Chapter 6

1277 Words
TINA'S POV  Nang makapagpahinga ay nagtanong ako sa hotel receptionist kung saan pwede makabili ng murang cellphone pati na rin ng sim card. Naglakad Lang ako papunta sa lugar kung saan binanggit nito para makatipid ng pamasahe. Halos sampong minuto Rin ang aking naglakad ng makarating ako sa Isang tindahan. Pagkatapos Kong makabili ay saka ako nag-ikot ikot nagbabakasakaling makahanap ng trabaho. Nang mapagod ang aking mga paa ay nagpasya na akong bumalik sa hotel. Agad kong ininstall ang lahat ng aking apps Pati na rin ang aking social media account. Kakaba-kabang inopen iyon dahil natatakot akong baka napalitan na ang password. Unti-unti akong nabunutan ng tinik ng makitang hindi napalitan ng password ang aking mga social media account. Medyo nahirapan man I retrieve ang aking mga email account ay naayos ko na rin. Sunod naman ay ang aking mga mobile bank apps. Napasayaw ako sa tuwa at nagtatatalon ng makitang hindi pa nagagalaw ang laman ng aking bank accounts. Inayos ko ang mga iyon at tinanggal mula sa pagkakabind sa aking cellphone dahil hindi na ako umaasang mahahanap ko pa ang cellphone ko. Malaking tulong din talaga na lahat ng account ko Pati na rin ang cellphone ko ay may password dahil hindi basta basta nabubuksan. Sandali Kong Nakalimutan ang sakit na nilikha ni Bryce sa aking puso nang masiguradong secured na ang lahat ng accounts ko. Binilang ko ang laman ng aking bank account. Aabot ng nasa mahigit Isang Daang piso na kaagad ang na-itransfer ng kabit ni Bryce sa account ko, idagdag pa ang mahigit 180k na ipon ko. Nakakapanghinayang Lang dahil ang perang ibinigay sa akin ni Papa ang nawala kasama ng aking wallet. Napatingin ako sa kisame . "Passport, visa at mga ids ko nalang talaga ang kailangan." Sabi ko sa aking sarili. Tinawagan ko si Ivy at sakto naman na Gabi na sa Pilipinas kung kaya wala na ito sa trabaho. "Kamusta Mars? " tanong nito. Para naman nagbalik sa akin lahat ng mga kamalasang nangyari sa akin sa unang araw ko palang. Ikinwento ko sa kanya ang nadatnan ko sa tinitirhan ni Bryce. "Teka Mars, parang kulang ang computation mo. 'yung ambag mo pala tuwing may gatherings sa family Niya? Hindi ba doon sa motor may ambag ka Rin doon?" hirit ni Ivy. "Hayaan mo na 'yun naka-limang hulog Lang naman ako doon. Hayaan na natin ang karma ang bumawi sa manlolokong 'yon." Sabi ko. "Tapos, ano na nangyari? Ituloy mo na kwento" Sabi pa nito. Ipinagpatuloy ko ang aking pagkkwento. "What?! Ang malas mo naman Marz. Paano na ang original plan mo? Gusto mo bang kausapin ko ang head at ibalik sa'yo ang position mo? Okay lang sa akin, sabihin na lang natin na hindi naging masaya ang vacation mo sa Spain." Sabi nito. "Gagawan ko na lang ng paraan. Hindi ako pwedeng umuwi diyan ng wala man Lang napapatunayan." Sabi ko rito. Hindi ko na binanggit dito ang tungkol sa nangyari sa Embassy dahil sigurado naman ako na pwedeng lusutan ni Ambassador ang lolo nito. "Marz, may kumakatok sa pinto mo" Puna ni Ivy na hindi ko kaagad narinig. Hawak ang cellphone at bukas ang camera nito ay nagtungo ako sa pinto upang silipin kung sino ang nasa labas. "Good Evening, Ms. De Guzman" bungad na bati ni Sir Xander. "A-ambassador! Ano pong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong ko. "Busy ka ba?" "H-hindi naman po. Kagagaling ko lang sa labas and I'm just taking some rest. Bakit po?" "I need you. My Lolo called and he wanted to have dinner with you" Sabi nito. "Ehh? Ako? Dinner? Pass ako sir, hindi po ako pumapatol sa matanda" pagtanggi ko kaagad. "Nakalimutan mo na kaagad? Did I ask you to pretend to be my girlfriend because of that incident?" bulong nito na inilapit pa ang kanyang bibig sa aking Tenga na para bang ayaw ipaalam sa iba ang tungkol sa bagay na iyon. "Ay, Oo nga pala. Sorry " hingi ko ng paumanhin. "Just wear your casual suit. Hihintayin kita sa baba". Hindi na nito hinintay ang aking sagot at umalis na kaagad. "Ano ito, Mars?!!! Sino iyan? Ampogi ng boses ah mala-josh Turner ang vocals" Boses na nagmula sa aking cellphone. Nawala sa isip Kong magka-videocall nga pala kami ni Ivy. "Nandiyan ka na rin Lang, tulungan mo na lang ako sa susuotin ko, Mare. Promise ik-kwento ko mamaya" Sabi ko rito. Bakasyon, makasama si Bryce at trabaho ang dahilan kung bakit nandito ako sa Madrid Pero mukhang unti-unting nalilihis ang aking plano. Kinalkal ko ang aking mga damit na nasa loob ng aking bagahe at naghanap ng aking pwedeng masuot. Sa totoo Lang ay wala ako masyadong alam sa fashion basta sinusuot ko lang kung ano ang gusto ko. Wala naman akong pakealam sa kung ano ang sasabihin ng iba Pero sa pagkakataon na ito ay para akong kinakabahan dahil Governor ang lolo ni Sir Xander. Kalma, Tina. Bakit ka kakabahan eh fake girlfriend ka lang naman baka bukas wala na iyan. Suway ko sa aking sarili dahil bumabalot na ako ng pagkataranta. Daig ko pa ang Isang empleyado na takot mapagalitan ng amo. Sa tulong ni Ivy ay nakapili ako ng aking susuoting damit. Isang Apricot turtleneck na long sleeves na pinarisan ko lang ng fitted High waist jeans. Pinatungan ko na lang ng itim na winter coat na nabili ko sa ukay noong nagpunta ako sa Baguio. "Pak, hindi halatang galing ukay. Ganda mo diyan,Mars," puri ni Ivy habang ipinapakita ko rito ang aking outfit. Nag-apply Lang ako ng kaunting make-up at lipstick para nagmukhang presentableng tingnan. "Sige na Mars. Mauna na ko, mamaya na lang tayo mag-usap. Nakasalalay dito ang kinabukasan ko rito sa Madrid, Ciao" Sabi ko bago patayin ang tawag. Sinuot kong muli ang black boots na suot ko kanina bago ako nagtuloy sa lobby kung saan naabutan Kong may kausap na magagandang babae Si Ambassador Xander. Agad itong nagpaalam sa mga kausap nito at saka lumapit sa akin. "Sana pala Isa na lang sa kanila ang pinagpanggap mong girlfriend mo" Sabi ko rito. Imbis na nagpapahinga ako at nag-iisip kung papaano makahanap ng trabaho ay kailangan ko pang sumama rito. "Remember, it's all your fault." "Oo na. Basta sir, huwag mong kalimutan yung ipapautang mo sa akin ha." "I never broke my promise" Turan nito. Habang nasa sasakyan kami ay pinaalalahanan Niya ako ng ilang bagay. "Huwag mo akong tatawaging Sir or Ambassador, you can just call me with other endearment or just Xander. And don't be surprised if I hold your hand or put my arm around you because that's the most basic way to introduce you as my girlfriend. Do you understand?" Sabi nito. "Sir--" "Ngayon palang ay sanayin mo na ang sarili mong huwag akong tawaging sir" putok nito sa kung ano ang aking sasabihin. "Okay po sir, I mean Xander. May physical contact, hindi ba parang sobra naman na yun para sa pagpapanggap tapos ang kapalit lang noon ay papautangin niyo ako?" Kailangan Kong gamitin ang utak ko kung gusto Kong tumagal sa lugar na ito. "Fine. You don't need to pay me back basta ayusin mo lang ang pagpapanggap sa harap ni Lolo. " Napangiti naman ako ng malapad at kumapit sa braso nito na halos dumikit ang aking malambot na dibdib sa kanyang braso. "Dapat ba ganito ka-sweet kapag nasa harap Niya?" pinapungay ko ang aking mga mata at kinindatan pa ito habang bahagyang nakatingala sa kanya. Halos limang dangkal ang pagitan sa aming mga mukha. "Xander, my dear. Ganito ba?" ulit ko nang hindi ito nagsalita bagkos ay tumitig Lang sa akin. Mabilis nitong iniiwas ang kanyang mukha. "Eherm.. Y-yeah" sagot Lang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD