Chapter 2

1096 Words
Maxim Enriquez Pasado alas-dyis na ako nakarating sa cafe ni maam Venice. Medyo natagalan din ako sa pagsakay dahil ang daming tao. Sobrang haba ng pila sa jeep. Muntik na nga akong hindi makasakay. Pinunasan ko naman yung pawis ko sa noo. Ang init! Sobra! "Oh? Max? Ayos kana ba? Ba't ka pumasok ngayon? Sabi ko pahinga ka muna diba?" Rinig kong sabi ni ma'am Venice habang nakatalikod ako. Humarap ako sakanya at ngumiti. Nakita ko din siyang nakangiti saakin. Iba talaga yung awra ni ma'am Venice. Lagi siyang maganda. "Ayos lang po ako ma'am Venice. Atsaka hindi naman ako nasaktan kahapon ma'am. Masungit lang talaga yung panget na yon!" Bulong ko sabay tawa ng mahina. Pangeen-courage ko na din sa sarili ko at para hindi nadin mag-isip si ma'am. Iba pa naman mag-alala 'to. Nakita ko naman siyang napangiti. Kaya napangiti na din ako. "Ikaw talagang bata ka! Laging nakakahawa ang ngiti mo." Turan niya saakin habang nakangiti. "Oh sya! Magpalit ka na. Kailangan ka na doon ni kuya Nilo mo. Basta kapag hindi mo pa kaya, magpahinga ka lang." Agad naman akong nag-thumbs up sakanya at ngumiti. Pinisil niya lang yung pisngi ko bago umalis. Napatingin naman ako kay kuya Nilo. Ang daming customer. Kaya agad na akong pumasok sa loob para magpalit ng damit. Sana walang masungit na customer ngayon. PANAY at dagsa ang dating ng customer dito sa cafe kaya nakakapagod. Isang oras ba akong nakatayo at masakit na ang mga paa ko. May iilan din akong nakikitang bagong mukha. Madalas kase yung mga suki namin ang laging nandito. Parang lahat ata sila kilala ko eh. Madalas naghihingi ng freebies. Napatingin naman ako kay kuya Nilo na naglalakad papunta saakin. Nang makarating siya sa tabi ko ay agad niyang nilapit yung bibig niya sa tenga ko. "Max pinapatawag ka ni ma'am. May sasabihin ata sayo." Bulong saakin ni kuya Nilo. Tumango nalang ako sakanya. Sinabihan niya ako na siya na ang gagawa ng nga gagawin ko. Kaya nagpasalamat ako sakanya bago naglakad papunta sa office ni ma'am Venice. Kumatok ako ng tatlong beses. Agad ko naman narinig yung sigaw niya. "Come in!" Malakas na sigaw ni ma'am na kinatawa ko ng mahina. Pumasok na ako agad at mabilis akong nilukob ng kaba nang makita si ma'am Venice na seryoso. Nakakatakot siya. Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso. Madalas siyang nakangiti at tumatawa pag nakaharap saamin. Nakikipagharutan at nakikipagbiruan. Kahit kinakabahan nilakasan ko ang loob ko. Hindi naman siguro ako tatanggalin sa trabaho."A-ahh ma'am, p-pinatawag nyo daw po ako?" Mahinang bulong ko at kinakabahan. Nakatingin lang siya ng seryoso. Kaya napangiti ako ng alanganin. Napaiktad ako sa gulat nang malakas siyang sumigaw."Congraaaats Maaaaaax!" Mahaba at malakas niyanh sigaw bago ako salubungin ng mainit na yakap. Wala akong nagawa kundi yakapin siya pabalik. "Ba't hindi mo agad sinabi sakin na nakapasa ka pala sa Smith University! Huh?" Reklamo niya agad sakin pagkabitiw ng yakap. Napakamot nalang ako ng ulo. Ano bang isasagot ko sakanya? "Eh kasi ma'am..." Bulong ko habang nakatingin sakanya. Naghihintay naman siya sa sagot ko. "Kaseee?" Sagot niya saakin habang lumalapit nang lumalapit at nanlalaki ang mga mata niya. Napapikit nalang ako. "Nakalimutan ko po!" Mabilis kong