Chapter 21

1732 Words

Pagkarating niya ng mansyon ay wala nga siyang nadatnan, ni anino ng kung sinuman ay wala siyang nakita. Tanging mga kasambahay lamang nila ang bumati sa kaniyang pagbabalik. "Nakakain ka na ba señorita? Anong gusto mong kainin? Gusto mo bang ipaghain kita?" sunod-sunod na tanong ng isang katulong ng naupo siya sa sofa. Nakangiting tiningnan niya ito. "Gatas at tinapay lang po," tugon niya. Sa totoo niyan ay gutom siya, pero ang mas gusto niyang gawin sa sandaling 'to ay ang magpahinga. Labis na nalamog ang katawan niya nang dahil sa ginawa nilang dalawa ni Nigel. Speaking of Nigel, gising na kaya ang isang 'yon? Sana naman sabihin ng assistant nurse nito na umalis na siya. Bakit ba kasi hindi niya kinuha ang selpon number nito? Edi sana hindi siya nagpapakahirap ngayon kakaisip sa ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD