Chapter 56

1776 Words

TINA’S POV Saglit na nagpaalam ako upang magpunta sa banyo. Para akong nahihirapan huminga habang kasama ang mga ito sa iisang lamesa. Ang ikatlong henerasyon ng Dela Cuadra kasama ang kani- kanilang mga asawa. Pakiramdam ko, dapat ay hindi ako nabibilang sa kanila sa pino ng mga kilos at sa mga estado ng mga ito sa lipunan. Pagkalabas ko ng cubicle ay siya namang pagdating ng mga asawa nina Jasper ang isa sa kambal at ni Onyx, kung hindi ako nagkakamali ang mga pangalan nila ay Gwen at Mara. “Hi,” bati sa akin ni Gwen. “Hello,” nahihiyang sagot ko. “Sandali lang, hintayin mo kami ha,” sabi naman ni Mara. Pumasok ito sa isa sa mga bakanteng cubicle, ilang sandali pa ay lumabas ito sunod naman si Gwen. “Huwag na muna tayo bumalik doon,” sabi ni Mara habang naghuhugas ng kamay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD