Maxim Enriquez
"Oh!? Bakit ang aga mo ngayon Max?" Tanong sakin ni kuya Nilo. Lumapit ako sakanya at nakipag-apir tsaka ngumiti ng malaki.
Maaga na akong pumasok. Wala naman akong gagawin sa bahay ko kundi tumunganga nang tumunganga.
"Eh! Naiinip po ako sa bahay ko. Atsaka ilang minuto nalang po naman bago yung shift ko." Tumango naman siya at ngumiti. Kumaway lang ako sakanya bago siya umalis.
Ako naman dumiretso na sa locker room at nagbihis. Kakausapin ko na din si ma'am Venice maya-maya. Aayusin ko kase yung schedule ko dito.
Bali tuwing hapon hanggang gabi nalang shift ko. Mas okay na yon para makapag-focus ako sa pag-aaral.
Sayang naman kung hindi ko pa pagbubutihin. Sayang yung magandang opportunity.
Biruin mo, may magpapa-aral na saakin. Binigyan pa ako ng mga gagamitin ko. May monthly allowance pa. Saan ka pa diba?
Pagkalabas ko ng locker room ay agad kong nakita si ma'am Venice. Nasa may frontdoor ng cafe parang may kinakausap kaya agad-agad akong lumapit sakanya.
"Ma'am Venice? Good morning!" Tila naman nakuha ko ang pansin nilang dalawa pati na din ang kausap niya.
Ganoon nalang ang gulat ko nang nakita si sir Trevor. Matiim itong nakatitig saakin na para bang kinakain ako nito sa mga titig niya.
Napangiwi nalang ako. "A-ah sir T-trevor ano pong atin?" Kinakabahan kong tanong sakanya. Hindi naman siya sumagot at nakatitig lang saakin habang yung mga kamay niya ay nasa loob ng pantalon niya.
Napatingin naman saakin si ma'am Venice. "Oh?! Good you are here na! Akala ko ipapatawag pa kita kay kuya Nilo mo e! Common we have something to talk." Ilang segundo ko pa tinitigan si sir Trevor bago tumingin kay ma'am Venice at tumango.
Tumingin ako kay sir trevor na para bang nagtatanong kung kasama ba siya sa pag-uusapan namin ni ma'am Venice.
Tumingin naman saakin si ma'am Venice. "The three of us. Hehe." Sinimulan akong kahabahan ng marinig kong kaming tatlo ang mag-uusap usap. Anong pag-uusapan namin? Bakit kailangang kasama si sir Trevor?
Ngumiti nalang ako ng alanganin nakita ko naman si sir na ngumisi na para bang natutuwa pa. Hayop.
NANG makadating kami sa office ni ma'am. Unang umupo si maam sa swivel chair niya.
Nakita ko naman na nakatingin lang sakin si sir. Nakatingin lang din ako sakanya na para bang naghihintayan kami.
Pinagtitinginan kami ni ma'am habang nakangiti. "Pwede naman kayong umupo." Turan niya saamin.
Eh? Paano kami uupo pareho kung iisa lang upuan. Inikot ko ang mata ko kung may iba pa bang upuan si maam pero wala talaga tanging bookshelf at table lang ni ma'am ang andito. Wrong timing!
Tumingin naman ako kay ma'am Venice. Napatakip nalang siya ng bibig. "Ohh.. It's my fault. Hehe. Tinapon ko na kase yung ibang gamit ko sira na. Sorry. Hehe." Turan ni ma'am habang nakangiti at nag-peace sign.
Tumawa nalang ako at ngumiti sakanya. Kahit kailan talaga.
Hinarap ko naman si sir Trevor at tinuro yung nag-iisang upuan sa harap ng table ni ma'am Venice. "Ah... sir Trevor? Kayo nalang po yung umupo. Tatayo nalang po ako." Nakangiti kong turan sakanya.
Tumingin ito sakin ng nakakunot ang noo. "No. Ikaw ang umupo." Sagot naman niya saakin at itinuro pa yung upuan.
Umiling naman ako. "Ah, no sir! Ikaw nalang ako po yung empleyado. Kaya kayo po yung umupo." Nakangisi kong sagot. Tama naman ako diba?
Tumitig ito sakin na para bang naiinis. Napangiwi nalang ako bigla. "I said no!" Singhal niya saakin.
Kumunot naman yung noo ko. Aba! Sinusubukan ako ng sir na 'to!
"Sige na sir." Pilit kong sabi sakanya.
"No!"
"Sige na sir!"
"No!"
"Arghh! Sir upo na!" Naiinis kong sigaw at pinadyak ko na yung paa ko sa inis.
Nakita ko naman siyang nakangiti. Napangiti nalang din ako nang umupo na siya sa upuan.
Kampante na akong tumayo at handa nang makinig kay ma'am.
Pero napatingin ako sakanya nang tawagin ulit ako. "Come here!" Turan niya saakin.
Agad naman akong lumapit. Baka magbago pa isip nito at tumayo.
"Yes sir?" Agaran kong tanong sakanya pagkalapit ko habang nakangiti.
Hindi siya nagsalita bagkus hinatak niya ako paupo sa hita niya.
Napakapit nalang ako sakanya at napasigaw. "SIR!" Malakas na sigaw ko habang nakahawak sa kamay niya.
Napatingin naman ako kay ma'am Venice. Napatakip nalang siya ng bibig. "OMO?!" Sigaw niya pa.
Pulang-pula ang buong mukha ko dahil sa ginawa niya.
Pilit kong inaalis yung kamay niyang nakapalupot sa tyan ko. "Sir!? Let me go!” Bulong ko sakanya at sinubukan kong tumayo. Pero hindi ako nagtagumpay dahil niyakap niya ang bewang ko na para bang ayaw niya ng pakawalan.
Narinig ko lang yung mahinabg tawa niya. "Shall we start?” Turan niya pa kay ma'am Venice. Nangilabot pa ako nang dumampi yung hininga niya sa batok ko.
"Sir?! ano ba! Let me go!" Pilit kong bulong sakanya. At pilit ko din inaalis ang dalawang braso nakapulupot sa bewang ko.
"No." Sagot niya. At lalong hinigpitan ang yakap sa bewang ko.
"Let's start miss." Ulit niyang sabi kay ma'am. Pilit ko pa din na inaalis yung kamay niya. Pero mas malakas siya saakin.
"O-okay" Parang tuod si ma'am na hindi ko masabi habang sinasabi niya yon. Hindi rin maalis ang ngiti niya.
HALOS kalahating minuto din ang tinagal ng usapan. Napag-usapan namin yung schedule ko dito.
Napag-alaman ko din na si sir Trevor pa ang personal na lumapit kay ma'am Venice para sa usaping ito.
Gusto pa nga daw ni sir Trevor na huminto ako sa pagtratrabaho pero ayaw ko. Ayoko naman na umasa lang sakanya tsaka nahihiya ako.
Tatayo na sana ako ng hindi pa din ako pinapakawalan ni sir Trevor. "What now? Sir?!" Bulong ko sakanya.
"I want Maxim to live in my house." Pagkabitaw ng mga salita niyang yon, tila tinakasan ako ng ulirat.
"WHAT? NO! HINDI PWEDE!" Sigaw ko sakanya. Magkasalubong ang kilay kong tumingin sakanya. Hindi pwede talaga!
May bahay ako, sariling buhay at sa bahay ako titira!
"Ahh? W-whats your reason sir?" Gulat na sabi ni ma'am Venice. Hindi ko alam kung nagugulat ba siya o kinikilig.
Pilit na din akong tumatayo pero mas lalong tinitigasan ni sir Trevor yung kamay niyang nakapalupot sa bewang ko. "For his safety." Sabi ni sir na para bang okay na okay sakanya. Okay naman talaga sakanya e!
"Oh yun naman pala eh! For safety naman pala! Ok na ok ako! Hehe." Tila kinikilig na sabi ni ma'am Venice at naka-thumbs up pa.
Umiling naman ako. "Ayoko." Pangkokontra ko sakanya. Habang naka-crossarm pa. Hindi ako papayag ano!
Huminga naman ng malalim si sir Trevor. "Okay. If that's what you want. Be ready baka may magpaulan ng bala sa apartment mo." Halos naman lumuwa yung mata ko sa gulat. Bakit ako pauulanan ng bala?!
Kung mangyari man yon kung saka-sakali hindi ko alam ang gagawin ko.
Ilang beses pa akong nagpalipat-lipat ng tingin kay ma'am Venice at Trevor. Si Trevor, nakangisi lang habang nakayakap saakin. Si ma'am Venice naman, paulit-ulit na nag-thumbs up at tumatango-tango pa.
"Okay fine!" Napipilitan kong sabi sakanila. Napa-irap nalang ako sa inis.
"Good. Papayag ka din pala Max gusto mo pa ng tinatakot. Hihi." Kilig na kilig na sabi ni ma'am.
Napaiktad nalang ako nang maramdaman yung mainit at basang labi ni sir Trevor sa batok ko. "Thank you kahit napipilitan ka."