Chapter 7

1354 Words
Xander's PoV  Kahit ayaw ay wala akong nagawa kanina kung hindi pagpanggapin ang ang Isang babaeng minalas na manakawan sa unang araw Niya palang ng pagtapak dito sa Madrid. Alam kung naging Desperado lang ito kaya nagawa ang bagay na iyon. Sa katunayan, hindi lang naman ito ang unang taong lumuhod sa harapan ko para magmakaawang matulungan. Iba-iba ang sinasapit ng mga sinawing-palad dito sa ibang bansa, may ibang nakipagsapalarang nagiging matagumpay at may iba namang pinagkaitan ng tadhana na uuwi ng bansang nasilid sa kahon. Marahil ay naantig ako sa mga kwentong aking naririnig at napapanood sa mga balita kung kaya ninais kong maglingkod sa bayan. Una akong nagboluntaryo sa Isang non-government charity na kung saan ay tumutulong sa mga kababayang nasagip mula sa mapang-abuso nilang mga amo sa ibang bansa. Kinalaunan ay inalok ako ng pwesto sa gobyerno nang mapansin ng pamahalaan ang aking pagsisikap na makatulong at sa tulong na rin ng aking Lolo Ramon na matagal ng nasa pulitika. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis ang dalagang pasaway. Alam Kong hindi Niya naman sinasadya iyon pero may pagkabulgar ang kanyang mga dila. Napatingin ako sa screen ng aking computer, bahagya akong napangiti at kalaunan ay napatawa. Ito ang kauna-unahang beses na nangyari sa akin ang bagay na iyon. "Kristina Seraphyne De Guzman" Sambit ko sa pangalan ng dalaga na nakasulat ang kanyang personal information sa aking computer. Ipinilig ko ang aking ulo at binalik ang aking atensyon sa aking trabaho. Dahil sa pagiging abala ay hindi ko namalayan na madilim na sa labas, hindi ako titigil sa pagttrabaho kung hindi lang tumunog ang aking cellphone. Napakunot ang aking noo ng makitang tumatawang si Lolo Ramon. "Hello Lo, Bakit po?" Bungad na tanong ko nang sagutin ko ang tawag. [Let's have dinner while I'm still here. Isama mo ang girlfriend mo ha, si Tina. Gusto ko pa siyang makilala] Napatuwid ang aking pagkakaupo dahil sa gusto nitong mangyari. "Pero Lo, Nasa--" [ Nagpareserve na ako sa Isang restaurant. Magkita tayo doon after an hour] Sabi lang ni Lolo Ramon saka pinutol ang tawag. Napasandal ako sa swivel chair dahil sa namumuong problema. Ang akala ko, pagkatapos ng nangyari kanina ay madali ko ng malulusutan ang lahat Pero hindi ko inaasahang hahanapin ni Lolo si Ms. De Guzman bagay na hindi naman nito ginagawa dati sa dati Kong asawa na si Nathalie. Nasapo ko ang aking mukha ng maalala ang salawahan kong asawa at pilit itong inaalis sa aking isip. Hanggang ngayon ay malaking sugat sa aking puso ang kanyang nilikha na kahit dalawang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin maghilom kaya sa trabaho ko na lang inilaan lahat ng aking oras upang makalimutan ang kanyang nagawang kasalanan. "Let's just find that girl" Turan ko sa aking sarili habang hinahanap ang lugar kung saan tumutuloy si Miss De Guzman. Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang larawan kung saan ay pinicturan ko ang papel nito kanina. Ang rason ko lang talaga ay para madali ko itong makontak kung sakaling tumawag ang pulisya at mahanap ang kanyang gamit. Pagkatapos Kong malaman kung saan ito naka check- in ay inayos ko na ang aking mga gamit at magpunta sa aking bahay para makapagbihis. Pagdating ko sa kanyang hotel room ay bakas ang pagkagulat nito nang makita ako. "Good Evening, Ms. De Guzman" bati ko rito. Pangalawang beses ko palang ito nakita pero bakit sa tingin ko ay mas naging maaliwas at gumanda ang mukha nito kumpara kanina? "A-ambassador! Ano pong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong nito "Busy ka ba?" nahihiyang tanong ko "H-hindi naman po. Kagagaling ko lang sa labas and I'm just taking some rest. Bakit po?" "I need you. My Lolo called and he wanted to have dinner with you" Sabi ko "Ehh? Ako? Dinner? Pass ako sir, hindi po ako pumapatol sa matanda" pagtanggi nito. Gusto ko go humagalpak sa tawa dahil sa naisip nito Pero pinigilan ko ang aking sarili. Napatingin ako sa paligid bago ko ito lapitan. "Nakalimutan mo na kaagad? Did I ask you to pretend to be my girlfriend because of that incident?" bulong ko rito. "Ay, Oo nga pala. Sorry " "Just wear your casual suit. Hihintayin kita sa baba". Sabi ko at bumaba na sa lobby. Sa elevator palang ay may mga nakilala na kaagad sa akin. "Good evening Ambassador" bati sa akin ng ilang mga Pinoy na aking nakasalubong. Matiyaga akong naghintay Kay Ms. De Guzman, inabala ang aking sarili sa pagscroll sa aking social medias at pagsagot ng mga tanong ng mga nagp-private message sa akin. "Xander? Is that you?" nanigas ang aking katawan sa Boses ng tumawag sa akin. Dahan-dahan akong natingala mula sa pagkakayuko sa aking cellphone. "Dennise" "What a small world,no? It's been a long time, kamusta ka na?" tanong nito sa maarteng pananalita. "I'm fine. It's nice to see you again" sagot ko rito. Ibinulsa ko kaagad ang aking cellphone at tumayo rin sa tapat nito. "Siya nga pala, what are you doing here? Oh, wait!Paano mo nalaman na rito naka- check in si Nathalie?" Napaarko naman ang aking kilay at pilit na pinapaalis ang inis. Ganun pa man ay kakaibang kaba ang aking nadarama nang nabanggit nito ang pangalan ng aking asawa- dating asawa pala. "Look, she's here" Sabi nitong muli. Napasunod ang aking tingin sa elevator kung saan ay kakalabas palang na so Nathalie. Hindi ko napigilang bumilis ang t***k ng aking puso nang muli itong makita. Dalawang taon na ang nakalipas Pero bakit hindi ko ito kayang kalimutan. Ilang beses ko itong iniiwasan Pero bakit parang pinagtatagpo kami ng tadhana? "Louis, kamusta?" Mahinahon at puno ng lamyos na bati sa akin ni Nathalie. "Hi, I'm totally fine. How about you?" pilit Kong pinapakalma ang aking sarili. I just can't keep my eyes off her. She's still beautiful but there's something with her na nagbago of baka ako lang talaga ang hindi nagbabago? "Same. Ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong nito. "That's what I'm asking him kanina. Maybe he knew na dito ka nakacheck in that's why he's here" Sabat muli ni Dennise. "Sorry, I think you misinterpreted me because you keep on talking. Actually, I'm waiting for someone" inis na sagot ko Kay Dennise. "Oh, Is it a girl or a boy?" tanong pa nito. Nag-uumpisa ng mag-init ang aking ulo dahil sa labis na panghihimasok ng babaeng to. Gaya pa rin ng dati ang ugali Niya, mahilig manghimasok at pangunahan ang ibang tao. "She's my girlfriend and we're having dinner with my lolo. And she's finally here, mauna na ko" paalam ko sa kanila nang mamayang papalabas ng elevator si Ms. De Guzman. Thank God, you're my life saver Ms. De Guzman napaskil ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang dalaga, kung wala ito ay hindi ko Alam kung paano ko malulusutan ang sitwasyon na ito. Hinawakan ko ang kanyang kamay nang walang paalam. "Sana pala Isa na lang sa kanila ang pinagpanggap mong girlfriend mo" sabi nito ng makalapit ako sa kanya. "Remember, it's all your fault." bulong ko rito. Sinadya kong mas ilapit ang aking mukha sa kanyang Tenga na para bang hinahalikan ko ito sa tingin ng mga nasa aking gilid lalo na sa parte nina Nathalie. "Oo na. Basta sir, huwag mong kalimutan yung ipapautang mo sa akin ha." ganting bulong din nito. "I never broke my promise" Sabi ko at pasimpleng tinapunan ng tingin ang dalawang babae na kapwa nakasunod ang tingin sa akin at sa babaeng aking kasama. Mas lalong lumapad ang aking ngiti nang makita ang bahagyang pag-awang ng bibig ng mga ito dahil pakiramdam ko ay nakaganti na ako Kay Nathalie. You have to move on, Xander __ "Is it true, Girlfriend Niya iyan? I never heard anything about him having a girlfriend after you got a divorce" hindi makapaniwalang tanong ni Dennise habang nakasunod ng tingin Kay Xander kasama ang Isang babae. Napaawang ng bibig si Nathalie habang nakasunod ng tingin sa dating asawa na ngayon ay papasakay ng kotse. Hindi Niya inaasahang makaka-move on ito dahil ang akala Niya ay magpahanggang ngayon ay mahal pa rin siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD