TINA'S POV
"Ambassador!" pikit matang tawag ko sa gwapong Diplomat na abala sa pagsusulat sa kanyang lamesa. Seryoso itong napatingin sa akin habang ako naman ay pigil na pigil ang aking hininga. Hindi ako pwedeng umuwi ng bansa, magmumukha akong talunan at kawawa. Nakaasa sa akin ang aking pamilya at umaasang magbibigay ako ng kasaganahan sa aking pamilya.
"Bakit? May kailangan ka pa ba, Miss De Guzman?" mahinahong tanong nito.
"Sir, hindi po ako pwedeng umuwi ng Pilipinas. Umaasa sa akin ang pamilya ko," naluluhang pakiusap ko.
"Ms. De Guzman, kahit gustuhin namin ay wala tayong magagawa. Tourist Visa ang gamit mo Pero nawala ang mga gamit mo kasama na ang lahat ng papers mo bukod pa roon ay wala na rin ang pocket money mo kaya the best thing we can do is to send you back to our country" mahinahong paliwanag nito.
"Sir, baka pwede pong magawang ng paraan para mapalitan ang visa ko"
"Let's say I can give you a Temporary Travel Document or Replacement Passport but how can you survive here without enough cash?" Kalmado pa rin nitong Saad.
"Baka pwedeng pautangin niyo na muna ako, Sir. Babayaran ko Rin kaagad kapag nakahanap ako ng trabaho." Kinapalan ko na ang aking mukha para nakautang dito
"So you're saying Miss De Guzman na nagpunta ka rito sa Madrid ay para magtrabaho at hindi para maging turista?"
"Actually po sir, parang ganoon na nga Pero hindi naman po iyon illegal hindi ba?"
"Yes it's not, but it can lead into illegal kapag napaso na ang visa mo at hindi ka nag-apply ng working visa na nagiging dahilan kung bakit may mga TNT dito at iyan ang iniiwasan natin mangyari." Mahinahon pa nitong paliwanag.
Pero Desperado na ko.
Lumapit ako dito patungo sa kanyang upuan sa gilid ng lamesa at lumuhod. Bakas sa mukha nito ang taranta at pagkagulat ngunit wala na akong pakialam kung may makakita. Wala na akong ibang alam na paraan.
"Sir, please tulungan mo ko. Kaya Lang naman ako nagpunta talaga dito ay para magtrabaho at para Rin i-surpresa ang boyfriend ko Pero hindi ko naman inaasahang ako pala ang masu-surprise. Isipin niyo Yun sir, noong papunta siya rito halos lahat ng gastos Niya ako ang gumastos na hindi alam ng mga magulang ko Pero ngayong ako ang umalis para magpunta dito, hindi ko naman inaasahang ibebenta ni Papa ang nag-iisa naming bulog na baka para Lang matuloy.." pakiusap ko rito.
"Miss De Guzman, Tumayo ka diyan" natatarantang Sabi ni Ambassador Xander habang nakatingin sa akin at tumitingin din sa pinto. Sa halip na makinig ay mas lalo pa akong lumapit dito at hinawakan ang kanyang pantalon sa bahaging binti.
"Sir!! Tulungan mo na ako. Babayaran ko na lang po. Ayaw Kong umuwi ng bansa na wala man Lang napatunayan.. Broken Hearted na nga Broke pa ang bulsa sige na sir" umiiyak ko ng Sabi at hindi ko napigilang mapayuko upang punasan ang aking mga mata Pati na rin ang aking uhog na nag-uumpisa ng lumabas sa aking ilong.
"S-sige na.. I will help you but please stand up, baka may makakita sa'yo..." anito habang tinatapik ng mahina ang aking ulo. Magaan pa rin ang Boses nito na para bang nagpapatahan ng Isang batang umiiyak Pero ramdam ang Kaba sa kanyang bawat salita.
"Xander, I'm here with other Governors. They just want to say hi to---- what are you doing here in broad daylight?!" Singhal na sigaw ng Isang matandang lalaki, sa likod nito ay ang tatlo pang mga kalalakihan.
"Lo?!" mulagat na sigaw pabalik Rin ni Ambassador Xander.