KRISTINA’S POV
"Sinabi ko na sa kanya na ako na gagawa but she keeps on insisting kaya hinayaan ko na. By the way, I would like you to meet my girlfriend, Kristina" lumapit ito at muli akong inakbayan. Napamulagat ako dahil sa sinabi nito at wala sa sariling napatingin dito.
Kinindatan niya lang ako at ang kamay na nakaakbay sa akin ay kanyang inilipat sa aking bewang saka marahan iyong minasahe bagay na nagpatuwid sa aking pagtayo.
“Sir, huwag mo masyadong higpitan ang pagkakahawak sa bewang ko. May kiliti ako diyan,” pigil ang hininga at paghagikgik nang bumulong ako rito. Hindi ko napigilan mapasinghap ng lumapat ang kanyang pisngi sa aking mukha at dumampi sa aking balat ang kanyang mabango at mainit na hininga ng magsalita.
“Just go with the flow then. Pangako, tutulungan kita sa problema mo” bulong nito sa akin. Napatango ako habang pakiramdam ko ay tinatambol ang aking dibdib dahil sa sobrang kaba. Tila pa namamawis ang aking mga palad dahil sa tensyong nakapagitan sa magLolo.
“By the way, She’s Kristina. Tina, my lolo Roman Villafuerte. And they are Gov. Cortez, Gov. Chavez and Gov. Lazaro.” pakilala sa akin ni Sir Xander sa akin sa mga lalaking nasa harapan namin. Napakahinahon ng boses nito kahit pa ang boses nito ay baritono, para bang sa bawat pagbuka ng bibig nito ay maraming babaeng mahuhumaling dito.
“Good afternoon po, It's nice to meet you po.” magalang kong bati sa mga ito at inabot ang aking kamay. . Kahit na nakasimangot ay tinanggap ng lolo nito ang aking kamay maging ang mga kasama nito. Bahagya naman akong nahiya dahil sa kabila ng katandaan ng mga ito ay napakalalambot ng kanilang mga palad kumpara sa akin na may pagkamagaspang. Sa palad palang ay alam mo na talaga ang pinagkaiba ng estado ng aming pamumuhay.
“You really have good taste in women, Xander ha,” papuri ng isang matanda na ang pakilala ay si Gov. Chavez
Peke naman napangiti si Xander kung kaya napangiti na rin ako kahit pa medyo nahiya sa komento nito.
“ It’s nice to meet you,hija. Pasensya na at hindi maganda ang unang pagkikita natin dalawa” nakangiti ng sabi ng lolo ni Sir Xander.
“Naku po, okay lang po. Kasalanan din po kasi ng apo niyo sir. He walks without tying his shoelaces. Masyado po kasing subsob sa trabaho” sabi ko at nagkintal ng pekeng ngiti sa aking labi.
“Mabuti na lang at nandito ka, Tina.Ikaw na bahala sa workaholic kong apo ha. Anyway, mauna na kami . We just stopped by to see how you're doing dahil baka isinubsob mo na naman ang sarili mo sa trabaho.” paalam ng matanda.
Lumapit ito sa akin at yinakap ako.
“Don't leave him. Stay by his side.” bulong nito habang tinatapik tapik ng mahina ang aking likod. HIndi iyon utos kung hindi pakiusap. Isang tipid na ngiti ang aking itinugon dito bago ito tuluyang umalis ng opisina.
Nang maisarado ang pinto ay tila naman napapaso akong lumayo kay Sir Xander.
“Sir! Bakit naman ganoon? Hindi niyo naman ako in-inform na love at first sight kayo sa akin at may pa meet the grandpa kaagad.” sabi ko agad nang humarap ako rito. Napapailing itong bumalik sa kanyang upuan at parang pagod na ibinagsak ang kanyang sarili.
“It’s all your fault. Sino ba kasi ang may sabing lumapit ka sa akin. All you have to do is to sit there and talk, that's it...Ahh.. For almost four years of being an Ambassador, This is the first time I've ever felt embarrassed.” anito at napahilamos pa ng kanyang mukha.
"And excuse me, I'm not in love with you Ms. De Guzman. I just have to do that to save my name because of what you did." dagdag pa nito.
Nakaramdam tuloy ako kaagad ng hiya dahil sa sinabi nito.
Another kamalasan na naman.
“Sorry po, Sir” nakayukong sabi ko. Hindi ko naman sinasadyang mangyari ang mga bagay na ito. Sadya yatang may kambal malas ako dahil unang araw ko palang dito sa Madrid ay sunod-sunod na kamalasan na kaagad ang sumalubog sa akin.
“It’s okay. We can still resolve this issue.” nanghihinang sabi nito.
“Sir. Paano po yung problema ko?” tanong ko rito. Halos tatlong oras na simula ng makarating ako rito pero parang napaka-hopeless ng sitwasyon ko.
“ Okay, fine. Pwede kitang pahiramin ng pera na magagamit mo for three weeks but, hindi kita pinapayagang magtrabaho rito. Nakikinig ka ba sa akin, Ms. De Guzman?” seryosong sabi ni Ambassador.
“Promise po, Sir” parang nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan dahil sa sinabi nito. Inilahad ko na kaagad ang aking kamay sa kanyang harapann upang kunin ang perang ipapahiram nito sa akin.
“What is that for?” takang tanong nito
“‘Yung ipapautang niyo po sa akin, Sir. Kukunin ko na” nakangiti at inosenteng sagot ko.
“Ms. De Guzman, hindi ka ba nagbabasa ng articles bago ka pumunta sa ibang bansa?”
“Nagbabasa naman po. Bakit?” takang tanong ko rito.
“Limited lang ang pwede mong dalhin na cash dahil puro cards ang karaniwang payment method dito.”
“Ganoon po ba? Then, paano po ‘yung hinihiram ko sa inyo?”
“Bumalik ka rito after a week or kapag naubos mo na iyang natitira mong extra money saka kita bibigyan. Every week the routine will be like this hanggang sa matapos ang bakasyon mo dito.” sabi nito. May ibinigay ito sa aking mga papel upang makapasok pa rin ako sa hotel na bi-nook ko para lang makalusot ako sa Tourist Visa application. Mabuti na lang ay hindi ko iyon ki-nancel dahil ang orihinal kong plano ay magstay sa tinutuluyan ni Bryce.
Bigla na naman umasim ang aking timpla ng maalala ang salawahang manggagamit kong ex.
“Ms. De Guzman” tawag sa akin ni Ambassador Xander nang buksan ko ang pinto ng opisina nito.
“Can I get your number, you know just in case na kailangan kitang makontak for your missing belongings.” sabi nito
“Nawala po ang cellphone ko Sir, hindi ba? “ may halong pang-uuyam ang boses ko pero pilit ko iyong hindi ipinapakita.
“Ah. right, I forgot. Just give me the name of the hotel where you are staying and the address of course.” sabi nito.
Binuksan ko ang aking maleta at kinuha ang mga photocopy ng mga docs ko pati na rin ng mga ids ko. Malaking tulong din ito sa akin lalo na ngayong nawala lahat ng importanteng gamit ko.
“Ito po” sabi ko at ipinakita rito ang photocopy ng booking ko sa hotel. Pinicturan niya lang iyon saka niya ulit ibinalik sa akin ang aking papel.
“You may go. Please be extra cautious next time, ang Madrid ay hindi katulad ng sa Pilipinas na gamay mo ang bawat tao kaya huwag ka kaagad magtitiwala kapag may lumapit sa’yo” paalala nito.
“Thank you very much, sir for the reminder.” sabi ko at tuluyang umalis.
Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa room na aking bi-nook sa hotel at gaya nga ng naipangako ng embahada ay madali akong pinapasok ng hotel receptionist kahit pa wala akong maipakitang passport.
Ang tangi ko na lang kailangang gawin ngayon ay kung paano ako makakatagal sa lugar na ito at makakapagtrabaho ng hindi nahuhuli.