"Where did you go girl? Bakit hindi mo ako sinama?" Nakangusong salubong sa kaniya ni Piper na may hawak-hawak na saging.
"Naglibot lang ako sa bayan," tugon niya at sa pisngi ito'y hinalikan.
Maingat niyang inilapag ang kaniyang cartwheel hat sa clear glass island counter, at binuksan ang napakalaking itim na refrigerator sa tabi niyon. Kumuha siya ng fresh orange juice at isinalin iyon sa isang malaki't, babasaging malinaw na baso.
"At isa pa, paano kita maisasama e sikat ka? Paa mo pa lang pagkakagulohan na nila," dugtong niya't si Piper ay tiningnan sa mata.
"You're over reacting girl," Piper even roll her eyes. "Probinsya 'to. Walang makakakilala sa 'kin dito kaya you should relax,"
"Anong wala?" Sagot niya. "For your information lang Piper ah? Uso na Ang internet at selpon ngayon, hindi rin remote area ang kinaroroonan natin kaya paniguradong maraming nakakakilala sa 'yo rito. Pero kung gusto mo talagang lumabas, try wearing a disguise." She suggested.
A wide smile forms in Piper's lips and hugs her tightly. "Thank you for your suggestion girl! That's a big help. Palabili ako kay Kuya Pace ng disguise mamaya, I really want to breathe and unwind."
"I know what you feel," marahan niyang tinapik ang likod nito. "You deserve it Piper..." She added and let go.
Inisang lagok niya ang orange juice at siya'y napapikit ng ang lasa niyon ay umapaw sa kaniyang bibig. It tastes so sweet and refreshing.
"Isn't it sweet?" Nakangalumbabang tanong sa kaniya ni Piper.
"It is," she replied then licks her lips.
"Ako namitas niyan sa farm kanina dahil wala akong nagawa," pagmamalaki nito. "Iyon nga lang nakabuntot sa akin si Kuya Polaris buong araw. Ang kulit-kukit, ayaw akong tantanan,"
Mahina siyang natawa nang dahil sa sinabi nito. "Alam mo naman si Kuya Polaris, he can't leave without you and so as my older brother."
"Anong they can't leave without us? Ang sabihin mo, wala lang talaga silang mapag-tripan."
Ang mahina niyang pagtawa'y nauwi sa halakhak nang dahil sa pakuntyada nito. Kahit kailan talaga si Piper ayaw ng magulo, pero nag artista kung hindi ba naman siraulo.
"They may be playful to us but to others?They're so stiff as stone and as cold as ice," she said with a smile.
"You're right," tumatangong pagsang-ayon nito. "Para silang nag-iibang tao kapag iba ang kaharap o kausap—in short, they're lunatic psychos." Piper even starts on shivering.
"But the most dangerous of all is our F cousin's, kaya talagang malabo na si Ate Farrah ang mayroong tinatagong anak sa pamilya."
Who is she referring to? The F cousin's that she's talking about are her cousin Faiz, Flynt and Fane. They're the most cunning and dangerous of them all, they inherited it from Uncle Evander who's an ex-navy soldier.
"I agree with that," Piper replied. "Masyado silang over protective at mahigpit kay Ate Farrah kaya talagang malabong siya 'yon, pero baka isa naman sa tatlo ang hinahanap natin."
That gets her whole attention.
"What if isa nga sa kanila ang may anak? Anong mangyayari? Will there be a trouble? Who's the unlucky but lucky girl?" Sunod-sunod niyang tanong na tila ba'y isang reporter.
"Iyan ang iimbestigahan natin..." Ani Piper at hinawakan pa ang kaniyang magkabilaang balikat. "Listen here my dearest cousin. The two of us will uncover the truth—tayo lang at Wala ng iba," seryoso nitong wika.
"Yes—"
"Ano na naman ang ginagawa niyong dalawa?" Nakapamewang na pagputol ni Kuya Polaris sa kaniyang sasabihin. "Are you on it again?"
"What are you talking about brother?" Taas kilay na tanong ni Piper.
"Ang tinutukoy ko ay ang pagpapanggap niyong dalawa bilang isang ispiya at imbestigador," paliwanag nito na nagpalinaw ng kaniyang mudo.
"Ohhh...Akala ko kung ano na," saad niya at bahagya pang tumawa.
Indeed, she and Piper loves playing pretend—and most of the time they play as spy and police investigators, and their suspects? No other than their cousins and brothers.
"So what if we're playing pretend? Shoo ka nga ro'n kuya!" Pagtataboy ni Piper dito. "You're so epal talaga like nakakairita,"
"Aba!" Hindi makapaniwalang wika ni Kuya Polaris. "Pagkatapos kitang payongan at samahan sa farm kanina gaganyanin mo 'ko!"
"Sino ba kasing may sabi sa 'yo na samahan mo ako? Hindi mo ako tinulongan kuya. Nanggulo ka lang!" Singhal ni Piper dahilan para siya'y mapaatras.
She'll be witnessing world war three in the moment. Nakikita niya ang kaniyang sarili gayon din ang kaniyang Kuya Kohen sa dalawang taong nagtatalo ngayon sa kaniyang harapan.
It is a very natural disaster. A fight over two siblings na palaging nangyayari sa mansyon na ito magmula noon hanggang ngayon.
She saw some maids laughing around the corner, but they didn't bother stopping the two persons who are fighting. Wala e, nasanay na sila sa ganitong scenario—sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, aala na silang ibang ginawa kundi ang magsigawan at mag-away-away.
"Dapat sa 'yo pinunas na lang sa kumot e!" Pakuntyada ni Kuya Polaris na halos ikaluwa ng kaniyang mga mata.
She saw how Piper's face turns from red to pale. Kagaya niya'y nagulat din ito sa binitawang salita ni Kuya Polaris.
"W-what did you say?!" Malakas na sigaw ni Piper ng makabawi.
Ngumisi naman si Kuya Polaris ng nakakaasar at talagang humakbang pa papalapit kay Piper. "Ang sabi ko...sana pinunas ka na lang sa kumot,"
With that, Piper's loud cry echoes around the kitchen, na sinundan ng napakaraming yabag samantalang siya naman ay nanghihinang napasandal sa island counter nang dahil sa nasubaybayan.
"What happened here?"
"What did you do kuya?"
"Why are you crying Piper? Who made you cry?"
"What the hell..."
"Ay umiiyak ang disney princess number two namin,"
"You're dead Polaris..."
"Ipaghuhukay na kita ng libingan sa labas pamangkin,"
Krista can't tell who's who nang dahil sa rami ng mga ito, basta ang alam niya lang ay hindi na siya makahinga ng maayos nang dahil sa labis na pagpipigil ng tawa.
Kahit kailan talaga'y walang awang mang-asar ang kaniyang Kuya Polaris, at kahit nga siya'y walang ligtas dito lalo na kapag ito ay lasing o nakainom.
"Daddy!" Malakas na sigaw ni Piper habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Umingos lamang si Kuya Polaris at nginisihan pa ito, dahilan para masapo niya ang kaniyang noo.
Nilapitan niya sa isang sulok ang kaniyang Kuya Kohen na may hawak-hawak na popcorn.
"Where did you get that kuya?" Bulong niya rito at kumuha ng popcorn.
"I don't know. Inabot lang sa 'kin 'to ni dad," sagot nito at nginuso ang dereksyon ng kanilang amang kagaya nila ay may popcorn din—may beer pa.
Mahina siyang natawa nang dahil doon. She saw her other two uncle's betting around on who's going to win, some of her cousins are taking videos and photographs and some of them are laughing their asses out.
"Anong daddy?" Sabi nito. "Iyakin ka na nga hanap ka pa ng kakampi,"
"Daddy!" Piper shouted again while stomping her feet.
"Go disney princess number two!" Her older brother cheered na siyang kaniyang kinatawa.
Hinampas niya ito sa braso kasabay ng pag-iling. "Kuya nga..."
"Bakit?" Kunot noong tanong nito. "Support nga ako e,"
"Dapat nga sinusuway mo sila e," sagot niya.
"Ei? Bakit hindi sila?" Itinuro nito ang kaniyang ama at tiyuhin na palaki na nang palaki ang pusta, dahilan para manlaki ang kaniyang mga mata.
"Oh god..." She whispered in horror.
Anong klaseng pamilya ang meron siya? Yes—they are wealthy pero may mga sapak sa ulo, lalong-lalo na ang mga lalaki sa angkang 'to.
"Ano? Iiyak ka na lang? Weak!" Tumatawang saad ni Kuya Polaris. "Kung hindi sa kumot, sa tissue ka na lang sana pinunas!" Sinundan pa iyon ng malakas na halakhak.
"Y-you're such a jerk!" Humihikbing saad ni Piper at binato ng mansanas si Kuya Polaris na siyang walang kahirap-hirap naman nitong nasalo.
"Tingnan mo, hindi ka lang iyakin nag-aaksaya ka pa ng prutas at pagkain," Kuya Polaris tsked. "Dapat talaga pinunas—"
"What the hell do you think you're doing Polaris Reed Moral Fortner?!" A loud angry voice shouted dahilan para lahat ay mapahinto.
Mabilis niya iyong tiningnan at ang kaniyang labi ay napaawang ng makita ang kaniyang Tito Elijah, kasama nito ang kaniyang ina, together with her Auntie Frances and her Uncle's wife—Auntie Paizleigh.
"Oh s**t! I'm dead!" Sigaw ni Kuya Polaris at mabilis na kumaripas ng takbo papaalis.
Samantalang sila ay halos mawalan na ng malay tao sa labis na kakatawa.
"Magtago ka ng maigi Polaris! Hindi ka na sisikatan ng araw!" Malakas na sigaw ng kaniyang Kuya Kohen at siya ay inakbayan.
"Ano ba 'yan quits na naman?" Rinig niyang saad ng kaniyang dahilan para mabaling dito ang kaniyang tingin. "Kahit kailan talaga si Elijah wrong timing," at talagang masama pa ang loob nito.
"Ang epal mo naman Elijah!" Sigaw naman ng kaniyang Tito Evander.
"Hindi mga manok ang anak ko para pagpustahan niyo kuya!" Nanggagalaiting sigaw ni Tito Elijah pabalik.
"Para namang hindi mo pinagpupustahan ang mga anak namin," sagot ng ama niyang ngayon ay may mga matang matatalim.
'Yong totoo? Ama niya ba talaga 'to?
Napailing at nagpakawala na lamang siya ng isang malalim na hininga nang dahil sa pagrereklamo, pagmamaktol, at pagpapalitan nito ng mga walang saysay na salita.
Siya ay tumayo at naglakad papalapit s kaniyang inang mayroong masuyong ngiti sa labi.
"Mom, dad is in it again..." pagtukoy niya sa pagiging isip bata ng kaniyang ama.
Her mother heave a sigh and kisses her cheeks. "Hindi ka pa ba nasanay anak? Ganiyan naman 'yan palagi,"
"Why did you marry him again?" Hindi mapigilang tanong niya.
Her mother chuckles and said, "Because I love him."
She sigh and get her cartwheel hat above the island counter. And as she starts on walking, maraming katanongan ang namuo sa kaniyang isipan. Mga katanongan na hindi masasagot hangga't hindi niya iyon nararamdaman—love.
Piper already calmed down, in fact she's just pretending. Gano'n naman palagi, wala ng bago pero kahit gano'n mahal na mahal niya ang pamilyang 'to.
Bawat isa sa mansiyong ito ay may tinatago. Is it because it's bad? Or is it because for protection? Hindi niya rin alam, basta ang alam niya ang mga taong naririto ay kakampi niya.
Nang tuloyan niya ng narating ang kaniyang silid ay mabilis niyang ipinatong sa kaniyang vanity table ang cartwheel hat na ibinigay ni Nigel. Speaking of Nigel, is he home or working?
She slaps her self and makes face because it hurts. "Why am I even thinking of him?" Tanong niya sa kaniyang sarili.
Upang hindi niya na maisip pa si Nigel ay tinalikuran niya ang naturang sumbrero. Kumuha rin siya ng isang malinis na papel at nagsimula ng magsulat.
_Suspects for hiding a daughter_
( Suspect Number 1: )
Name: Kohen Lance Fortner
Occupation: Governor
Age: 34
( Suspect Number 2: )
Name: Faiz Evander Fortner
Occupation: Mayor
Age: 33
( Suspect Number 3: )
Name: Polaris Reed Fortner
Occupation: Doctor
Age: 33
( Suspect Number 4: )
Name: Flynt Evan Fortner
Occupation: Marine
Age: 32
( Suspect Number 5: )
Name: Fane Eric Fortner
Occupation: Kindergarten Teacher
Age: 32
( Suspect Number 6: )
Name: Pace Russel Fortner
Occupation: Racer
Age: 30
Assigned Investigator/s:
—Gabriella Krista Fortner
—Piper Ray Fortner
A proud and satisfied smile forms in her lips as she finished writing all the names. Starting tomorrow, Piper and she will going to start their special mission s***h investigation. But for now, she needs to freshen up and take a nap because she's tired.
Maayos niyang itinupi ang papel at inipit iyon sa isa niyang mga libro.
"Time to take a bath,"