TINA'S POV Habang nasa biyahe pabalik ng La Cinca ay hindi mawala sa aking isip ang paraan ng pagtingin ni Ambassador sa baby nina Mara at Onyx. Halos sabay pa nga nagpresenta silang dalawa ni Jasper na maging Ninong ng bata at nagbigay na kaagad ng tseke na may maraming zero na nakasulat. Hindi man nito sabihin at may pakiramdam akong gusto na nitong nagkaroon ng sariling anak pero handa na ba ako maging isang ina? May aalinlangan at pagdadalawang isip pa akong nadarama lalo na at hindi ko pa natutupad ang iba sa aking mga pangarap. Pangarap ko ang maikasal sa simbahan, kung sakaling hindi ako yayain ni Ambassador ay ako na ang mag-aaya. Sa ngayon, kailangan kong makapag-ipon para matuloy ang pinapangarap Kong church wedding. Nag-iisa akong anak nina Mama at Papa, gusto ko naman na mar

