True to her words, hindi nga siga makapaglakad. Umaga na ng magising si Krista, at sa pagdilat ng kaniyang mga mata ay nasa pamilyar na silid siya—naroroon pa rin sila ni Nigel sa munti nitong pahingahan sa klinika. Mabilis niyang tiningnan ang katabi ng makarinig ng mahinang hilik. Umarko ang sulok ng kaniyang labi ng makitang mahimbing itong natutulog, ang mga labi nito ay bahagyang nakaawang samantalang ang isang braso naman nito ay nasa kaniyang bewang. "Ang pogi naman talaga," bulok niya at napaihip na lamang ng hangin. Tiningnan niya ang orasan na nakadikit sa dingding, mabilis siyang napatayo ng makitang pasado alas nuebe na ng umaga. Yare! Kailangan niya ng umuwi dahil malalagot siya sa mom niya. Ngayong araw pa naman aalis ang mga 'yon, babalik na ulit sa pangangampanya. Pa