turan sakanya. Wala na akong maisip na dahilan pa. "Hay nako Max. Oh sya, maaga nating isasara ang shop. Magce-celebrate tayo!" Tila bata niyang sabi at nagtatatalon pa habang nakayakap saakin. Nagulat naman ako sa sinabi niya."Seryoso ka dyan ma'am?" Hindi ko mapigilang tanong sakanya. Bigla siyang humarap sakin ng seryoso ang mukha na kinatakot ko. "Mukha ba akong nagbibiro Max?" Seryoso niyang tanong at ginamit niya saakin yung pagiging boss niya. Masyado talaga siyang nakakatakot pag nagseseryoso. Agad akong napailing ng napailing. "Ay hindi po ma'am! Seryoso po kayo. Seryoso." Bulong ko na sinabayan pa ng tawang mahina. Ngumiti naman siya. Napaka bipolar talaga ni ma'am. Paiba-iba ang mood grabe. Agad niyang hinawakan yung pisngi ko. "Great! Magiinom tayo mamaya! Sagot ko!" Masaya niyang sabi. Ngumiti lang ako at sumang-ayon. "Salamat po ng marami ma'am!" Tanging nasagot ko sakanya habang nakayakap. "Ano ka ba ayos lang! Atsaka para na kitang anak! Konti lang iinomin natin dahil kailangan mo daw pumunta bukas sa school para makuha ang uniform at yung iba pang kailangan sa pasukan next next week! Copy?" Bilin niya pa sakin habang hinahaplos-haplos yung ulo ko. Ngumiti naman ako. "Copy!" Masaya kong bulong. Maswerte pa din ako dahil kahit papaano, may ma'am Venice na tumutulong saakin. Third Person POV “H-hindi pa ako lasing!” Malakas na sigaw ni Maxim sabay agaw ng bote sa katabi niyang katrabaho. Si Venice naman ay nakahiga na sa couch at tulog na dahil sa kalasingan. “Hindi na. Tama na Maxim. Lasing ka na.” Bulong naman ni Nilo at kinuha yung botw ng alak sa kamay ni Maxim. Pilit pa din inaagaw ni Maxim yung bote. Nag-aagawan na sila ni Nilo pero desidido si Nilo na hindi na painumin ng alak si Maxim dahil pulang-pula na yung buong mukha ni Maxim. Sa kabilanh banda naman, mabilis na bumaba si Trevor sa kotse at agad pumasok sa loob ng cafe. Hinanap agad ng mga mata niya si Maxim. Hindi naman siya nabigo at nakita niya si Maxim na nangungulit. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at mabilis na lumapit kay Maxim. “A-akin na sabi! I-iinom pa ako!” Nakapikit nang sabi ni Maxim. Agad naman kinabig ni Trevor si Maxim nang makalapit siya dito at mahigpit na niyakap sa tyan. Siya na mismo ang nag-alis sa bote ng alak na hawak ni Ellis at inabot yon kay Nilo bago maayos na buhatin si Ellis. “Hoy! Sandali!” Pigil naman ni Nilo. “Saan mo dadalhin si Max?!” Agad na sigaw ni Nilo. Tumingin naman si Trevor sakanya pagkatapos niyang ayusin yung karga kay Maxim. Bumubulong naman si Maxim habang nakakapit sa leeg ni Trevor. “I'll take him home.” Sagot ni Trevor. Nakita niyang nagdadalawang isip pa si Nilo kaya, kinuha niya yung wallet niya sa bulsa gamit yung isang kamay niya at inilabas yung ID niya mula doon bago ibaabot kay Nilo. “I'm his boyfriend. May karapatan naman siguro ako?” Bulong ni Trevor bago umalis at iwanan kay Nilo yung ID niya. Mabilis ang lakad niya hanggang nakarating sa kotse niya. Binuksan niya yung kotse gamit yung isang kamay niya. Maingat niyang inihiga si Maxim sa upuan at sinuotan ng seatbelt. Nakangiti pa siyang tumitig sa namumulang mukha ni Maxim at mabilis na dampian ng halik ang noo nito. “You are mine now, my Maxim.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD