Chapter 6

1332 Words
Maxim Enriquez   Nakasakay kami ngayon sa van ni sir Trevor. Nagulat nga ako kasi ang aga niyang nasa bahay ko. Hindi pa nga ako tapos mag-empake eh! Tumulong na siya at nagpumilit kahit ayaw ko.   Ngayong ang araw na lilipat ako sa bahay niya. Ayaw ko man wala din naman akong magagawa. Ngayon ko nalang nalaman na, si sir Trevor pala ay isang mayamang businessman sa edad niya. Ang galing talaga.   Ang sa edad niyang 25, halos meron na daw siyang business sa buong mundo. Ano kaya feeling ng ganoon 'no? Yung feeling ng mayaman. Mabibili mo lahat ng gusto mo. Samantalang ako na 19 palang ay binubuhay ko pa yung sarili ko. Mas okay na saakin na mabuhay ng simple kesa malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay.   Marami daw kakompetensya si sir Trevor kaya kailangan mag-ingat din ako. Kasi daw pwede akong gamitin laban sakanya.   Hindi ko mapigilang mapanganga sa mga nadadaanan namin. Ang gaganda ng mga puno. Ang linis ng paligid at tahimik. Maya-maya pa bumukas ang napakalaking gate.   Nagningning naman yung mata ko nang makita yung napakalaking gate na papasukan namin. "Woah..." Hindi ko mapigilang mamangha sa angking ganda nito. Para itong lumang gate na may pagkamamahalin na pati ultimo kapirasong bato ay milyones ang halaga. Iba talaga kapag mayaman.   Pagkapasok namin sa loob,  puno ng puno ang paligid. Puno ng fine trees lalo akong namangha dahil parang may gubat sa loob ng bakuran ni sir Trevor.   Medyo mahaba pa yung tatakbuhin ng van namin papunta sa natatanaw kong mansyon doon sa pinakadulo. Hindi naman gaanong malayo. Pero kung tatakbuhin mo, lalawlaw talaga dila mo sa pagod.   Hinayaan ko lang ang paligid na busugin ang mga mata ko. Ang ganda talaga dito. Parang gubat talaga.   Maya-maya pa natanaw ko ang isang aso na palakad-lakad sa hindi kalayuan. Ang dungis nito pero makikita mo pa din ang angking ganda nito sa puti nitong balahibo.   Nakita kong tumingin siya sa dereksyon namin. Lalo ata akong napangiti nang makita yung asul niyang mga mata.     Kaya hindi ako nagdalawang isip pahintuin ang sasakyan. "Manong ihinto nyo muna po!" Sigaw ko kay manong. Dali-dali niya namang inapakan ang preno ng sasakyan.   Mabilis kong ibalis yung seatbelt ko pero nagsalita si sir sa tabi ko. "Why?" Rinig kong tanong si sir. Tinignan ko lang siyang isang beses. Hindi ko siya pinakinggang ang tanging goal ko ang ay makuha ang aso.   Binuksan ko na ang pinto ng van. Hahawakan na sana si sir ang kamay ko ngunit mabilis akong nakababa.   Agad akong tumakbo papunta sa puno kung saan ko nakita yung aso.   "Maxim!" Narinig kong sigaw si sir. Hindi ko pa rin siya pinansin bagkus patuloy pa din ako sa pagtakbo.   Alam kong nakasunod siya sa likod ko. Pero wala akong pakialam basta makuha ko ang aso. Kawawa naman kasi. May kinakain ba siya dito? Anong kakainin niya dito? Parang wala naman.   Pagkarating ko sa lugar na yon agad hinagilap ng mata ko ang aso. Ngunit wala akong makita.   "Doggy? Hey doggy?" Tawag ko aso na nababasakali na lumabas ito sa pinagtataguan nito.   Hindi naman ako nagkamali nakita ko siyang nakasilip sa likod ng puno. Nabighani ako sa mga asul niyang mata. Parang nakikita ko yung dagat sa mga mata niya.   Lumuhod ako ng dahan-dahan at ibinuka yung mga kamay ko. "Hey come here buddy! I won't hurt you." Nakangiti at mahina kong bulong.   Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya lumabas ng tuluyan sa kanyang pinagtataguan at naglakad palalapit sakin ng kumakaway-kaway ang buntot. Look how adorable this creature is!   Nang tuluyan na siyang makalapit saakin agad ko siyang kinarga at hinaplos-haplos sa ulo. Puro naman siya dila sa kamay ko na kinatuwa ko.   Napagalaman ko din nalalaki siya. I should think of a name. Yung pangalan na babagay sa cute na asong 'to!   Pilit niya pang inaabot yung mukha ko para dilaan. Grabe. Ang bait niya. Akala ko ay kakagatin niya ako. Pero hindi pala.   Niyakap ko lang siyang mahigpit at napagdesisyunan ko nang bumalik na sa van.   Pagkatalikod ko muntik nakong mapatalon sa kaba ng makita ko ang seryosong mukha ni sir na nakatitig sakin.   Napangiwi naman ako at ngumiti sakanya  "H-hi? S-sorry sir!" Bigla ko nalang sabi sakanya. Eh kasi naman kailangan na kailangan talaga ako ni doggy. Kaya hindi hindi na ako nagpaalam sakanya.   "Let's go! Put that dog down." Tila nalungkot naman ako ramdam ko din na nalungkot ang aso dahil tumigil ito sa paggalaw ng buntot niya.   Bumagsak nalang yung balikat ko habang hinahaplos-haplos yung ulo ng aso. May allergy ba siya sa aso?   Baka pwede ko pa siyang pakiusapan! Tama! Tama Maxim! Gawin mo ang lahat ng kaya mo!   "Sir can I bring him?" Turan ko sakanya habang nakatalikod na siya. Humarap naman ito saakin na seryoso pa din ang mukha.   "No." Tipid niyang sagot na kinainis ko.   Arrghh! Ba't ba ang hirap pakiusapan nito! Nakakainis!   "Please sir I will do anything!" Tila hindi na din ako nakapagisip ng maayos dahil sa kagustuhan kong iuwi ng aso. Kawawa kaya. Paano kapag umulan? Edi mababasa siya? Lalamigin? Tapos mamatay? Hindi pwede!   Nakita ko naman siyang ngumisi na nagpatahimik saakin. Mukhang wrong move Maxim.   Inilagay niya yung kamay niya sa bulsa niya. "Okay. You sleep with me. IN. MY. ROOM." Turan niya at diniinan pa yung pagbigkas sa huling tatlong salita sa dulo. Para naman akong tinakasan ako ng ulirat. Sa kwarto niya?! Bakit kailangan sa kwarto niya?! Pwede naman sa sala nalang!   Nawala naman yung ngisi siya at huminga ng malalim. "Okay. Ayaw mo? Then put that dog down and start walking going to t—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad pinutol yung mga sasabihin niya.   "Pumapayag na ako sir!" Malakas kong sabi sakanya kahit na wala akong lakas ng loob. Bahala na si batman. Basta maiuwi ko si doggy.   Ngumiti naman siya saakin. "Good choice. Let's go." Sabay kaming naglakad. Hindi maalis sa mukha niya ang ngiti may topak ba to?! Nakahawak naman siya sa bewang ko habang naglalakad kami at ako naman ay hawak-hawak ang aso ko.   Oo akin na siya and I already have a name for him.   I call him Mavis.   Yea. Right. Mavis. Suits to him right? Mavis for being pure and innocent.               PAGKADATING at pagkapasok namin sa mansyon ay umupo agad ako sa sofa at pinagmasdan ang aso. Nakatitig lang siya sakin na para bang naghihintay ng sasabihin ko.   "Okay buddy! I decided to give you a new name! Great right!" Pakikipag-usap ko sakanya. Hindi ko na nga pinagmasdan kung gaano kaganda yung mansyon ni sir Trevor dahil mas excited ako kay Mavis.   Winawagayway niya lang yung buntot niya habang nakatingin saakin na para bang naiintindihan ako.   "From now on you are Mavis! My Mavis." Nagulat nalang ako ng tumalon ito sa lapag at umikot. Ang galing!   “Wow! Ang galing mo Mavis!” Hindi ko mapigilang turan at namamangha kong sabi sakanya. Tumahol naman ito ng dalawang beses.   Nagtataka ako sinong amo nito bakit kaya nilang hindi pahalagahan ang ganitong ka-cute na nilalang?   "Mavis are you hungry?" Tumahol ito ng dalawang beses. Kinarga ko na siya at nagpunta kami sa kitchen.   Sinundan ko lang ang daan na alam ko and tadaa! Nasa kitchen na kami!   I tried to find a dog food but I didn't found even one! I sigh because of frustration.   Paano na 'to nagugutom na siya? Sinubukan kong maghanap ng kaning lamig. Pero wala din! Wala din akong makitang rice cooker o kaldero! Ano ba namang bahay 'to!   “Wala man lang dog food o kanin Mavis. Paano na 'to.” Pakikiusap ko sakanya. Nakatingin lang ito saakin na para bang nagmamakaawa.   Anong gagawin ko? Sinubukan ko ding maghanap ng tinapay sa mga cabinet. Pati na din doon sa isang maliit na kwartong puro estante na walang laman.   Nagulat nalang ako ng may nagsalita sa likuran ko. Nakita ko si sir Trevor na may hawak ng supot ng dog food at pagkainan. Nakangiti lang siya na abot tenga. "Here! Feed our first baby."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD