Chapter 4

1339 Words
TINA'S POV "Ambassador!" pikit matang tawag ko sa gwapong diplomat na abala sa pagsusulat sa kanyang lamesa. Seryoso itong napatingin sa akin habang ako naman ay pigil- pigil ang aking hininga. Hindi ako pwedeng umuwi ng bansa, magmumukha akong talunan at kawawa. Nakaasa sa akin ang aking pamilya at umaasang magbibigay ako ng kasaganahan sa pamilya. "Bakit? May kailangan ka pa ba, Miss De Guzman?" mahinahong tanong nito. "Sir, hindi po ako pwedeng umuwi ng Pilipinas. Umaasa sa akin ang pamilya ko" naluluhang pakiusap ko. "Ms. De Guzman, kahit gustuhin namin ay wala tayong magagawa. Tourist Visa ang gamit mo Pero nawala ang mga gamit mo kasama na ang lahat ng papers mo bukod pa roon ay limited lang ang pocket money mo na aabot lang ng isang linggo kaya the best thing we can do is to send you back to our country within 7 days" mahinahong paliwanag nito. "Sir, baka pwede pong magawang ng paraan para mapalitan ang visa ko." "Let's say I can give you a Temporary Travel Document or Replacement Passport but how can you survive here without enough cash?" Kalmado pa rin nitong Saad. "Baka pwedeng pautangin niyo na muna ako, Sir. Babayaran ko Rin kaagad kapag nakahanap ako ng trabaho." Kinapalan ko na ang aking mukha para nakautang dito "So you're saying Miss De Guzman na nagpunta ka rito sa Madrid ay para magtrabaho at hindi para maging turista?" nakataas na ang kilay ng gwapong diplomat habang nakatingin sa akin. "Actually po sir, parang ganoon na nga Pero hindi naman po iyon illegal hindi ba?" "No! It’s illegal here in Madrid. Schengen tourist visa ang inapplyan mo at hindi ka nag-apply ng working visa. Mapanganib ang plano mong iyan dahil possible kang mahuli at madeport. Masisira rin ang records mo at Maapektuhan ang future visa applications mo kapag nagbalak ka ulit lumabas ng bansa. Kapag nahuli kang nagttrabaho ka na walang working permit ay considered ka na as undocumented workers at iyan ang mga iniiwasan nating mangyari." Mahinahon pa nitong paliwanag. Pero Desperado na ko. Lumapit ako dito patungo sa kanyang upuan sa gilid ng lamesa at lumuhod. Bakas sa mukha nito ang taranta at pagkagulat ngunit wala na akong pakialam kung may makakita. Wala na akong ibang alam na paraan. "Sir, please tulungan mo ko. Kaya Lang naman ako nagpunta talaga dito ay para magtrabaho at para Rin i-surpresa ang boyfriend ko Pero hindi ko naman inaasahang ako pala ang masu-surprise. Isipin niyo Yun sir, noong papunta siya rito halos lahat ng gastos Niya ako ang gumastos na hindi alam ng mga magulang ko Pero ngayong ako ang umalis para magpunta dito, hindi ko naman inaasahang ibebenta ni Papa ang nag-iisa naming bulog na baka para Lang matuloy.." pakiusap ko rito. "Miss De Guzman, Tumayo ka diyan" natatarantang Sabi ni Ambassador Xander habang nakatingin sa akin at tumitingin din sa pinto. Sa halip na makinig ay mas lalo pa akong lumapit dito at hinawakan ang kanyang pantalon sa bahaging binti. "Sir!! Tulungan mo na ako. Babayaran ko na lang po. Ayaw Kong umuwi ng bansa na wala man Lang napatunayan.. Broken Hearted na nga Broke pa ang bulsa sige na sir" umiiyak ko ng Sabi at hindi ko napigilang mapayuko upang punasan ang aking mga mata Pati na rin ang aking uhog na nag-uumpisa ng lumabas sa aking ilong. "S-sige na.. I will help you but please stand up, baka may makakita sa'yo..." anito habang tinatapik ng mahina ang aking ulo. Magaan pa rin ang Boses nito na para bang nagpapatahan ng Isang batang umiiyak Pero ramdam ang Kaba sa kanyang bawat salita. "Xander, I'm here with other Governors. They just want to say hi to---- what are you doing here in broad daylight?!" Singhal na sigaw ng Isang matandang lalaki, sa likod nito ay ang tatlo pang mga kalalakihan. "Lo?!" mulagat na sigaw pabalik Rin ni Ambassador Xander. "Fix yourselves and I want an explanation now!" sagot ng matanda, nagpupuyos ito sa galit dahil sa labis na pagkapahiya sa mga kasama nito. "No, Lo. It's not what you think. She's just begging for--" tumayo si Ambassador at pinalis ang kamay ko sa kanyang pantalon. Magpapaliwanag Sana ito subalit sinarado kaagad ng matanda ang pinto. "F/CK!" inis na palatak nito at pabagsak na muling naupo sa swivel chair nito. "You!" Turo nito sa akin na pigil ang sarili dahil sa inis o galit. "Bakit po sir? Ano pong nangyari?" hindi ko naman alam kung ano ang nangyari at kung bakit ito nagalit. "Umalis ka na diyan and sit on the chair, now" utos nito na pilit na pinapahinahon ang Boses. "Pero sir, baka naman--" "I said now!" Nagulat naman ako at bahagyang natakot dahil sa pagtaas ng boses nito. Idagdag mo pa ang nagbabadyang tono sa Boses nito kasama ang mga mata nitong kanina ay puno ng pang- unawa. Tahimik akong bumalik sa upuan kung saan ako nakaupo kanina. "You know what, Ms. De Guzman. You made a new problem here. We're in a mess right now" matiim ang tingin nito sa akin "Bakit po sir? Ano pong naging kasalanan ko?" Pagmamaang-maangan ko. "Nakita mo naman siguro kung sino ang nasa pinto, hindi ba? Kilala mo ba sila?" "Hindi po" "That old man is a governor Pati na rin ang mga kasama Niya." "Tapos?" Wala pa rin akong clue kung para saan ang pagpapaliwanag nito. "They just saw us on that awkward position! It can ruin my reputation" may gigil sa boses nito subalit mahina ang tono. "Anong position?... Teka nga,sir.." tumayo ako at nagpunta sa tapat ng pintuan saka sinipat ang bahagi ng lugar kung saan ako nakaluhod kanina. "Ah, akala nila chinuchúp@ kita. Grabe naman, andumi naman nila mag-isip" napatampal ito sa kanyang noo ng marinig aking sinabi. "My God, Ms. De Guzman. Pwede bang piliin mo muna ang mga salitang babanggitin mo, napakabulgar" "Pasensya na po, Sir. Sir, yung pakiusap ko po. Huwag niyo naman kalimutan. Baka pwedeng makautang habang nandito ako at mabigyan mo ako ng Temporary Travel Visa" pangungulit ko pa. Sandali itong natahimik at tinitigan akong maigi. "Tumayo ka nga" utos nito na aking sinunod. "Turn around" utos nitong muli na para bang aso ang kanyang inuutusan at ako naman ay walang tanong na umikot. Sunod ay tumango ito. "Sa tingin ko pwede na" anito. "Pwede ng ano, sir? Pauutangin niyo na ako?" Kunot noong tanong ko. Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng malalakas na katok sa pinto kaya agad na lumapit sa akin si Ambassador Xander at saka ako inakbayan. "I'll explain it to you later. Just go with the flow" anito at bumukas ang pinto. "Smile" bulong nito sa akin. Sa pagdampi ng kanyang hininga sa aking Tenga ay nagbigay kilabot sa aking buong katawan na nanuot hanggang sa aking kalamnan. Para akong robot na bigla na lamang napangiti ng makita ang Isang matandang papasok kasunod nito ang tatlo pang mga lalaking posturang postura rin na sa tingin ko ang edad ng mga ito ay naglalaro sa pagitan ng 45-55. Napaismid ang matanda habang tinatapunan ng tingin si Ambassador. "They are Gov. Cortez, Gov. Chavez and Gov. Lazaro. Kakarating lang namin para sa dadaluhan naming summit" pakilala nito sa kanyang mga kasama. Matalim ang tingin nito sa akin habang ako naman ay abot-abot ang paghinga ng ipakilala ang mga kasama nito. Shuta, mga big time "It's nice to meet you, Sir. " kumalas sa pagkakaakbay si Ambassador Xander at Isa Isang kinamayan ang mga lalaki saka nagmano sa matanda. "Pasensya na po kayo kanina, Sir. Namis-interpret niyo siguro 'yung kanina. Actually, my girlfriend was tying the knots of my shoes when you saw as on that awkward position." Palusot ni Ambassador. "Talaga ba? Hahaha ang akala namin ay iba na ang ginagawa niyo.. hahaha" birong tawa ng pinakilalang si Gov. Cortes "Sinabi ko na sa kanya na ako na gagawa but she keeps on insisting kaya hinayaan ko na. By the way, I would like you to meet my girlfriend, Kristina" lumapit ito at muli akong inakbayan. What?!!! Me? Girlfriend ni Ambassador Xander?!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD