Chapter 3

1400 Words
Maxim Enriquez   "A-arrrgh!" Daing ko nang magising ako sa sakit ng ulo. Dahan-dahan akong tumayo. Hindi ko maalala kung anong ginawa ko o ano ang mga nangyari kagabi. Hindi ko nga alam kung sinong naghatid saakin.   "s**t!" Malakas na sigaw ko sabay takip ng kumot ko sa katawan ko. Bakit ako nakahubad?! Anong nangyari?!   Pinakiramdamanan ko muna yung buong katawan ko kung may masakit ba o wala. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ulo lang naman ang masakit saakin.   Nakangiti akong humiga ulit sa kama pero wala pang dalawang segundo na nakapikit ang mga mata ko ay napamulat agad ako at napaupo sabay tingin sa wall clock na nakasabit.   “Patay.” Bulong ko nalang sabay takbo ng mabilis sa banyo. Pupunta nga pala ako sa school ngayon!   Kalahating oras nalang at male-late na ako! Lagot talaga ako nito! Bakit kasi ako nagpakalasing!           HINAHABOL ko ang hininga ko ng makaabot ako sa university. Sa sobrang pagmamadali ko, kung ano nalang ang nahatak ko sa loob ng aparador ay sinuot ko na.   Nakakahiya nga kasi pinagtitinginan ako nung mga tao sa jeep kanina.   Inikot ko naman yung paningin ko sa paligid. Marami pa din ang nakatingin saakin sa hindi ko malamang dahilan.   Dahan-dahan ko naman sinuklayan yung buhok ko gamit yung daliri ko. Baka pinagtitinginan nila ako kasi ang gulo ng buhok ko.   Hindi pa naman ako sanay na pinagtitinginan ako. Feeling ko may mali saakin. Nakakainis.   Hindi ko na sila pinansin at mabilis na pumasok sa gate. Hindi naman ako tinanong nung mga guard. Alam ata nilang scholars ang halos pumapasok. Ang alam ko kasi orientation palang ngayon ng nga scholars. Yung regular students naman, start na yung pasok bukas.   Atsaka kukunin ko yung uniforms ko at schedule. Para mapadali na ako sa pagpasok next week.           ILANG minuto na akong paikot-ikot dito sa loob. Hindi ko pa din mahanap yung auditorium nila. Grabe! Hindi ko inaasahang ganito kalaki ang school na 'to. Akala ko maliit lang kapag titignan mo sa labas. Hindi pala.   Nahihiya at natatakot naman akong magtanong. Kung makatingin kasi sila para nila akong kakainin ng buhay. Nakakatakot.   Tinignan ko yung relo ko at nakitang may 10 minutes pa akong natitira para makarating sa auditorium. Kundi male-late talaga ako sa orientation.   Inikot ko naman yung paningin ko kung saan ako nakatayo. Nakakuha ng pansin ko yung lalaking nakayuko.   Kahit pa kinakabahan naglakas ako ng loob na tanungin yung lalaki. Ayoko naman malate. Nakakahiya. Orientation palang late ka na.   Mabilis akong lumapit sakanya habang nakayuko siya. Sinamantala ko na yung pagkakataon. Sayang naman. "Hi? Pwede magtanong?" Turan ko pagka-ayos niya ng tayo habang nakangiti.   Napaiktad pa siya sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ko. "O-oh Hello? Ok lang naman." Nakangiting sagot niya sakin kahit alam kong naiilang siya sa presensya ko.   Ngumiti naman ako ng alanganin."A-ahhh, pwede itanong kung saan ang auditorium? Naliligaw na ata ako. Ang l-laki kasi nitong school." Nahihiya kong tanong sakanya sabay kumamot ng ulo at ngumiti.   Ngumiti naman siya saka tumawa ng mahina. "You're cute! But a busybody." Bulong niya na kinakunot ng noo ko. Busybody?   "Huh?" Turan ko sakanya.     Huminga lang siya ng malalim at nag-abot siya ng salamin sakin. Nagtaka ako ano naman gagawin ko sa salamin. Nakita ko siyang sumenyas  at itinuro niya ang bandang leeg ko.   Mabilis kong tinignan yung leeg ko sa salamin. Napamura nalang ako sa isip ko nang makita yung magkakasunod na hickey sa leeg ko. Saan galing 'to?!   Ngayon alam ko na kung bakit nila ako pinagtitinginan. Kaya pala. Saan ko ba galing 'to?!   Napasapo nalang ako sa noo at sinubukang burahin gamit yung daliri ko pero lalo lang pumupula.   Napatingin naman ako sakanya at napangiti ng alanganin. "A-ah meron ka ban—" Gusto ko sanang tanungin kung may pantakip siyang polbo o kahit ano. Pero ago ko pa matapos ang sasabihin ko, inabutan niya agad ako ng liquid foundation.   Agad kong binuksan yung foundation. Tinulungan niya na ako sa paglagay. Natatakpan naman siya pero medyo halata pa din. Mukha nalang siyang pantal ngayon.   Napatingin nalang kaming dalawa sa malalaking speakers sa taas nang may marinig kaming nagsalita mula doon.     "Dear students, teachers and scholars please proceed to the auditorium. Thank you." Rinig naming sabi ng mga malalaking speakers sa itaas.   Agad kong dinagdagan yung foundation at ikinalat. Mabuti nalang kakulay ng balat ko yung foundation.   “Ayan! Wala na!” Tumatawa niyang bulong. Tumawa nalang din ako at iniabot sakanya yung foundation. “Thank you.”             Ang daming estudyante ang pumapasok sa auditorium. Mabuti nalang tatlo yung entrance.   Nasa tabi ko lang yung lalaking tumalong saakin kanina. Mabuti nga nakarating pa kami dito e! Hindi din pala niya alam. Kaya sinundan nalang naman yung iba.   Bigla naman akong kinabahan sa mga tingin ng mga tao saakin. Saamin pala. Ewan ko ba. Natakpan ko na yung hickey na hindi ko alam kung saan galing.   Oh baka naman tinititigan nila ako dahil sa suot ko. Napapansin ko kasi ang gaganda ng suot nila. Kailangan ba pabonggahan? "Dont mind them bakla!" Bulong naman saakin nitong kasama ko.   Nagulat naman ako sa pananalita niya kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti lang siya sabay hawi ng buhok papunta sa likod ng tenga kahit wala naman.   Tumawa nalang ako sakanya.   Agad naming nakita yung sign ng grupo kung saan kaming upuan uupo. Sa mga scholars. Mas kaunti yung upuan ng scholars kesa sa sa ibang mga upuan. Siguro bilang lang kami.   Magkatabi kaming umupo nito. Hanggang ngayon hindi ko alam ang pangalan.   Nakipagkwentuhan ako sakanya habang naghihintay kami. Rein daw ang pangalan niya at isa siyang  artist at part time waiter. Pareho kaming scholar.   Ang dami pa naming napagkwentuhan bago magsimula yung dapat magsimula.   As usual, mga speech-speech nila. At winelcome kaming mga scholars. Bilang lang kami at 50 lang kaming lahat.   Bawat isa daw ay may sponsor. Ang galing lang. Ang babait naman nung mga sponsors.   Nang matapos yung orientation, puro rules lang naman sa buong school. Mga dapat at hindi dapat gawin. Sa mga scholars din. Kailangan i-maintain yung grade namin para hindi mawala yung scholarship namin.   Pinapakuha yung mga uniforms namin. Ang sabi, sa isang building daw nakadikit yung nga pangalan namin sa tabi ng pintuan. Gusto daw kasi ng mga sponsor namin na ma-meet kami at makilala.   Nakikita ko yung malalaking ngiti ng mga scholar na kasabay namin bago sila pumasok sa kwarto kung nasaan yung sponsors nila. Bali parang may apat ata na sponsors sa bawat room kaya hindi na mahihirapan maghanap.   Nauna na saakin si Rein na makita yung room niya. Kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa.   Nakita ko na lahat ng room sa ibaba pero wala yung pangalan ko. Kaya umakyat na ako sa itaas at nagpatuloy sa paghahanap.           LAKING tuwa ko nang makita yung pangalan ko sa pinakadulong kwarto. Medyo nagtaka pa ako kasi pangalan ko lang yung nakalagay. Wala ba akong kasamang iba dito?   Hindi ko nalang pinansin at mabilis na pumasok. Nakita ko naman yung sponsor ko na nakaupo sa upuan sa may teacher's table.   “Hello po! Magandang umaga!” Nakangiting bati ko sakanya.   Mabilis naman siyang humarap saakin at laking gulat ko nang makita yung mukha nung lalaki.   Siya yung nabuhusan ko ng kape sa shop! Siya yung nanigaw saakin.   Nawala naman yung ngiti ko at napangiwi ako.   Kinakabahan tuloy ako. Bakit siya pa? Pwede bang pa-swap nalang?   Nawala naman yung kaba ko nang ngumiti siya. “Good morning angel.” Bulong niya saakin na nagpakunot ng noo ko.   Ngumiti naman agad ako habang nakatingin sakanya. “Maxim po. Pwede din pong Max. Hindi po Angel.” Bulong ko.   Nakita ko naman siyang tumawa ng mahina. “Cute.” Rinig kong bulong niya na kinapula ng buong mukha ko. Bakit biglang nagbago yung ugali nito? Anong nakain ni sir?           HALOS mapanganga ako sa dami ng binigay niya. Phone, laptop, damit kahit underwear meron!   “S-sir? Kailangan ba lahat 'to?” Hindi ko mapigilang bulong sakanya. Tumango naman siya saakin. “Yes. Of course.” Bulong niya.   “A-ang dami naman.” Bulong ko pa.  Dahan-dahan naman siyang lumapit saakin nang hindi inaalis yung tingin sa mga mata ko.   Napaiktad nalang ako nang naramdaman ko yung palad niya sa leeg ko. Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang may kung ano siyang binubura don.   Para naman akong nanigas dahil sa ginagawa niya. Dahan-dahan niyang inilapit yung bibig niya sa tenga ko. “I want the best for you.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD