ako sanay masigawan. Ang sungit naman kasi ng panget na yon! Porke ba mayaman siya gagawin na niya saakin yon? Hindi ko naman talaga sinasadya.
Gusto ko din naman pumasok. Kaya kahit sinabi ni ma'am Venice na magpahinga ako, papasok pa din ako. Hehe.
Well, ayoko ng wala akong ginagawa. Feeling ko kasi kapag wala akong ginagawa ay magkakasakit ako tapos mamatay nalang bigla. Atsaka kailangan kong mag-ipon para sa pasukan. First year college na ako. Akalain mo yon? Naitawid ko yung buhay ko hanggang ngayon.
Habang papunta ako sa kusina nakita ko ang larawang nakasabit sa dingding. Tumayo ako habang naka-pamewang sa harap nung picture at tumitig.
'Enriquez, Maxim A.' Basa ko sa isip ko ng pangalan kong nakasulat sa ilalim ng picture.
Minsan iniisip ko ano ba ang kasalanan ko ba't ang aga kong nawalan ng ina at kung bakit ako iniwan ng tatay. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din. Hindi mawala sa isip ko at patuloy pa din na umiikot doon.
Siguro kung nandito ang nanay, for sure proud na proud yon sakin. Siya kasi ang laging nagpu-push saakin na magpatuloy. Kahit hirap na kami. Hindi siya susuko. Basta daw para saakin. Bigla ko tuloy siyang na-miss.
Bago pa ako ma-bad mood tumuloy na ako sa kusina at nagluto ng makakain. Alas-dyis pa naman ang duty ko. May dalawang oras pa ako.
Habang tumitingin ako nag pwedeng lutuin sa ref, may kumatok sa may pintuan ko. Agad naman akong napatingin sa pintuan ng may buong pagtataka. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon ah! Wala naman akong mga kaibigan. Wala din akong mga kamag-anak. Kung meron man, bakit hindi nila ako hinahanap? Atsaka nasanay na akong mag-isa. Walang bisi-bisita. Wala naman talagang bumibisita saakin.
Sinara ko na agad ang ref at pumunta sa may pintuan. Binuksan ko ang pintuan pero wala akong nakitang tao sa harap ng pintuan ko. Pero ang nakakuha ng pansin ko ang bouquet ng pulang rosas na nakalapag sa harapan ng pintuan. May kasama din siyang itim na box na may gold na ribbon. Medyo may kalakihan yung box pero hindi gaanong malaki. May kalakihan lang.
Sino naman ang magpapadala nito? Hindi kaya sa kapit-bahay ito? Baka mali lang yung deliver. Baka nagkamali lang. Kaya tinignan ko ang card sa tabi ng bulaklak. Grabe. Mukha talagang pinaghandaan.
'To: Maxim Enriquez'
Nanlaki yung mata ko nang mabasa kung para kanino nga ang mga ito. Sino naman magbibigay saakin nito?
Tumingin ako sa paligid at nagbabakasakaling makita ang taong nagbigay saakin. Pero bigo ako.
Huminga nalang akong malalim bago ilagay yung bulaklak sa kamay ko at yakapin yung box. Pinasok ko nalang sa loob at pinatong sa mesa. Ilang segundo kong pinagmasdan yung itim na box. Wala naman siguro itong bomba ano?
Nagkataon pa ata na paborito ko pa ang bulaklak ang nabigay ah! Ang galing naman. Hindi ko mapigilang amuyin ang mga pulang rosas. Isa ito sa mga nagpapagaan ng loob ko ang amoy ng bulaklak. Ang sabi kasi saakin ni mama, para daw akong pulang rosas. Maganda pero matinik. Minsan sinasakyan ko nalang yung mga kabaliwan niya.
Napadako naman amg tingin ko sa kahon na itim. Mukhang mamahalin ang box pinaggastusan. May gold pa na ribbon. Pwede kayang isangla 'to? Itatabi ko sana para kapag wala na akong pera, isangla ko nalang.
Dahan-dahan kong binuksan ang box. Sa loob, unang sasalubong sayo ay mga petals ng red rose. Grabe. Ang ganda. Amoy na amoy ko pa yung rose sa loob ng kahon.
Inalis ko yung mga rose petals at nakita ko yung isang maliit na sobreng kulay itim.
Agad kong binuksan dahil na din sa kuryosidad. Lalong napakunot yung noo ko nang makita ang isang card na itim sa loob ng maliit na sobre.
Sinubukan ko naman hanapin yung pangalan ng may-ari ng card pero laking gulat ko nang makita ang pangalan ko. Kailan pa ba nagkaroon ng card?! Wala nga akong bank account!
Nakakuha naman ng pansin ko yung maliit na papel na nakasama sa card. Mabilis kong binuksan para malaman kung anong nakasulat sa papel.
'This card is yours. Buy what you want without limitations.'
Ha? Saakin? Wala nga akong maalalang may bank account na ako. Card pa kaya? Kaya hindi pwede. Hindi ko gagalawin ang card na 'to.
Atsaka wala naman akong alam ni isang impormasyon sa taong nagpadala nito. Malay ko ba kung scam 'to at ma-set up ako. Edi yari! Kung totoo man, wala pa din akong karapatan na lustayin ang perang pinaghirapan ng iba. Ang hirap kaya kumita ng pera sa panahon ngayon.
Imbis na mainis hinalungkat ko nalang ang box. At sa loob nun ay may isa pa ns box at isang letter na nakalagay sa sobreng kulay puti na may tatak na parang logo ng isang unibersidad. Parang pamilyar yung logo ng university na nakalagay sa sobre.
Itinabi ko muna yung sobre at kinuha yung maliit na box na may gold din na ribbons. Ang daming sorpresa ng itim ns kahon na 'to.
Nagulat ako sa laman nung box. Isang white gold na kwintas na may pendant initial na ‘T’. Hindi ko maalis yung tingin sa kwintas. Ang ganda kasi. Pero ‘M’ ang initial ng pangalan ko. Hindi ‘T’.
Napatingin naman ako sa tabi ng kwintas. May isang singsing. White gold din. It's beautiful. Napakunot naman yung noo ko nang makita yung hindi pamilyar na pangalang nakaukit sa loob ng singsing. ‘Trevor’
Who the f**k is Trevor?
Nagdadalawang isip ako kung susuotin ko ba ito o hindi. Hindi ko naman mga initials 'to e! Bakit susuotin ko diba?
Habang iniisip ko kung susuotin ko ba o hindi, bigla nalang may nalaglag na letter mula sa loob ng kahon. Yumuko naman ako at pinulot. Grabe. Hindi ba siya napapagod magsulat nang magsulat?
‘I'm pretty sure it looks perfect on you.’ Basa ko sa nakasulat.
Dahan-dahan ko naman sinuot yung singsing. Ang ganda lang kasi sakto. Kasukat talaga ng palasingsingan ko.
Naisipan ko nalang itabi yung kwintas. Hindi ko siya gustong suotin.
Itinabi ko na din yung bulaklak. Inilagay ko sa flower base na may tubig para hindi agad malanta.
Nawala naman sa isip ko yung sobre na kasama ng kahon. Kaya agad kong kinuha yon at binuksan.
Halos magtatalon naman ako sa tuwa sa nabasa ko. Hindi ko inaakalang makakapasa ako sa scholarship ng isang sikat at mamahaling university!
Agad akong tumingin sa family picture namin. “Makakapagtapos ako ma, pa. Pangako.”